Chapter 2

219K 1K 37
                                    

Minzy's

"Aaaah" Nagising ako sa ungol sa kabilang kwarto. Sa kwarto ng kuya ko. 

Kinalabog ko yung pintuan niya sa sobrang inis. Diba? sinong matinong magaanuhan sa ganitong oras? 5:00 ng umaga? 

"Kuyaaa ang ingay ng kasama mo. Pwede bang paki takpan yung bibig natutulog pa kasi ako." Sabi ko.

Yeah. kuya ko ay isang katulad ni Dave. Isang babaero. Mahilig magdala ng babae sa bahay tuwing wala sila Papa. Wala sila papa kaya ayan siya nag hahayahay.

"Shu-t Upp! Minzy, Umalis ka diyan sa pintuan ko." Sigaw niya na parang hinihingal.

Kainis naman! dalawang oras akong nakatakip lang yung unan sa tenga ko. Seryoso? Dalawang oras sila kuyang ganun? Ang tibay ng resistensya ni Kuya ha? hala ano ba 'tong pinag iisip ko?

Bumaba na ako para mag handa ng almusal. I sighed. Di ako nakatulog ng maayos kaya kape nalang ang iinumin ko ngayon. Baka mamaya eh antukin ako sa klase. Bobo na nga ako eh. Pero naka salamin? feeling genius? malabo lang talaga mata ko.

Natapos na ako sa almusal at umakyat na para maligo at magbihis ng damit sa school. Araw araw akong ganito. nakakatamad na minsan.

Bigla akong nakarinig ng busina. Nung narinig ko yun ay agad akong lumabas at sumigaw ng..

"Daveee-"

Bigla akong natigilan sa pag sigaw. Busina lang pala ng kapit bahay. At yung nakakalungkot pa eh akala mo ay si Dave yung nasa labas at hinihintay ka para sabay na kayong pumunta sa school.

"Di na 'to tulad ng dati Minzy...Mag-isa ka nalang ngayon.. Wala na kayo ni Dave." Bulong ko sa sarili ko.

Oo nga naman. Paano ko nga ba sasanayin ang sarili kong di na 'to tulad ng dati na kasama ko si Dave sa lahat ng oras. Gayung di ko pa siya nakakalimutan? Pinukpok ko nalang yung sarili ko sa katangahan at nagmartsa na mag isa papunta sa school. Malapit lang ng konti yung school dito kaya pwedeng lakarin.

Palapit na ako sa gate ng may naaninag akong isang matangkad na lalake. Naka hoodie jacket siya at naka pamulsa. Parang may hinihintay. Bigla akong kinabahan nung tiningnan niya ako at umayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader. hala? Epekto ba ito ng kape? bakit parang sobrang kaba naman ito?

"kanina pa kita hinihintay miss, Sipa." Sabi ng lalake

Naaninag ko yung mukha niya. Siya yung sinipa ko yung ano niya dahil sa pagkamanyak. Di siya panget gwapo siya pero nakakatakot yung titig niya parang pumapatay? Halaaaa! Papatayin kaya ako ng isang 'to dahil sa ginawa ko sa kanya?

"SORRRY!!! DI KO NAMAN BALAK GAWIN YUN. PATAWARIN MO AKO." Pag mamaka awa ko sakanya.

"Tsk! Buti naman at natandaan mo pa yung ginawa mo kahapon. Muntik mo na akong basagan ng kaligayahan." Naka kunot yung noo niya yung sinabi niya yun.

hinawakan ko yung jacket niya bandang braso."Kuya sorry na! gagawin ko ang lahat patawarin mo lang ako at wag sasaktan." Naka nguso kong sabi.

"Tsk! lahat gagawin mo?" tanong nito ng nakangisi

"Oo wag lang yung maging sex slave mo!" Sabi ko baka kasi pagawa niya yun kaya inunahan ko na.

"Ha? bakit mo naman nasabi yan?" Nakataas yung kilay niya nung sinabi niya yun.

"Kasi mukha kasing manyak ka, eh. Para ka kasing si Dave na mukhang s*x lang habol sa isang babae." nakayuko kong sabi.

"Ha.ha. Are you kidding? Ako mukhang sex? Ano ako tigang? Atsaka kung sex lang hanap ko, Hindi sa kagaya mo. You're not my type anyway." Nakangisi niyang sabi.

One More Round (COMPLETED)Where stories live. Discover now