Tying To Be Strong

3.9K 94 75
                                    


Kinabukasan ay masiglang binati ng 'good morning' ni Barry ang lahat ng kasama sa bahay. Humihimig pa si Barry habang iginagayak ang baon ng mag-amang Dean at Ben. Nang bumaba ang mag-ama para mag-almusal ay masiglang ipinaglagay ni Barry ng pagkain ang mag-ama, ngumiti pa si Barry kay Dean nang magtama ang kanilang mga mata pero saglit lang at ibinaling na ni Barry ang atensyon kay Ben.

"Eat well, inaanak." Bahagya pang ginulo ni Barry ang buhok ni Ben pagkatapos ay umupo sya sa tabi nito. "And finish your milk, then here is your medicine little prince." Nakangiting sabi ni Barry nang iabot ang mga gamot ni Ben na nakalagay sa isang maliit na lalagyan.

"You seem to be in a merry mood Ninang?" Naaliw na sabi ni Ben.

"Can't I be in a merry mood?" kumindat pa si Barry sa inaanak.

Tumingin si Ben sa kanyang Daddy saka ibinulong na "Ninang must be in love." Kumunot naman ang noo ni Dean.

"And what do you know about being in love." Bahagyang kinurot ni Barry ang pisngi ng inaanak. "You're still a baby." Nakangiti pa rin si Barry.

"I watched television Ninang, I learned few things." Mayabang na sabi naman ni Ben.

"Ah ganun!" minulagatan ni Barry ang inaanak "From now on I will check all the programs you watch on television." Kunwari ay galit si Barry at pinagbabantaan ang inaanak.

"Ninang naman!" nagrereklamong sabi ni Ben.

"Hep!hep!" awat ni Barry kay Ben "It's my job to raise you right bilang Ninang mo kaya wag ka ng kumontra."

Mabilis namang sumang-ayon si Ben, amused na amused naman si Dean. Ben is a nice kid pero sadyang may katigasan ang ulo ng kanyang anak. At hindi basta-basta napapasunod si Ben, naalala nya nung nabubuhay pa ang asawang si Mei Ann, madalas na humihingi ito ng saklolo sa kanya kapag ayaw sumunod ng kanilang anak dito. Pero si Barry never nya itong narinig na nagreklamo. And the way he looks at Ben malaki na ang ibinait nito. At hindi maikakaila ang magandang kalusugan ni Ben, considering mas mahina na ang puso ng kanyang anak ngayon not to mention ang pagkawala ng Mommy ni Ben ay malaking impact para lumala ang kondisyon ng kanyang anak. But to his surprise nalalagpasan ni Ben ang lahat.

"Sir, marunong na nga ho palang lumangoy itong si Ben." Natutuwang kwento ng Yaya kay Dean.

"Really?" nagtatakang sabi ni Dean na sa anak nakatingin.

"Ninang thought me how to swim." Nagmamalaking sagot naman ni Ben.

Tumingin si Dean kay Barry nung una ay may pag-aalala sa mga mata ni Dean dahil bawal na bawal kay Ben ang mapagod pero napalitan nang galit ang tingin ni Dean kay Barry nang maisip na muntik nang mapahamak si Ben sa pagtuturo ni Barry nang paglangoy dito. Bukod sa nakakapagod ang lumangoy ay may tendency din na nerbyusin at matakot ang kanyang anak na bawal din para sa puso ni Ben.

"Before you make a violent reaction..." Awat ni Barry kay Dean, ngumiti nang matamis ang dalaga sa kanya. "I ask the doctor first bago ko turuang lumangoy itong si Ben, as long as hindi ninerbyusin itong si Ben ay hindi makakasama sa kanya ang pag-aaral lumangoy and it's a good exercise sabi pa ng doctor ni Ben and your son happened to be brave kaya walang naging problema." Mahabang paliwanag ni Barry.

"Opo Sir." Nasisiyahang sabi na rin ni Aling Trining "Nung una nga ho sobra kaming nag-alala at ayaw na rin hong ituloy ni Ma'am Barry ang pagtuturong lumangoy kay Ben pero mapilit ho ang anak nyo."

"At saka Sir, nagbabasa ho si Ma'am Barry ng mga libro at nagsi-search sa internet para alam nya ang first aid kay Ben." Dagdag na kwento ni Nene "Pati nga ho kaming lahat dito sa bahay tinuturuan ni Ma'am Barry ng first aid para daw ho kahit sino sa amin ang kasama ni Ben ay alam namin ang gagawin."

Pinigil ni Dean ang humanga sa dedication ni Barry. Inisip na lang nya na takot ang dalaga na may masamang mangyari sa kanyang anak dahil alam ng dalaga na mapaparusahan na naman nya ito kung hindi nito magagawa nang tama ang obligasyong ibigay nya kay Barry. Nang sulyapan ni Dean si Barry ay may ngiti pa rin sa labi ng dalaga. And Dean can't deny the fact that he finds Barry very attractive today. Iniiling ni Dean ang ulo at mabilis na tinapos ang kanyang almusal at nagpaalam na sa anak.

Nakalabas na si Dean nang sabihin ni Ben na nakalimutan ng Daddy nya ang pack lunch nito. Mabilis na kumilos si Barry para habulin si Dean, humihingal pa sya nang makalapit sa pasakay na sa kotseng si Dean.

"You forgot your lunch." Ngumiti na naman nang matamis si Barry kahit pa nga bahagya syang humihingal.

"Oh I didn't forget that!" intimidating na naman ang kilos at pagsasalita ni Dean "I intend to leave that dahil ayoko nang dalin at kainin sa opisina ang mga iginagayak mong pagkain para sa akin."

Nakita ni Dean ang magkahalong lungkot at pagkabigla sa mukha ni Barry, pero saglit lang at ngumiti na muli ang dalaga saka sinabing "Okay" at tumalikod na si Barry. Gulat na gulat naman si Dean, lalo syang naaasar sa ginagawang kilos ni Barry. Dati rati ay parang iiyak ang dalaga sa tuwing pagsasalitaan nya ito ng hindi maganda. At kahit hindi nagsasalita ang dalaga ay dama ni Dean na nasasaktan ito sa tuwing bibigyan nya nang cold treatment si Barry. Pero kaiba ang Barry na nakikita nya ngayon.

Asar pa ring sumakay ng kanyang kotse si Dean, habang nagmamaneho papunta sa kanyang opisina ay laman ng kanyang isip ang kaibigan ng kanyang asawa. Naisip ni Dean na maaring ang pagkakadala nya sa hospital kay Barry ang dahilan kung bakit biglang nagbago at sumigla ang dalaga.

Umismid si Dean, "ano bang akala ng babaeng yun, nag-aalala ako sa kanya at mahalaga sya sa akin?" Dahil sa pagbabago ni Barry ay napagdesisyunan ni Dean na lalong maging masungit at indifferent sa dalaga. "Tingnan lang natin kung hanggang saan ka tatagal Barbara Kundiman." Sabi pa ni Dean sa sarili.

******

Dahil tapos na'po ang When will you start bending your own rule (kilig,luha at saya ng umiibig Book 3) ay dito naman po ako magko-concentrate. Unless i'm busy, no connection or there's an emergency ay araw-araw na po ang magiging update ng kwentong ito.

Makikilig, makisaya at makiluha sa istorya nila Dean at Barry. Promise kaiba ito sa book 1 at book 2. 

******

How Often Is Sometimes? (kilig, luha at saya ng umiibig book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon