Unbelievable (part 4)

4K 109 50
                                    


Dean scoffs, hindi sya makapaniwalang ayaw magpatalo ni Barry sa kanya. Kung ang asawa nyang si Mei Ann ang kaharap nya ngayon ay wala na sanang diskusyon. Kapag naramdaman ni Mei Ann nuon na hindi nya gusto ang mga nangyayari at nagsisimula na syang mairita ay susunod lang sa gusto nya ang asawa. Pero si Barry ay may lakas ng loob na taliwasin ang mga kagustuhan nya.

"All I'm saying is hindi komo biniro ako ni Yaya o ni Nene o kahit ni Aling Trining at ng hardinero nating si Mang Carding ay hindi na nila ako nirerespeto." Dagdag paliwanag pa ni Barry "These people doesn't just work for you Dean, hindi lang sila basta paswelduhan mo. Kasambahay na natin sila at ipinagkakatiwala natin ang buhay natin sa kanila, ipinagkakatiwala mo si Ben kay Yaya. Dapat lang na iparamdam din natin na parte sila ng pamilyang ito dahil yun ang turing nila sa atin."

Amused na amused na nakatingin si Dean kay Barry habang nagsasalita, gusto nya ang salitang ginagamit ni Barry. Every time Barry would say "natin" pakiramdam ni Dean ay silang dalawa ang tinutukoy ni Barry. Hindi "ikaw" o "ako" kundi "tayo" ang salitang "natin" ay tumutukoy sa pangkalahatan and it is consider joined ownership.

"Alright!" itinaas ni Dean ang dalawang palad at nagpatuloy na sa pagkain "I'm sorry Yaya, hindi ko gustong maoffend ka or whatever pero next time medyo ilalagay mo sa lugar ang pagbibiro." Nakangiti na si Dean habang pinagsasabihan ang Yaya.

Gulat na gulat naman si Yaya, Aling Trining at Nene, totoo bang humihingi nang paumanhin ang kanilang amo? At totoo rin bang hindi ito nagagalit at nawala ang pagka-bossy ng biyudo.

"Yaya kinakausap ka ni Daddy!" sabi ni Ben sa kanyang Yaya.

"Opo...yes Sir...yes po..."kandautal na sagot ni Yaya kay Dean.

Naiiling na natatawa naman si Dean sa reaksyon ng Yaya. "Mukha ba talaga akong nakakatakot?" tanong ni Dean sa lahat pero kay Barry nakatingin.

"Gusto mo ba talagang sagutin ko yang tanong mo na yan?" nakangiting sagot ni Barry.

"Uh-uh...no way!" nagbibirong sumubo ng isang malaking subo ng kanin at ulam si Dean at puno pa ang bibig ng magsalitang muli. Pero hindi maintindihan ang sinasabi ng gwapong biyudo dahil puno nga ang bibig nito."

"Ano kamo?" natatawang tanong ni Barry.

Nagsalitang muli si Dean pero katulad kanina ay hindi pa rin maintindihan ang sinasabi nito.

"Nguyain mo na nga at ilulon yang kinakain mo..." natatawa pa ring sabi ni Barry.

Nang makitang hirap na hirap si Dean na nguyain at ilulon ang kinakain ay sabay na tumawa ang dalaga at ang kanyang inaanak na si Ben. At nang magmadali ang biyudo ni Mei Ann na kunin ang baso ng tubig at halos mabulnan na ito sa paginom ay tuluyan ng napahagalpak ng tawa ang magninang na Ben at Barry. Natawa na rin sila Aling Trining, Yaya at Nene.

"Sir..." humahangos na takbo ng hardinerong si Mang Carding bahagyang kinabog-kabog ni Mang Carding ang likod ng amo.

"Okay na ho ako Mang Carding." Nakangiting inawat ni Dean ang bahagyang pagkabog ng hardinero sa kanyang likod. "Salamat ho."

Nagulat naman si Mang Carding sa pasasalamt ng amo, bibihira nyang marinig ang salitang pasasalamat mula dito.

"Aba eh linsyak!" amused pa rin si Mang Carding "kapag pala nabubulunan ka Sir eh bumabait ka." Alinlangang biro ng hardinero.

Tumawa ng bahagya si Dean sa sinabi ng hardinero.

"O eh kayo naman!" baling ni Mang Carding kila Aling Trining, Nene at Yaya "Nabubulunan na areng amo natin eh nagtatawanan pa kayo."

"Hindi naman ho totong nabubulunan si Sir" sabi ni Nene.

"Ano bang hindi eh kulay azul na nga kung hindi pa ako dumating eh magiging beyolet na ang kulay nireng amo natin."

"Violet po Mang Carding" pagtatama naman ni Ben sa kanilang hardinero.

"Ay sya na rin yun amang magkatunog naman eh." Kakamot-kamot sa ulong sabi ni Mang Carding.

Nagkatawan ang lahat, siyang-siya naman si Dean sa nakikita. Tama nga si Barry may malasakit sa kanila ang kanilang mga kawaksi sa bahay at masarap din na paminsan-minsan ay nakikipagbiruan sa mga ito. Anyway matagal ng naninilbihan sa kanya ang apat na kasama at masarap sa pakiramdam na para silang isang pamilya.

Si Barry naman ay natutuwa dahil sa halip na uminit ang ulo ni Dean ay binuksan nito ang isip sa kanyang sinabi. Masarap sa pakiramdam na makitang magaan ang loob ni Dean. Hindi katulad ng dati na halatang may bigat na nakadagan sa puso ng biyudo.

At si Aling Trining, saksi sya sa naging pagsasama ni Dean at ni Mei Ann. Alam ni Aling Trining kung gaano ka-istrikto ang biyudo na ngayong si Dean at naging saksi din sya na sa tuwing may gusto si Dean at kinontra ito ng namayapang asawang si Mei Ann katulad ng ginawa ni Barry dito kanina ay nauuwi sa pagtatalo ang mag-asawa.

Pero ngayon ay marunong ng makinig sa katwiran ang kanilang amo. At natutuwa si Aling Trining na kahit papano ay marunong ng makinig si Dean. Ikinibit ni Aling Trining ang kanyang mga balikat sabay sabi sa kanyang sarili:

'kung sabagay kahit nuon pa man kay Ma'am Barry lang naman talaga nakikinig itong si Sir Dean.'

Saksi din si Aling Trining sa pamamagitan ni Barry sa tuwing magkakatampuhan o mag-aaway ang mag-asawang Castillo at tanging ang paliwanag o ang pakiusap ni Barry lamang ang pinapakinggan o sinusunod ni Dean. Hindi ba nga kaya pinayagan ni Dean ang maybahay nito sa carribean cruise na iyon ay dahil sa pakiusap ni Barry.

Bahagyang nalungkot si Aling Trining sa ala-ala ng trahedya ng yate. At sa edad na singkwentay nueve hindi maililihim kay Aling Trining na kaparuhasan ang pagtira ni Barry sa tahanan ng mga Castillo. At hindi na rin lingid sa matanda na may namamagitan na sa matalik na kaibigan ng namayapa nyang among si Mei Ann at sa biyudo nitong si Dean.

Kung ano man ang namamagitan sa dalawa ay hindi kayang saklawan ng isip ng matandang mayor doma, basta para kay Aling Trining ay masaya sya sa nakikitang pagbabago ni Dean.

'sana lang ay maging maligaya sila.' lihim na naiusal ng matanda

How Often Is Sometimes? (kilig, luha at saya ng umiibig book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon