Chapter 3: One of the Guys!

180 7 2
                                    

Chapter 3: one of the guys!

hangang ngayon nagiisip parin ako kung sasali ako o hindi. Biglang may kumakalabit sa akin sa braso ko, si Louise tapos may inaabot siya sa akin na papel.

"dapat mamayang uwian may sagot ka na ha!" Nakasulat sa maliit na papel. Grabe mamaya na kagad! Excited much?

nag reply ako sabi ko "fine!" See? Ganyan ako ang dami kong naiisip pero kapag sumagot ako ang ikli lang

Lunch break na at hindi ako inimbitahan ni Louise na pumunta sa rooftop. What a relief now I can make friends with someone. Nilapitan ko yung tatlong babaeng mag kakasama. Ok let's try if what Mark said is true.

"hello! I'm Kyle nice to meet you." nag fake smile na lang ako.

"hi!" Sabay sabay pa nilang sabi, tapos ang tunog nang boses nila ay yung parang mga flirt. Lumayo kagad ako sa kanila kasi feeling ko flirt sila.

napatigil ako nung biglang may nag pop sa utak ko, kung flirt sila at nag f-flirt sila sa akin ibig sabihin akala nila tomboy ako? Tama nga siguro yung tropa ni Louise mukha akong tomboy. Kung mukha akong tomboy baka hindi ako mag karoon ng babaeng kaibigan. Sasali na nga lang ako sa tropa kaysa naman lahat ng kaibigan ko ay flirt.

(A/N: Sorry kung masyadong mabilis ang pangyayari, di ko kasi alam kung pano habaan eh.)

after a few subjects uwian na, nilapitan kagad ako ni Louise.

"so? What's your answer?" Sabi niya, habang palapit ng palapit yung mukha niya sakin.

"woah! Hold your horses, masyado kang malapit" sabi ko habang nilalayo ko ang mukha niya sakin.

"ay! Sorry! Masyado lang curious, ano na?" Sabi niya. Bago ako sumagot nilibot ko muna ang mga mata ko para hanapin si Mark. Nandun siya sa sulok naka patong yung ulo niya sa table niya, hinihintay yata si Louise.

"ok! Sasali na ako" I finally said it, now there's no turning back.

"really?! Yay! Mark narinig mo yun?" Tumingin siya kay Mark. Tinaas lang niya kamay niya. "(sigh) wala nanaman siya sa mood sorry ha!" Pag sosorry niya sakin.

"it's okay tsaka di mo naman kailangan mag sorry eh, kasi wala ka namang kasalanan" sweet ko noh? Pwes it's not my style.

"thanks. So? Sabay ka nang bumaba saamin mag mee-meet ang tropa sa baba" sabi niya habang nagliligpit nga gamit niya.

"ok." bakit ba ako payag ng payag!

"Mark! Halika na! Tapos na kami mag ligpit." Nilagay.na niya ang bag niya sa likod niya.

sumunod naman kagad si Mark, tumayo na siya at dumere-deretso na sa labas.

"halika na!" Hinugot ni Louise ang kamay ko.

"hey! No need for that!" Napasigaw pa ako. Ayaw ko kasing hinahawakan ako.

"whoa! Sorry!" Sabi niya. "eto. hinahawakan lang eh, masyado nang hot headed. paalala ko lang di tayo talo ok? kaya wag ka nang kabahan kasi wala akong balak sayo." naiinis pa niyang sabi.

"oo na!" yun nalang nasabi ko, kaysa namang aminin ko na hindi ako tomboy. baka magalit pa at paalisin ako sa tropa.

nandito na kami sa may entrance, nag-aabang sa labas yung ibang katropa. Syempre kumakain nanaman si Lance, si Josh naka headphones nanaman, si Matt, well, nag-babasa, nerd yata siya eh. Well, you can't judge the book by the cover.

Si Girl Napagkamalang  TomboyWhere stories live. Discover now