CHAPTER 46: Dead

7.8K 183 3
                                    

SHEAN

Hindi ko alam kung plano ba ito ni Mistress o coincidence lang na nagkasama-sama sa isang table ang Serenity. But, I'll choose the first option. Tahimik sila ngayong kumakain. Nakaupo ako hindi kalayuan sa table nila para mabantayan ko sila. Hindi naman ako kilala ng mga estudyante kaya ayos lang na tumambay dito.

"C-cyrene..."

Napatingin silang lahat--pati ako kay Mayn na namumutla habang nakatingin sa pinto. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nya at nakita ko ang isang babae.. No.. Anim na babae na kakapasok lang. Natahimik ang cafeteria. Nababakas sa mata ng mga estudyante ang takot habang nakatingin sa anim na babae.

"Do you know them?" tanong ni Allison kay Mayn. Tulad ng sabi ko nakaupo ako di kalayuan sa kanila kaya naririnig ko ang paguusap nila.

Umiling si Mayn at tinuro yung babae na mukhang mataray "Sya lang ang kilala ko. New classmate. Sabi nya sya daw ang leader ng Serenity"

Ano? Serenity? Wow ha.

Napatigil sa pagkain si Seiren "That girl over there..." tinuro nya yung isa sa mga babae ".. is Mina, the 3rd member of Serenity"

"Pffft!" napatingin kami kay Allison. Nagpeace sya samin at pagkatapos ay sumeryoso "May bago din akong kaklase. Si.. Uhh.. Megan. Sabi nya she's the 6th member of Serenity"

"Wow! Ako din! Yung panget na yun..." tinuro ni Ren yung babaeng seryoso ang itsura "That's Yuri. The 4th member of Serenity"

Seriously? Ang lalakas ng boses nila.

"Miyu Cardeza. The 5th member of Serenity" nagsalita si Yuki habang nakatingin dun sa babaeng mukhang model.

"May bago din kaming klasmeyt! Si Akira. Sya daw ang 2nd member ng Serenity. Grabe! Nakakatakot naman sila" sabi ni Queen habang nakatingin pa rin dun sa anim na babae na ngayon ay kasama na nina Yvonne sa table.

"Really Queen? You're scared?" nanguuyam na tanong ni Mistress. Mukhang nabigla sya sa pagamin ni Queen.

Nagkibitbalikat si Queen at patay malisyang sumagot "Well, mga assassin sila. May kinatatakutan din naman ako kahit papaano. Kaya nila akong patayin in just a snap"

Tumigil sa pagkain si Mistress kaya napatingin ako sa kanya "Cr lang ako" tumango sila Ren at umalis na sya.

Tinginan ang lahat ng tumayo siya.

"Maybe she's scared of us. Isama mo pa na kasama natin ngayon ang Serenity"

Napailing na lang ako sa sinabi ni Yvonne. Nagpatuloy sila sa pagkain at hindi na pinansin ang mga parinig ni Yvonne.

"AAAHHHH!!! MAY PATAY SA LOOB NG CR!!!" isang babaeng namumutla ang humahangos papunta dito sa cafeteria. Napatayo kaming lahat sa narinig.

May patay daw sa cr? "S-hit! Si Mistress!!" dali-dali akong tumayo at akmang pupuntahan si Mistress ngunit pag talikod ko ay sya namang dating niya.

Mukha namang walang nangyari sa kanya dahil nakangiti pa nga sya habang papalapit sa table nila.

"What's the commotion all about?" tanong nya pagkalapit sa table.Napatingin sakin si Seiren, nagulat sya nang makita ako. Hindi ko na lang sya pinansin. Si Ren na ang sumagot kay Mistress "May patay daw sa cr"

Nanlaki ang mga mata ni Mistress sa narinig. So wala syang alam? Nasa cr din sya kanina diba?

"Damn!" nagtatakbo sya palayo. Saan sya pupunta?!

THE HEIRESS' REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon