CHAPTER 57: Sudden Request

7.4K 185 6
                                    

Hi guys it's me again. Haha did I scare you? I'm sorry... Not. Haha

REN

Naglalakad ako papuntang gym dahil may klase kami kay Sir Sumire. Medyo late na ako kaya dapat kong bilisan.

Wala akong magamit na sasakyan dahil nga scholar kuno ako. Poor lang dapat.

Napahinto ako sa akmang pagbukas ng pinto nang may mapansin akong dalawang tao sa gilid.

Sinilip ko sila at nakita kong magkayakap. Yayks. PDA

Bubuksan ko na sana kung hindi ko lang narinig yung boses ng lalaki.

"I miss you Mayn"

"Waaah! Namiss din kita!"

Tumaas ang kilay ko at nilapitan sila.

Nagtama ang paningin namin ni Patrick pero hindi nya ako pinansin mas hinigpitan nya pa ang pagkakayap nya kay Mayn.

May gusto ba itong si Pogi kay Mayn? Sa pagkakaalam ko childhood friends sila eh.

"Late na tayo Gelo, tara na" masayang sabi ni Mayn at hinawakan ang kamay ni Pogi.

Gelo huh?

Pagharap sakin ni Mayn ay napahinto sya.

Nanatili akong nakatingin sa magkahawak nilang kamay.

Nakita kong pilit kinakalas ni Mayn yung kamay nya pero ayaw bitawan ni Patrick.

Pinapagselos nya ba ako?

Well sorry sya dahil head over heels ang batang yan kay Ciel.

"May klase kayo ngayon ah"

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mayn pagkarinig ng boses na iyon.

Lumingon ako at nginitian sya. "Ci--Head Master Ciel. Actually papasok na nga po ako. Ewan ko lang sa dalawang yun" ininguso ko sina Mayn na magkahawak kamay pa rin.

Pilit akong ngumiti kahit na gustong gusto ko nang sumimangot at hilahin palayo si Pogi kay Mayn.

Tinignan ni Ciel sila Mayn bago bumaba ang tingin nito sa kamay nila.

Nakita kong namutla si Mayn pero saglit lang dahil napalitan ang kanyang mukha ng seryosong ekspresyon which is so unusual.

"Head Master" malamig na tugon ni Patrick.

Hindi ko sya tatawaging Pogi ngayon dahil nabibwisit ako sa kanya.

Pag ako lumalapit sa kanya para akong may nakakahawang sakit dahil todo layo sya tapos kay Mayn makalingkis daig pa sawa.

"Anyway. Alis na ko. Ciao" kumaway ako patalikod at naglakad na papuntang pinto ng gym at binuksan ito.

"Sumunod na rin kayo"

Narinig kong utos ni Ciel bago ako tuluyang makapasok sa loob.

QUEEN

Pinaglalaruan ko ang hawak kong ballpen habang bored na nakatingin kay Sir Sumire na nagpapaliwanag kung ano ang next naming lalaruin.

Bakit kaya absent si Meg?

Sa pagkakaalala ko kasi ay favorite nya ang subject na PE.

Lumapit ako kay Allison na pinalalaruan din yung ballpen nya. Sa kanya ko nakuha yung habbit na yun. Ang galing nya kasing mag pen spinning. So I tried it.

"Have you seen Meg?"

Huminto sya sa pagpapaikot at tumingin sakin. "Nope. Tanungin mo sina Yuki"

THE HEIRESS' REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon