Oh...My...God!!! (part 2)

3.2K 79 42
                                    


"What is going on?" halatang may nararamdaman na si Mei Ann sa tensyonadong kilos hindi lang ng kanyang asawa at anak kundi pati na rin kay Barry at sa mga katulong.

"Shouldn't we ask you the same question don't you think?" gustong malito ni Mei Ann sa klase ng tono ng kanyang asawang si Dean at ang paraan ng pagtatanong nito.

Mei Ann scoffs "we" tumaas ang isang kilay ni Mei Ann, hindi nakaligtas sa kanya ang salitang 'we' ni Dean na ibig sabihin ay kasama si Barry sa dapat na kumwestyon sa bigla niyang paglutang.

Naunawaan ni Mei Ann na may karapatan ang best friend nyang si Barry and she owes Barry an explanation, kaparehas at kapantay ng kailangang paliwanag ni Dean at ng kanyang anak pero ang salitang 'we' ang may kakaibang dating kay Mei Ann.

"We...as in you and Barry or you and Ben?" may sarcasm sa tinig ni Mei Ann.

"Really? Mei Ann..." Dean also scoffs. "After what you put us through, ikaw pa ang may ganang maging sarcastic?" nagbuga nang malalim na hininga si Dean "We thought you're dead!" hindi sumisigaw si Dean pero may diin ang bawat salitang binibitiwan nya. "You have no idea what Barry went through, what I and Ben had been through!" Magkahalong galit at pagdaramdam ang bumalatay sa mukha ng gwapong si Dean.

"Yaya!" sigaw ni Mei Ann na nagpagulat kay Barry at Ben, inulit pa ulit ni Mei Ann ang pagtawag sa Yaya na nagpailing kay Dean. 'Nothing has changed' sabi ng isip ni Dean 'sya nga si Mei Ann ang aking asawa' dagdag pa sa isip ni Dean. Takot na takot namang lumitaw si Yaya mula sa kusina "Dalin mo si Ben sa kanyang kwarto at patulugin mo na!" galit na utos ni Mei Ann sa Yaya.

Mabilis namang sumunod si Yaya kay Mei Ann pero mariing tumanggi si Ben.

"No!" sabi ni Ben at yumakap kay Barry.

"Huwag matigas ang ulo mo Ben!" minulagatan ni Mei Ann ang anak "It's past your bed time already!" sabi pa ni Mei Ann sabay hila kay Ben pero nanatiling nakayakap si Ben sa kanyang Ninang Barry.

Walang nagawa si Barry kundi ang harapin ang inaanak "Mommy is right, you passed your bed time already, sumama ka kay Yaya ha." Ngumiti si Barry kay Ben at hinagod ang kabilang pisngi ng kanyang inaanak.

Tumango naman si Ben at pagkatapos ay humawak na sa kamay ni Yaya, lumingon muna si Ben sa kanyang Daddy at Ninang Mommy bago humakbang papanhik sa hagdan, hindi nya tiningnan ang kanyang Mommy.

"What was that?" naiiritang sabi ni Mei Ann "Did Ben just follow your order?" baling nya kay Barry.

"You've been dead Mei Ann!" mabilis na salo ni Dean sa galit ng asawa "Ben has been with his Ninang care simula ng mamatay ka!"

"I was never dead Dean!" galit na baling ni Mei Ann kay Dean "Nagka-amnesia ako at eto ako ngayon, buhay! Hindi pa ba sapat na kausap ninyo ako ngayon para patunayang buhay ako!" nangilid ang luha sa mga mata ni Mei Ann.

"That's why I said you've been." Sarcastic na sagot ni Dean.

"Ano yun resurrection?" nagbuga ng hangin mula sa dibdib si Mei Ann. "I've been dead at ngayon nabuhay ako ganun ba?"

"You know what I mean Mei Ann." Parang nauubusan ng lakas at pasensyang sabi ni Dean at naupo sya sa sofa.

'Mei Ann' gustong matawa at mainis ni Mei Ann sa pagtawag ng kanyang asawa sa kanyang pangalan, what happened with babe? Ganun ba katindi ang galit nito sa kanya. Nailing na naupo na rin si Mei Ann katapat ni Dean. Naupo sya sa may center table at hinawakan ang kamay ng asawa. Nanatiling nakatayo si Barry at wala syang ibang choice kundi ang panoorin ang mga nagaganap.

"Nang mabangga ang sinasakyan naming yate ay nabagok ang ulo ko, nang magkamalay ako ay nagkakagulo na ang mga tao." Nagsimulang magpaliwanag si Mei Ann kay Dean "nung una ay nagtaka ako kung asan ako, next thing I knew ay isinasakay na ang mga pasahero sa isang maliit na bangka para lumikas dahil papalubog na raw ang barko."

"I went looking for you, asan ka ng bumangga ang yate?" naapuhap ni Barry ang boses, nanatili syang nakatayo.

"Nasa kwarto ako." Paliwanag ni Mei Ann "Nang lumabas ako ay hinila ako ng isang crew at isinakay sa bangka, litong-lito ang isip ko. Nang dumaong sa isla ang bangkang nagre-rescue sa mga pasahero ng yate ay nagtatakbo ako, hindi ako tumigil. Hanggang sa mapagod ako, nagising ako kinabukasan na nasa isang bahay na ako."

"Anong bahay? Kaninong bahay? Saan?" litong-lito si Barry na nagtanong.

"Ayon sa lalakeng tumulong at kumalinga sa akin ay Guy ang kanyang pangalan..." hindi natapos ni Mei Ann ang sasabihin dahil pinutol ni Dean ang kanyang pagsasalita.

"Lalake ang tumulong at kumalinga sa'yo sa loob ng siyam na buwan?" kunot ang noo ni Dean.

***

Selos ba si Dean? eh teka naman may Barry kaya sa tabi nyo. Tsk,tsk,tsk! Pasensya na po at binuhay ko si Mei Ann, super friend ko rin kasi yan sa totoong life katulad ni Barry (those two ladies {mei ann & barry} was named after my friends here at watty) at ayoko na kakaunti lang ang role ni Mei Ann, saka may purpose kaya po nabuhay. Though medyo bi*chy and character heheh! Nagpaalam naman ako bago ko binuo ang fictional nyang character and she agreed to be the villain/b*tch at some point kaya feeling okay ako.

***

'Kh^

How Often Is Sometimes? (kilig, luha at saya ng umiibig book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon