It has to be this way

3.2K 95 107
                                    

Inaasahan na ni Barry na hindi lilipas ang gabi na hindi sya kakausapin ng kaibigan, kung ano man ang napagusapan ng magasawa ay nakakasiguro si Barry na sinabi na ni Dean ang lahat base sa galit na tinitimpi ng kanyang best friend.

"I'm so sorry best." Sabi ni Barry, nakaupo sya sa may kama at nakatayo naman si Mei Ann sa kanyang harapan.

"Why are you sorry, may nagawa ka bang kasalanan sa akin?" pinilit ngumiti ni Mei Ann. Kumilos sya at naupo sa tabi ng best friend. Hinawakan nya ang isang kamay ni Barry.

"I guess, I should be the one who should apologize to you." Bahagyang tumawa si Mei Ann para palisin ang selos na nararamdaman, hindi sya tanga, alam nyang may lihim na pagtangi ang matalik na kaibigan sa kanyang asawa nuon pa at gustuhin man ni Mei Ann na palisin sa kanyang isip na gusto ni Barry ang kaparusahang ibinigay ni Dean dahil sa pagibig ng kanyang kaibigan kay Dean ay hindi maitatangging anduon ang katotohanang mahal ng kaibigan ang kanyang asawa. At ramdam din nyang minahal na ni Dean ang kanyang best friend at alam nyang may kulang sa mga rebelasyon ni Dean. Pero takot syang alamin kay Barry ang anumang kulang sa mga ipinagtapat ng asawa nya sa kanya.

"Sorry dahil nagtatakbo ka at nawala nang araw na lumubog ang yate?" pinilit ni Barry ang magbiro, iyon lamang ang naiisip nyang paraan para mawala ang tensyon sa pagitan nila ng kaibigan pati na rin ang matinding bundol ng kaba sa kanyang dibdib.

"Sorry sa lahat...sa lahat nang pinagdaanan mo dahil sa pagkawala ko." Sincere na sabi naman ni Mei Ann.

Walang sagot mula kay Barry, isang payak na ngiti ang pinakawalan ni Barry.

"I'm thankful na ginawa mo ang obligasyon na naiwan ko Barry..." basag ni Mei Ann sa katahimikang lumukob sa pagitan nila ng kaibigan "And I really appreciate what you did to my son, what you did with my home and what you did with my husband." May diin ang huling salita ni Mei Ann.

At hindi manhid si Barry para hindi nya maunawaan ang mensahe ng huling salita ni Mei Ann, bigla ang naging pukol ng tingin nya sa matalik na kaibigan.

"I am not mad at you Barry." Sincere na sabi ni Mei Ann "Pero kung ano man ang namamagitan sa inyo ng asawa ko ay gusto kong tapusin mo na ang lahat."

Walang maapuhap na salita si Barry gusto nyang sabihin sa kaibigan na 'ganon na lang ba iyon? Darating ka bigla, babalik ka pagkatapos tapusin na agad-agad ang kung anuman meron kami ng asawa mo?' pero walang lakas ng loob si Barry at wala sya sa posisyong mag demand o magalit. Iniiwas ni Barry ang mga mata sa mapanuring tingin ni Mei Ann.

"Ngayong andito na ako, ngayong bumalik na ako ay nararapat lamang sigurong ako na ang gumawa ng mga bagay na dapat namang sya kong ginagawa." May paninindigan sa pagsasalita ni Mei Ann "I hate to say this to you pero tapos na ang kung anumang obligasyon meron ka sa anak ko, sa bahay ko at higit lalo sa asawa ko."

"I understand." Tumayo si Barry at tinungo ang dresser, kinuha nya ang maleta at isa-isang iniempake ang kanyang mga gamit.

"You don't have to leave now." Pinilit ni Mei Ann ang tumawa, sa kabilang banda ay hindi rin nya nais na umalis ngayong gabi si Barry. Pagkatapos nang masalimuot na pangyayari ay may sinseridad sa damdamin ni Mei Ann na ibaon sa limot ang kung ano mang nangyari at magpatuloy ang maganda nilang samahan ni Barry, kasama ng mag-ama nyang sina Dean at Ben.

"Ngayong nandito ka na I don't think it's proper to stay another evening here." Halata ang pagdaramdam sa boses ni Barry kahit na nga kung tutuusin ay wala naman syang karapatang magdamdam.

Tama si Mei Ann, tapos na ang obligasyon nya sa mag-ama, tapos na ang obligasyon nya sa tahanan ng mga Castillo. Niyakap sya ng kaibigan kasabay ng isa pang pasasalamat. Tinulungan sya ni Mei Ann na mag-impake ng kanyang mga gamit. Nang matapos ay pinagtulungan nilang buhatin ang mga maleta.

"You can say goodbye to Dean and Ben if you want." Sincere si Mei Ann sa offer nya, Barry deserved that at karapat-dapat lang din na magpaalam ang kaibigan nya sa kanyang mag-ama. Pagkatapos ng lahat ay karapatan ng tatlo na magkaroon ng paalamanan.

"I don't think it's necessary." Nakangiting sabi ni Barry kahit na nga nagdurugo ang kanyang puso "Ikaw na ang bahalang mag-explain sa kanila." Dagdag pa ni Barry at lumakad na sya pababa ng hagdan.

Nang i-start ni Barry ang kotse at paandarin ang kanyang saksakyan para lisanin ang tahanan ng mga Castillo ay parang winawasak ang kanyang puso. At ganun din si Dean. Hindi lingid sa kanya ang pag-alis ni Barry. Dama nyang ganun ang mangyayari ng panikin ni Mei Ann ang dalaga sa kanyang silid upang kausapin.

Nasa master's bedroom si Dean at hatid ng kanyang tanaw ang papalayong saksakyan ng dalaga, pinigil ni Dean ang mapaluha.

At ng maramdaman nyang pumasok si Mei Ann sa kanilang silid ay mabilis na tinungo ni Dean ang banyo at duon ay impit na hinarap ni Dean ang sakit na nararamdaman sa pagalis ni Barbara Kundiman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At ng maramdaman nyang pumasok si Mei Ann sa kanilang silid ay mabilis na tinungo ni Dean ang banyo at duon ay impit na hinarap ni Dean ang sakit na nararamdaman sa pagalis ni Barbara Kundiman.

***

Eto na po ulit ang pahabol na update na inyong request. Masyado na kayong spoiled mga anak at kapatid, hehe.

Buti na lang tapos ko ng isulat ito, walang pressure masyado.waaahhh!!! enough na sa update for today at "luha" part na tayo eh baka atakihin na kayo ng highblood ang init pa naman. Lols!

***

_

How Often Is Sometimes? (kilig, luha at saya ng umiibig book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon