Chapter 4: Neighbors?!

148 6 1
                                    

Chapter 4: Neighbors?!

"aaaaaahhhhhh!!!" halos magunaw na ang buong bahay sa sigaw niya.

Nanonood kami ni Louise ngayon ng "the conjuring", takot na takot siya daig pa niya ako kapag nagugulat.

Oo tama nandito sa bahay namin si Louise, bakit? You'll see.

Flashback.......

"dito ka nakatira?!" Nagulat ako kasi ang bahay nila ay halos katapat lang ng bahay namin.

So yung kinukwento niya kanina ay yung bahay namin, kaya pala parehas ang nangyari sakin tsaka sa kwento niya kanina. Akalain mo yun grabe nga naman! Sinusundan talaga ako ng malas!

"oo! Bakit? Any problem?" Sabi niya. Habang binubuksan niya ang gate nila, papaalis na sana siya pero pinigilan ko siya.

"ibig-sabihin mag kapit bahay tayo?" Tanong ko pa sa kanya, biglang kumunot ang noo niya. Para niyang sinasabi na "what are you talking about"

nag pamewang ako ng isang kamay at tinaasan ko pa siya ng noo. After ilang minutes nagets narin niya. Grabeh! Ang slow niya!

"ehh! kayo yung nakatira dun?!" Tinuro niya yung malaking bahay sa harap ng bahay nila.

ay hindi! Dun kami nakatira sa kabilang bayan, kaya ko nga sinabing mag kapit bahay tayo eh. gusto ko sabihin lahat ng iyan pero nag-smirk nlng ako. Umiral nanaman ang pagka pilosopo ko, Eh kasi naman ang slow niya eh.

"sobrang yaman niyo pala!" Nanlaki ang mga mata niya. "Kyle may itatanong lang ako, meron ba talagang slide ang pool niyo diyan sa loob?" Dugtong pa niya with curiosity on his face. Naku! masama ang kutob ko dito eh

"oo. And how did you know?" Tanong ko sa kanya, chismoso pala talaga itong lalaking toh. Tinaas ko nanaman ang isa kong kilay.

"sinabi sa akin nung isang katulong." Sagot niya. Ang chismosa talaga nung mga katulong namin. "Ang init naman ng panahon" parinig niya habang pinapaypay ang kamay niya, at pinunasan pa niya ang noo niya kahit walang pawis.

"oo na, sige na, pwede ka nang mag swimming." Napilitan ako kasi ang tagal na niyang nag papaypay.

"yay! Wait lang ha! Kunin ko muna pang swimming ko" wow kailangan pang mag ready, mag kapit bahay lang naman tayo.

End of flashback....... (ang haba noh? Si author kasi eh)

tinatanong mo ba kung bakit hindi kami nag s-swimming, instead nanonood kami ng movie? Kasi nakalimutan ko na tinanggalan pala ng tubig yung pool. Pinupuno pa ng mga katulong yung pool, so habang nag hihintay kami ay nanonood muna kami.

"huy! Di ka ba natatakot?" Tanong niya. Nakatakip siya ng unan habang yung mga paa niya ay nakataas. "tibay mo naman" dugtong pa niya

"duwag ka lang" asar ko sa kanya. May lumapit sa akin na katulong.

"miss, the pool is ready" bulong niya sa akin.

"sige susunod na kami." Sagot ko, nung umalis na yung katulong nagtanong si Louise.

"bakit daw?" Tanong niya, with his eyes sticked on the tv.

"wala yun." di ko sinabi ang totoo kasi kapag sinabi kong ready na ang pool aalis kagad siya. Gusto ko pang tapusin yung movie para makita ko ang takot na itsura ni Louise nakakatawa kasi eh, parang akala mo siya na yung susunod na biktima.

after a few minutes natapos na namin ang movie.

"nakakatakot naman yun." Sabi niya habang nag uunat.

"di naman masyado" humikab naman ako.

"ewan ko sayo" sagot pa niya.

"ready na pala yung pool" sabi ko sa kanya. Bigla namang nanlaki ang mha mata niya.

"ok! Halika na!" Hinatak niya ang kamay ko. Kumalas naman kagad ako.

"sige mag re-ready lang ako" sagot ko.

"sandali! Hindi ko alam kung saan."

"wait" tumawag ako ng isang body guard. "can you please gui...." Di ko natapos ang sinasabi ko kasi may dumating.

"welcome home ma'am, sir" sabi ng bawat maid na madaanan ng parents ko. Nandito na sila.

"Louise, sa susunod ka na mag swimming nandyan na kasi parents ko eh" mahinhin kong sabi sa kanya.

"o-ok?" Sabi niya na may pagtataka sa muka niya.

nang nakita ng parents ko si Louise bigla silang nag smile.

"so? Who's your friend?" Tanong sakin ng nanay ko. Nag smirk ako para kasing gusto kong sumigaw ng PLASTIC!

"Mom! Dad! He's my friend, Louise" nag go with the flow na lang ako kasi alam ko namang fake lang ang smile nila eh. Kaya nag smile na din ako.

"oh! Hello! We're Kyle's parents" sabi ng tatay ko.

"hello po! Nice to meet you, I'm Kyle's classmate Louise." Sagot naman ni Louise

"why don't you stay for dinner?" Tanong ng mommy ko, pero imbes na naka harap siya kay Louise ay sa akin siya naka harap.

"no mom, he's just about to leave. Right Loui?" Sabi ko tsaka ko hinawakan ang braso niya, medyo hinigpitan ko yung pag hawak ko. Inescort ko siya papunta sa pinto lang namin pero hindi sa gate.

Medyo binagalanbn ko yung pag lakad ko, pag kapasok ko ay nag aabang na kagad sila mommy at daddy sa sala. Bigla akong sinampal ni Mommy, pero matibay ako hindi ako umiyak o nag ouch man lang, Sanay na kasi ako eh.

"what did I said about bringing friends at home? You didn't follow me again! And what's more is it's a boy!"pasigaw na sabi ni mommy.

"And to think that this is only the first day you met each other?!" Sigaw pa niya. Si Daddy naman umakyat na kasi alam niya na mahahandle naman ito ni Mommy, tsaka wala naman siyang pakialam kung ano man ang sabihin sakin ni mommy.

"you're always like that, not following your parents. I'm already tired scolding you everyday, I just wish you were never born" sigaw niya, tsaka siya pumanik sa taas. Nagulat ako sa huli niyang sinabi, all this time kapag pinapagalitan ako hindi ako lumuluha. Pero ngayon mas masakit pa ang huli niyang sinabi kaysa sa sampal niya. Napaluha ako, masakit talaga eh tsaka kahit ganito sila sakin, yung lagi akong sinasaktan mahal ko parin sila pero dahil sa sinabi ni mommy sakin kanina I'm doubting if she really love me, anong magagawa ko yun ang nararamdaman ko eh.

Si Girl Napagkamalang  TomboyWhere stories live. Discover now