Balik na naman sa dati

4K 96 80
                                    


"At bakit ko naman sasabihin sa doktor yun?" medyo tumaas ang boses ni Barry nang sumagot kay Dean.

"Don't you dare use that tone on me lady!" warning ni Dean kay Barry "Why would the doctor think na mag-asawa tayo at kakasal lang natin kung hindi mo sinabi yung kasinungalingan na yun sa kanya." Galit na sita ni Dean kay Barry.

"I'm maybe a lot of things Dean pero hindi ako sinungaling." Nagdaramdam na sagot ni Barry "I told her exactly what you've told me to say to her, she presumed that we are married and it's not my fault."

"Yeah, right!" sarcastic na sabi ni Dean at ini-start na ang sasakyan "And you didn't even bother to correct her na mali ang akala nya. You just go with the flow." Sarcastic pa ring sabi ni Dean habang nagmamaneho.

"And you didn't bother to correct her either." Medyo may diin ang salita ni Barry iniiwas nya ang mata kay Dean at tumanaw sa bintana ng kotse. Ayaw nyang makita ang intimidating look nito. She did exactly what she's told at hindi sya papayag na pagbintangan syang muli ni Dean at sabihang sinungaling.

"I wanted to!" hiyaw ni Dean "Hell, I wanted to tell her you're not my wife pero nagtimpi ako dahil ayokong mapahiya ka."

"And since when did you after my welfare?" sarcastic na sabi ni Barry.

Bigla ang naging pagkabig ni Dean ng manibela para igilid ang sasakyan, bigla din ang naging pagpreno nito at galit na hinarap si Barry.

"I don't care about your welfare!" anduon na naman ang galit sa mga mata ni Dean "I made a promised that I will be civil when there's other people around and I intend to keep that promise. Huwag mong bigyan ng maling kahulugan ang mga ikinikilos ko. Being your first doesn't change anything Barry, I still hate you and your virginity won't help me to forgive you."

Hindi umimik si Barry, pinigil nyang mapaiyak sa masasakit na salitang binitiwan ni Dean, iniiwas nya ang tingin sa byudo. Pero mabilis na hinawakan ng isang kamay ni Dean ang kanyang baba at pagalit na itinaas ang kanyang mukha para magtamang muli ang kanilang paningin.

"And let me remind you na hindi nabago ng pagiging birhen mo ang pagpaparusa ko sa'yo!" matiim na tinitigan ni Dean ang mangiyak-ngiyak na mata ni Barry. "You will still pay for your sin and you will still do what I want!" pagkatapos ay pagalit na binitawan ni Dean ang kanyang mukha at ini-start na muli ang kotse.

Tahimik sila habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay ng mga Castillo. Nang makapasok na sila sa loob ng bahay ay tinanong muna ni Barry si Dean bago sya pumanik.

"Is there anything else you need?" matapang na sabi ni Barry, kung gusto syang parusahan ni Dean ay buong puso na nyang tatanggapin, there's no point para mag-self pitty. Kailangang ipakita nya kay Dean na matapang sya at hindi sya susuko. Kailangan nyang maging matigas at matatag at tanggapin ang galit ni Dean kung iyon lang ang tanging paraan para pagbayaran nya ang pagkamatay ni Mei Ann ay willing syang gawin.

"No, I don't need anything from you at the moment!" matabang na sabi ni Dean at nauna ng pumanhik sa itaas.

Gusto na namang maiyak ni Barry pero pinigil nya ang sarili. She needs to be strong. Kawawa na ang sinasapit nya kay Dean pero mali na kawawain pa nya ang sarili. Bago pumanik sa kanyang silid ay ipinangako ni Barry na hinding hindi na nya hahayaang makita ni Dean na nasasaktan sya at naapektuhan sa pagpaparusa nito sa kanya.

Lalaban sya kay Dean ng patigasan ng loob at ipapakita dito na hindi sya apektado sa pagpaparusa nito. Kung makikita ni Dean na matatag sya ay baka sumuko na ang gwapong biyudo sa pagpaparusa sa kanya. What's the point of giving punishment kung hindi mo naman nakikitang miserable ang buhay ng taong pinaparuhasan mo.

"Tama, Barry!" matatag na sabi ng dalaga sa sarili "Kayanin mo ang lahat ng pagsubok, huwag kang magpapatalo ng awa para sa sarili, dahil ikaw Barbara Kundiman ay hindi nagpapalupig."

At magaan na ang loob na tinungo ni Barry ang sariling silid. May ngiti sa kanyang mga labi nang matulog dahil sa pag-asang kaya nyang pagdaan at pagtagumpayan ang anumang pagsubok na dinadanas nya ngayon.


How Often Is Sometimes? (kilig, luha at saya ng umiibig book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon