"Ang arte mo po" sabi ko sa kanya tsaka sya hinalkan sa labi. "Diba sabi ko naman na ginusto ko ang nangyare satin. Meaning mahal kita Ara. At oo hindi na nating mababalik ang lahat sa dati, pero we could start again. Hindi mo kase ako lagi pinapatapos eh. Lagi ka nalang nagcoconclude at nagdedesisyon mag isa" mahaba kong litanya sa kanya habang hawak ko ang magkabilang pisngi nya, ayaw kase tumingin sa akin eh.

Umaliwalas naman ang mukha nya saka siniksik ang ulo nya sa may leeg ko "Ano ba Vic, nakikiliti ako--" nakakakiliti naman kasi talaga ang ginagawa nya eh.

"Mahal na mahal kita Mika. Sobrang mahal na mahal kita" she said while planting kisses on my face.

"Mas mahal kita Ara, alam mo yan" niyakap ko sya at di naman parehas namalayan na nakatulog na pala kami

Vic's POV

Napangiti ako sa mukha ng katabi ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na after three years na pagiintay ay magiging kami ulit. Eto na yun Vic, hindi mo na to pwedeng sayangin kasi wala ng third chance. Ayokong isipin ni Mika na mali ang desisyon nya na bigyan pa ng isang pagkakataon ang pagiibigan namin.

Tulog na tulog sya habang nakayakap sakin, ang cute cute nya matulog, kakagigil. I planted kisses on her nose down to her lips pero dahil tulog mantika to, hindi pa rin sya nagigising.

Napansin ko naman na wala din pala halos nagbago sa kwarto namin ni Mika noon. Same paint, pero less decors. Simula kase nung araw pagkatapos ng kasal hindi na daw bumalik si Mika dito, binalikan nya lang yung gamit bago sya umalis papuntang Canada. Ang alam ko nga hindi sya mismo ang kumuha, pinakuha nya lang kay na Cienne. Nung huli kong pasok dito mga 2 years ago na siguro, kinuha ko lang yung mga naiwan kong damit. Binilin naman daw ni Mika kay na ate Kim na ilagay sa box lahat ng frames at pictures naming dalawa, naabutan ko minsan na nililinis to pero hindi ko naman sinisilip, masyadong madaming nangyare dito kaya naman ayoko ng dagdagan ang sakit at muli pang balikan ang kwarto.

Dito namin sinimulan ang buhay after college, dito naman mostly pinagplanuhan ang kasal, dito rin naman unang ginawa ang lahat. At ngayon, dito rin naman sinimulan ang panibagong pagkakataon na naibigay samin bilang magkasintahan

"Nagrereminisce ka pala di mo man lang ako ginising" napalingon ako at napangiti sa pahikab hikab na babae sa tabi ko. Cute nya talaga kahit ano pang itsura nya. Niyakap ko sya sa gigil ko at hinalkan ko muli ang labi nya "Chansing ka na ha" natatawa nya namang sabi sakin.

"bakit hindi mo man lang pinadala lahat ng sulat mo sakin?" pagtukoy ko sa box of letters nya. "Hmm siguro dahil narin sa pride. Pride ko nalang kasi ang feeling ko natira sakin eh. Yung konting pride na sulatan ka pero wag ipabasa sayo" mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya, ramdam na ramdam ko ang sakit na naranasan nya nung hindi ako dumating sa kasal namin.

"4 am lang pala" napansin ko din naman ang orasan pagkatapos nyang banggitin ang oras. "Meron pa tayong oras to catch up the three years that we've missed" nginitian ko sya at siniil ko ng labi ko ang labi nya.

"Bakit ka umalis Miks?" nilingon nya ako hinalikan nya ako sa noo "Magkkwento ako pero dapat magkkwento ka din okay?" tumango ako muli syang hinalikan sa labi

-------------

AN: IM BACKKKKK!!!! Hindi ko inaasahan na sobrang bigat ng preq summer class ng la salle kaya hindi man lang ako nakapag update, but now im finally on a vacation!!! horray la salle hahahaha so this vacay i'll be finishing Chances coz this is just a short story lang naman talaga pero im also starting Darker!! My very first story (not a short one or a oneshot) but a full story starring KimCy but with KaRa pa din and LS, fantasy themed story sya so sana magustuhan nyo pa din kahit beginner lang ako sa mga fantasy themed stories. More on romance naman kase talaga ako eh hahahha

And also regarding sa issues about kay Ara and Bang and the shippers, my friend ask me to put my stand here in wattpad kase gumagawa ako ng fanfics, so yeah I'm a shipper ng KaRa, obviously. Been with them for 4 yrs right now. And solid ako sa kanila. Pero I can say din naman na I respect Team Real, kasi naging Miefer din naman ako, kaya sobrang naging bitter ko nung nalaman ko yung tungkol sa KiefLy pero nevertheless look at them now happy right? and as for our queen Mika, ugh slayin' gurl, masaya din naman sya jusko obvious ba na she's blooming and glowing pa hahaha!

So yun nga, co-shippers siguro its time to accept na people change. Pero sila pa din naman yung minahal natin noon eh. Tsaka diba kung mahal mo talaga, mahal mo sya noon, mahal mo sya ngayon, at mahal mo pa din sya bukas, kahit anong mangyari dibaaaaa. At sana kung sinong mahal nya, mahalin din natin, or kung di talaga kahit respect nalang. And yes may mali din naman sya pero wag naman natin sana yung gawing issue para sirain sila. Isa pa issue nya yun eh, issue alone, di na kasama yung relasyon nya with Ara, kaya kahit may ganon pang issue na lumabas wala naman magbabago eh, sila pa din. Kase i must admit, there strong. Iba yung tatag na meron sila, na parang you and me against the world na hahaha

BUT DONT GET ME WRONG PPL, KARA AKO FOREVER HAHAHAHA YUN LANG ANG MAY FOREVER, CHAR! HAHAHAHA I WILL STILL GET KILIG PAG MAY GANAP AT UMAASA PA DIN AKO HAHAHA PERO RIGHT NOW I'VE ALREADY ACCEPTED THINGS. LETS JUST WAIT. IF ITS MEANT TO BE, IT WILL BE.

Chances (KaRa)Where stories live. Discover now