CHAPTER 22: Changes

8.2K 199 1
                                    


QUEEN

"Ouch!"

"Serves you right b-itch!"

Sinundan ko ng tingin ang mga babae na ngayon ay nakalayo na sa akin. Pinagpag ko ang uniform ko at pinulot ang mga nalaglag kong gamit bago tumayo.

"So how's your day Queen?... Oops! I forgot, you're not a Queen anymore"

"Tama na Yvonne baka umiyak yan hahaha"

"Ano ka ba naman Len! Maganda nga yun eh"

"Wag na nating pag aksayahan ng panahon ang walang kwenta na yan. Let's go Drea, Len"

Isang napakagandang araw para simulan ang unang araw ng pasukan!

Second sem na pero hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Meg. Andami na tuloy nyang namiss na pangyayari. Marami na ring nagbago.

Sa loob ng limang buwan maraming nagbago.

Kung dati ay taas noo akong naglalakad, ngayon halos makuba ako sa sobrang pagkakayuko. Parang nawalan na ako ng self confidence.

Dati kinatatakutan ako, ngayon pinagtatawan na.

Dati ako ang nambubully, ngayon ako na ang binubully.

Dati iniiwasan ako ng lahat, ngayon ako na ang umiiwas.

Dati ako ang reyna ng school na ito, ngayon si Yvonne na.

"May sugat ka na naman" huminto ako sa paglalakad at tumingin sa nagsalita. Si Ash. My cousin.

"Wala lang to"

"Nah. Clinic" wala na akong nagawa nang hilahin nya ako papuntang clinic. Dali-dali syang kumuha ng first aid kit at pinaupo ako sa kama. Sya na mismo ang gumamot sakin.

*Bell rings*

"Late ka na Ash. Ako na magtutuloy nyan" sabi ko sabay abot ng bulak.

Hindi nya ako pinansin ang sinabi ko at pinagpatuloy lang paglalagay ng betadine "Where's the fearless Queen that I know?"

Umiwas lamang ako ng tingin. Bumuntong hininga sya at hinipan ang sugat ko sa tuhod "Parang dati lang ikaw ang nambubully. Tsk tsk. Ang bilis talaga ng karma"

"Karma. Tss"

Huminto sya sa ginagawa nya at tumingin sakin "Ang sinasabi ko lang, lumaban ka. Ang kilala kong Queen walang kinatatakutan, lumalaban. Pero ngayon? Anong nangyari sayo?"

Ngumiti ako at tinitigan sya sa mata nya "Walang nangyari. My dear cousin please do remember that nothing's permanent in this world. Except for change. People change, so do I" tumayo na ako at kinuha ang bag ko "Thanks pinsan"

Bago pa ako makalabas ay narinig ko syang bumulong "Is it about Lex?"

"No. Wala syang kinalaman dito" sabi ko at walang lingon na nilisan ang clinic.

Imbes na pumunta sa klase ay sa cr ako napadpad. Dali-dali akong sumandal sa pader habang hawak ang puso kong nagwawala.

Marinig ko lang ang pangalan nya nagwawala na ang puso ko. Paano pa kaya kung sya na mismo ang nasa harap ko? Hindi ko yata kakayanin. Hindi ko pa kaya.

"Miss are you okay? Gusto mo bang pumunta sa clinic?"

I frozed for a moment. T-that voice... Is it him?

Dahan-dahan akong lumingon pero nakapikit ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ayaw kong makita ang mukha nya. Hindi pa ako handa.

"Miss? Nahihilo ka ba?"

THE HEIRESS' REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon