CHAPTER 32:Their First Day (pt.2)

8.2K 193 3
                                    

ALLISON

Ang sama ng tingin sakin ng registrar. Di ko alam kung bakit.

"You are?"

"Kawashima. Kawashima, Allison" sagot ko sabay yuko. Magalang naman ako no!

"Miss Kawashima, I just want to tell you that piercing is not allowed in this school" sabay tingin sa tenga ko.

Nagtaka naman ako, "Bawal po ang hikaw dito?"

"Earrings are allowed same as piercing. Pero kung ganyan naman karami--that's a no no! Paano ka nakapasok? Wala bang nagbabantay na SSC sa gate?"

Napaisip ako "Actually..." may nagbabantay nga sa gate, pero dahil magaling ako ay nalusutan ko sila "I'll just remove this" nag ngising aso ako at tinanggal ang tatlong hikaw sa kaliwang tenga ko. Apat ang hikaw ko sa kaliwa, nagtira ako ng isa para style, sa kanan naman isa lang talaga ang hikaw ko.

"Section A ka. Building 2, second floor, blue door" inabot nya sa akin ang form ko. Palabas na ako ng bumukas ang pinto at pumasok ang nakangising aso na si Ren.

Hindi nya ako pinansin at nagdire-diretso na sa harap ng registrar.

Papunta akong building 2 nang makasalubong ko si Yuki na pawis na pawis. Naligaw na naman siguro to.

"Ayun yung registrar office" tinuro ko yung nilabasan ko kanina "Nasa loob si Ren"

Tumango sya at nagpaalam. Kumaway naman ako at muling ipinagpatuloy ang paglalakad.

Habang naglalakad ay muli kong ibinalik yung mga hikaw ko. Inilugay ko ang mahaba kong buhok at tinakpan yung tenga ko.

Pero teka nga.. Nasaan ba yung building 2?

Sinubukan kong maghanap ng mapagtatanungan pero wala akong makitang estudyante. Ano ba yan? Late na ba talaga ako?

Ayun! May naglalakad! "Hey!"

Lumingon sya sakin at tinuro ang sarili.

"Yes you!" Tumakbo ako palapit sa kanya "Saan ang building 2?"

"....."

Pipi ba to? Bat hindi nagsasalita? O baka naman nagandahan sakin?

"Here" iniabot ko ang form ko. Tinignan nya ito saglit bago ibinalik sakin "Ah. Late ka na"

"So? Hindi ko tinatanong kung late na ako, lugar ang tinatanong ko!"

"Hindi ka papapasukin"

I pursed my lips "Sino ka ba? Teacher ka ba dito ha?"

"No. But I'm the Student Council President"

"Wala akong pake! Tch jan ka na nga!"

I flip my hair and walked away. With poise! Hmp

******

Ilang minuto ay nakarating na ako sa tapat ng room namin. I'm 35 minutes late.

Bago pumasok ay inalala ko yung trait na nakasulat sa folder ko.

Short tempered, troublemaker

Pinalagutok ko ang mga kamay ko at pinaangas ang dating bago malakas na binuksan ang pinto at pabagsak itong isinara.

Lahat sila ay nagtinginan sakin maliban dun sa lalaki na nasa likod at natutulog.

"Excuse me?" Tumingin ako sa teacher at inihagis ang form ko.

THE HEIRESS' REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon