CHAPTER 50: Mistaken Identity

7.4K 202 13
                                    

Enjoy~

YUKI

Maaga akong pumasok kinabukasan at inabangan sya sa isang lugar kung saan alam kong madadaanan nya.

Habang naghihintay ay nakita ko ang President na si Ash. "Have you seen Kawashima?"

"Hindi sya papasok ngayon" tipid kong sagot. Magtatanong na sana ulit sya pero hindi nya itinuloy at naglakad na lang palayo.

Hindi pa rin maayos ang lagay ni Allison. Hindi rin sya umuwi kagabi.

"Yukari! Si Meg?"

Si Queen naman ngayon ang nagtanong sakin. Mukha ba akong tanungan?

"Di yata papasok" tumango sya at malungkot na naglakad.

Gabing gabi na dumating si Megumi at lasing na lasing. Nagulat ako nang makitang si Andison ang kasama nya. Pinilit ko syang pumasok pero tumanggi sya. Next time na lang daw.

Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa maaninaw ko na sya na naglalakad. Mukhang hindi pa nya alam na nasa Pilipinas si Andison.

Nang dumaan sya sa pinagtataguan ko ay agad ko syang hinila at isinandal sa pader.

"What do you think you're doing Hiou?" Malamig nyang tanong.

Lalo ko syang idiniin sa pader. "Ako dapat ang nagtatanong sayo nyan Canieda. What do you think you're doing?"

"What are you talking about?"

"Don't act innocent. You know what I am talking about"

"So you knew?" Mahinahon nyang tanong.

"Answer me" hinawakan ko sya sa braso. Nakita kong nagflinch sya dahil nahawakan ko yata yung sugat nya.

Magsasalita na sana sya nang biglang may magsalita sa likuran namin. "Are you two fighting?"

Tumingin ako sa prof namin na si Sumire habang hindi pa rin binibitiwan si Seiren.

Hindi sya sakin nakatingin. Nakita ko ang palitan ni Sumire at Seiren ng masasamang tingin. Maya maya lang ay umalis na si Sumire.

Muli akong humarap kay Seiren.

"Seiren!"

Oh ghad! Ilang tao pa ba ang haharang sa usapan namin?

"Clause" mahinang saad ni Seiren.

Huminga ako ng malalim at pinakawalan sya. Tumingin ako sa tatlong lalaki na lumapit kay Seiren. Tss. Istorbo.

"Oh it's you!" Tinuro ako nung isang lalaki. I tilted my head. Do I know him?

"Kilala mo sya Rain?" Nakapout na tanong naman nung isa.

Rain? Sounds familiar.

Processing... 3%

6%

56%

77%

Request time out...

Hindi ko sya maalala.

"Sya yung sinasabi ko na naliligaw nung enroll-an! Yung chics!"

Kumunot ang noo ko. Di ko talaga matandaan.

"She doesn't remember you. Let's go. Ice, Rain" sabat nung lalaki na tinawag ni Seiren na Clause.

Nagpout naman yung lalaking Ice ang pangalan at sumimangot yung Rain. Nagsimula na silang maglakad palayo.

"Clause" tawag ko

THE HEIRESS' REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon