Chapter 9: Welcome + Slumber Party = ???

104 6 1
                                    

A/N:

Dedicated to:  Jze1812. Thank you for your vote, rate, and comment! I really appreciated it!

Guys! pls. continue to read my story! Hope ya like it!

-------------------------------------------------------------------

Chapter 9: Welcome + Slumber Party = ???

------======Mark's POV======------

"My first POV! yahoo! sobrang saya ko!" akal niyo ba yan ang sasabihin ko? hindi ako katulad ni Louise na laging masayahin.

Nandito kami sa bahay ni Louise naghihintay lang text ni Kyle kung pwede na kaming pumunta sa bahay nila.

"Louise san ba bahay ni Kyle? Malayo ba? Bakit sa bahay mo pa kailngan mag meet?" Sunod sunod na tanong ni Josh. excited na excited sa pagpunta kila Kyle.

"wait tinetext ko pa siya!" haha naiirita si Louise sa sunod sunod na tanong ni Josh. Kahit naman kami madalas naiini kay Josh kasi lagi nalang kapag nagtatanong siya sunod sunod, di niya muna pinapasagot yung tinatanong niya. 

"Huy guys! tignan niya o! May nakatira na dun sa malaking bahay." Nakasilip si Matt sa may bintana ni Louise.

Madalas kasi kaming nandito ng tropa sa bahay ni Louise kaya alam namin na matagal nang walang nakatira diyan.

"san? patingin!" sabay tayo naman si Lance. "oo nga noh! ang daming kotse sa may garage nila." pano naman niya nalaman yun?

tumayo ako at tinignan din. Pagkatingin ko nakabukas naman kasi yung pinto nila, may paalis ata. Tinignan ko ng mabuti may palabas na tao dun sa may pinto, wait si Kyle yun ha! Don't tell me.

After 13 minutes bumalik na yung kotse bumaba yung babae pero pumunta yung ibang mga guard at katulong sa kotse, may kinukuha sila sa loob yung mga pinamili nung babaeng bumaba.

maya-maya pa ay may nagtext nanaman kay Louise, "Guys! pwede na daw tayong pumunta kila Kyle!" sabi niya habang kunukuha yung mga bag niya.

pagkatapos naming mag ayos bumaba na kami dumere-deretso kami sa bahay na kanina pa namin tinitignan.

"bakit tayo nandito?" tanong ni Josh. sabi ko na nga ba dito nakatira si Kyle eh.

"You'll see" sabi naman ni Louise wow nagaya ka na kay Kyle ha!

Nag doorbell na si Louise bigla namang gumalaw yung camera sa taas, at bumukas ang pinto. May sumalubong saming isang maid.

"Welcome Sir. Louise, Miss is waiting for you" sabi nung maid nag bow pa. Wow sir na pala ngayon si Louise.

"wait, Sir? Anong Sir ang sinasabi niya?" Nagtatakang sabi ni Matt.

hindi na sumagot si Louise at pinagpatuloy niya ang paglalakad niya. Habang naglalakad kami tumingin tingin ako sa paligid, ang daming puno tsaka ang sarap ng hangin, may playground pa.

"HUy! Louise bakit ba kasi tayo nandito! Huy! Huy! Louise! Loui! Lou! Louise San Diego!" kahit ako maiinis sa sunod sunod na tanong ni Josh.

"Shut up! maghintay ka nalang!" napasigaw ako, nakakairita na kasi eh. Tumahimik naman kagad si Josh, haha natakot. Tumingin sakin si Louise yung mukha niya red na red na sa inis nag thank you sign pa.

nandito na kami sa harap ng isang napaka laking bahay, may naririnig na akong music galing sa loob.

------======Kyle's POV======------

"Miss they're here." sabi sakin nung isang maid.

excited na ako! hala! baka hindi nila magustuhan yung mga hinanda kong pagkain. baka ayaw nila yung mga movies. Tsk I worry too much.

Maya-maya pa ay pumasok na sila tumakbo naman kagad ako sa CR, Nahihiya ako! aaahhhhh. Sumilip ako sa labas Lahat sila lumilibot ng tingin. Ok! calm down.

Inhale....

Exhale.....

Inhale....

Exhale....

Lumabas na ako. "Hi Guys!"  sigaw ko naman pinapawisan yata ako.

"Kyle?" sabi ni Matt

"wait! dito ka nakatira?" sabi naman ni Josh, nabagsak pa niya yung mga gamit niya.

"Di mo pa sinasabi?" humarap ako kay Louise. Bakit hindi pa niya sinasabi.

"teka nga lang, parang may naaamoy ako" sabi ni Louise habang  inaamoy ang paligid. hala! may sunog ba? nagsiamuyan naman kaming lahat.

" ano yun? wala naman ha."sabi ko

"hindi! meron eh"sabi naman niya habang naglalakad para bang asong sinusundan ang amoy.

"Ano ba kasi yun?!" kinakabahan na ako.

"may naamoy akong......" tumigil siya sa paglalakad nasa harap siya ng mga pagkain.

"Ano?!" sabay sabay naming sabi.

"PIZZAAAAA" bigla siyang tumakbo papalapit sa Pizza.

"Sunooooog! wait what?" hahaha ang OA ni Josh. "(sigh) akala ko naman kung ano Pizza lang pala. Pagdating talaga sa pagkain ang lakas ng pangamoy nito" dugtong pa niya.

Nagsitawanan kaming lahat pati yung mga maid na nasa sala tumawa din pero di naman yung tawa na malakas ha, yung parang giggle lang.

"so? Ano gusto niyong unang gawin?" tanong ko.

"Kain muna tayo" sabi ni Lance

"NO! Games muna!" sabi ni Josh

"EHH! swimming muna" sabi ni Louise dati pa kasi niya gustong mag swimming eh.

"Tulog na tayo!" sabi ni Matt humikab pa. tumingin kaming lahat sa kanya. "Ang boring mo!" sabay sabay nilang sinabi.

Si Mark naman nanahimik lang. Nag simula na silang mag sigawan para lang malaman kung ano ang mauuna, I need to think of something.

Lumapit ako kay Mark, "gusto mo ba manood ng Movie?" syempre alanganaman ako lang ang may gusto ng gagawin namin.

"ok lang" ang KJ talaga nito!

"Guys! Nood nalang tayo ng nakakatakot!" bigla silang tumahimik at tumingin sakin. Tinignan ko sila isa-isa si Louise naman umiiling sakin, hahaha takot nanaman siya.

"ok!" sabay sabay nilang sabi tapos lahat sila tumingin kay Louise, ang hilig talagang mangasar nitong mga ito. Alam nilang natatakot si Louise pumayag parin sila.

Well looks like tonight's going to be fun!......

-------------------------------------------------------------------------

A/N:

thank you for reading this chapter! Sana magustuhan niyo.

Alam ko na ang ikli ng nangyari so I'm sorry di lang ako makapagisip ng mabuti kasi pasukan na!

keep on commenting and voting. Oh! and don't forget the reading hehe. (/^___^)/ 

Si Girl Napagkamalang  TomboyWhere stories live. Discover now