Best of Friends

15.1K 208 178
                                    

"Ninang! Ninang!" tawag ni Ben sa kanyang ninang Barry.

Lumingon si Barry at Mei Ann kay Ben, mabilis itong tumatakbo patungo sa lamesang kinakainan nila. It's his birthday party; Ben is celebrating his 7th birthday.

"Dahan-dahan ka Ben baka ka madapa." Awat ng yaya ni Ben habang humahabol sa kanyang alaga.

"Ninang thank you sa gift mo, I do really love Iron Man, matagal ko ng gustong gustong magka-robot ni Tony Stark wearing his Iron Man suit pero ayaw ako bilan ni Mommy." Sabi ni Ben ng makalapit sa kanila ni Mei Ann.

"E kasi sabi ko sa Mommy mo, ako ng bahala kay Iron Man. Alam ko kasing magbi-birthday ka kaya nag-usap kami ng Mommy mo na huwag ka nyang bibilan ng Iron Man robot kasi mawawalan ng regalo si ninang!" tatawa-tawang sagot ni Barry sa inaanak habang malambing na ginulo niya ang buhok nito.

"Ganun po ba?" kumikislap pa rin ang tuwa sa mata ng inaanak nya habang nagsasalita. "Anyway, thank you po."

"E bakit naman binuksan mo na yang gift mo?" Kunwari ay galit na sabi ni Mei Ann sa anak.

"Yun nga din ho ang sabi ko sa kanya ma'am." Sabat ni Yaya. "E hindi po nagpapigil e, yung regalo lang naman daw ng Ninang Barry nya ang bubuksan nya."

Bago pa nakasagot si Mei Ann ay nakalapit na ang kanyang kabiyak na si Dean.

"Ako man si Ben, hindi rin ako paaawat na buksan ang regalo ni Ninang Barry, generous kaya si Ninang kaya nakaka-excite na buksan agad ang gift nya." Nakangiting sabi ni Dean sa lahat pagkatapos ay humalik sa asawang si Mei Ann at binuhat si Ben sabay bati ng "Happy Birtday son" dito.

"Where's my gift?" Naglalambing na sabi ni Ben.

"Andun sa table ng mga gift mo." Sagot ni Dean sa anak.

Nagmamadaling bumaba si Ben mula sa ama at patakbong tinungo ang lamesa ng mga regalo. Mabilis namang hinabol ni yaya ang alaga.

"Hay naku yang anak mo Dean Castillo." Sabi ni Mei Ann"Siguradong bubuksan nun yung regalo mo at kahit anong gawin ni Yaya hindi magpapapigil yun." Naka-ngiti si Mei Ann habang kunwari ay nagrereklamo sa inaasal ng anak.

"Hayaan mo na yung anak natin birthday nga e." Nakangiti ring tugon ni Dean tumingin sya kay Barry at bahagyang tinapik ang balikat nito sabay bati ng "Hello, gorgeous!" at naupo na sa tabi ni Mei Ann.

"Kayong dalawa ini-spoil nyo yang si Ben." Patuloy ni Mei Ann.

"E, kaispoil-spoil naman yung inaanak ko."Nakangiting sabi ni Barry.

"Sabik ka kasi sa bata" Sagot naman ni Mei Ann.

"Bakit kasi di ka pa magasawa?" Sabat naman ni Dean.

"E bakit naman sa akin napunta ang usapan?" Parang nagrereklamong tugon ni Barry sa kayang mga kaibigan.

"You know you're beautiful, nakakapagtaka na hanggang ngayon e wala ka pa ring asawa." Sabi ni Dean.

"Mei Ann, bolero talaga itong asawa mo." Natatawang sabi ni Barry sabay inom sa kanyang baso ng orange juice.

"E bakit ba sa tingin mo napangasawa ko yan?" Sabi naman ni Mei Ann.

"Dahil nabola ka?" Sagot ni Barry at sabay silang nagkatawan habang sinasabi ni Mei Ann ang salitang "Korek"

"No, seriously" Biglang seryoso si Dean "Bakit nga ba di ka pa mag-asawa, aba e tumi-tick-tock na yang matres mo." Biglang biro nito kay Barry.

"Ano ka ba?" Bahagyang hinampas ni Mei Ann ang braso ng kanyang asawa. "Thirty pa lang naman itong si Barry, medyo mahihirapan na nga kung magbubuntis sya pero hi-tech na tayo ngayon hangga't dumarating ang period nyang si kumareng Barry mo e malaki ang chance na magkaanak pa yan."

"Tama bang pag-usapan ang period ko.?" Kunwari ay naiinis na sabi ni Barry.

"Speaking of period" Nagbibirong sabi ni Dean "Pag nagpabagal-bagal ka pa mapi-periodan ka na ng huling byahe."

Iling na may kasamang ngiti lamang ang tugon ni Barry.

"Seriously Barry" Patuloy ni Dean "You're beautiful, smart, funny, successful ka din naman sa advertising agency na itinayo mo after you graduated. Bakit hanggang ngayon e dalaga ka pa rin?"

Gustong isagot ni Barry 'dahil sa'yo' pero nanatili lang syang nakangiti at iiling-iling.



**********

ADVERTISEMENT:

Kung hindi pa po kayo aware, please do check out 'kilig, luha at saya ng umiibig book series'

"The vengeance will be mine (kilig, luha at saya ng umiibig book 1)" and

"When will you start bending your own rules (kilig, luha at saya ng umiibig book 2)"
"How often is sometimes (kilig, luha at saya ng umiibig book 3)"
"Young heart, sweet love (kilig, luha at saya ng umiibig book 4)"
There's book 5 pero di pa po announced.

I happen to have mystery/thriller stories also:

"Detective Gabriela Prescott & The Haunting (Det. Gabriela Prescott book 2)"

And I also have story written on English (forgive my poor grammar though, he,he) it's called pentagon series. Please do check this out also.

"The Wonder of you (pentagon Series Book I)"

"Million Miles Away (Pentagon series book II)"

"Show me the way to your heart (pentagon series book III)"

The other two books of Pentagon Series haven't published yet but I will start publishing when we reach the near end of book III.

And there's one more story on my published works, my very first, the most boring story on the history of wattpad but the story is kind of okay, the grammar is awful though, hehe. It's called "You are always on my mind" hope you will check out all my published works because I do really need your support.

And kindly vote, share and comments

Salamat po ng maring-marami,

A.H. Augustus.

**********

How Often Is Sometimes? (kilig, luha at saya ng umiibig book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon