CHAPTER 36: Going Back

9.1K 233 33
                                    




THIRD PERSON'S POV


Kinuha ni Mrs. Ferrer ang kanyang telepono at sinagot ito

"Hello?" Bati niya sa kabilang linya

(M-mommy!)

"Yvonne! Bakit?" Napatayo siya nang marinig ang nanginginig na boses ng anak

(M-mommy! Se-se-se) Hindi nito maituloy ang sasabihin

"Huminahon ka anak. Sabihin mo sakin anong nangyari?" Pag aalo niya

Lalo siyang nataranta nang marinig na umiiyak ito sa kabilang linya

(Mommy! A-ang Se-serenity!)

Binundol ng kaba ang kanyang dibdib "Se-serenity?"

(Nasa ZU sila Mommy! T-teritoryo nila ang ZU Mommy! A-anong gagawin ko? Alam n-nila ang ba-bawat kilos ko! Kilos n-naming lahat!) Naghihisterical na ito at lalong lumakas ang pag iyak

"Yvonne calm down"

(How can I calm down?! Mommy!! Nasa teritoryo nila ako!)

"Relax! Pinatay mo ang King ng Zenin. Ang Serenity assassin lang sila. Kaya mo sila anak"

(You're right Mom..)

Nakahinga siya ng maluwag dahil sa wakas ay kumalma na si Yvonne

"Sige na. May aasikasuhin lang ako"

Ibinaba niya ang tawag at muling nagdial sa cellphone

(Boss)

"Nagawa nyo ba ang pinagagawa ko?" Tanong niya sa tauhan

(Opo Boss. Naipadala na namin ang kahon)

Agad niyang tinapos ang tawag at iba naman ang tinawagan. Nakadalawang ring ito bago sinagot ang tawag

(Mrs. Ferrer. It's been a long time huh) bati ng nasa kabilang linya

"Kailangan mo ng pera diba? May ipapagawa ako sayo"

MEGUMI

Zenin's HQ

Pumasok si Shean sa office ko dala ang maraming pagkain na pinakuha ko sa kanya. Manonood kasi kami ng isang magandang palabas.

"Turn off the lights" utos ko habang prenteng nakaupo habang nakataas ang dalawang paa sa table ko.

Pagkapatay ng ilaw ay lumapit sakin si Shean at binigyan ako ng pagkain at inumin pagkatapos ay umupo sa single sofa sa gilid ng table ko.

Kinuha ko ang remote at binuksan ang TV.

Unang bumungad sa amin si Yuki na tinatanggal ang pagkakalock ng broadcasting room gamit ang hairpin. Sanay sya sa mga ganyang gawain kaya nabuksan nya ang pinto ng walang kahirap-hirap.

Nagunahan sa pagpasok sina Allison at Ren. Nahuli si Mayn kaya sya na ang naglock ng pinto.

May kinalikot na kung ano si Allison at maya maya lang ay nagsimula na sila.

"Uhm. Mictest mictest" Si Ren ang unang nagsalita "Apat na gulo sa loob ng isang araw? That was awesome!"

Napangiwi naman ako.

"Alis! Ako ang magsasalita!" Sigaw ni Allison sabay hablot sa mic.

Nagkaroon ng konting ingay kaya medyo sumakit ang tenga ko "I can't believe na guardian mo sila" sambit ni Shean.

THE HEIRESS' REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon