"Sien, d-don't... not Ate Kayla, please. You are better than that!" matigas kong sabi.

"But I want to move on," he reasoned out.

"Well can you at least use another way how!" I growled, "Akala mo ikinagwapo mo iyan, pero hindi. Akala mo reasonable 'yan? Hindi, Sien! I cannot stomach your ways."

Hindi ko napigilang mag-walk out dahil sa inis at panghihina. Pagkalabas ko ay napaupo ako nang makasandal ako sa dingding. Mabuti at hindi niya ako sinundan. Well, from the look he had when I said those words, I could tell that's not the face of someone who would go after you when you walk out.

I may have offended him but I needed to say what he needed to hear. Or what I needed to let out.

"Little girl, if he's not your boyfriend then who is he?" Dating ng isa pang pabigat sa buhay ko.

"Oh come on, Ravi. Not now."

"What? Stuck on the friendzone?" May panunuya sa kanyang tono. Sinamaan ko siya ng tingin. "Damn! I am right, am I?" Napangisngis siya sa kanyang sinabi, as if proud of himself.

"Tigilan mo ako," banta ko. Napatakip ako ng mukha ko. My two nightmares in one place. Just amazing.

"You see, there are greater things in line for you in the friend zone. I mean, you can still love the person and keep him at the same time, you know? It's just that he's not really yours to brag at everyone," pagpapatuloy niya.

"Alam mo, you're not making sense. Kung hindi ka lang mukhang kagalang galang ay dati pa kita nasapak. Thank God for my immense patience," umirap ako.

"Just a thought," nagkibit siya ng balikat. "Mukhang sa zone na iyon din naman ang bagsak ko."

Napakunot ang noo ko sa ngisi niya. Natinag kaming dalawa nang lumabas si Ate Kayla na kabuntot si Sien. Tumayo ako kaagad.

"Akala ko umalis ka na. Let's start?" tanong ni Ate Kayla at tumango naman ako, "Anyway your friend here is amazing! Mabuti pala at dinala mo siya rito. Nagkakatuwaan kanina sa loob, sayang at di niyo na kita."

Wow. So masaya pa pala siya kanina?

Shit. Of course he's still going to be happy despite my absence, right?

Ngiting asong sumunod sa amin ni Ate Kayla si Sien sa kabilang studio. Ano ba't mukha siyang aso ngayon? Hindi ko gusto!

"Dito ka rin, Rav?" Naguguluhang tanong ni Ate Kayla nang pumasok si Ravi sa studio.

"Yeah. Pwede ba?" tamad siyang sumagot. Sumulyap siya sa akin gamit ang malamig na mata. Naks. I felt it.

"Sure. Hey, Rav, why don't you teach Sien? Parehas naman kayong lalaki, magkakasundo kayo sa moves," suhestiyon ni Ate Kayla sa kaibigan.

"No, Ate Kayla. Sien lost his Bs long time ago," tumawa ako. Tinignan niya ako nang matalim. God, this is so fun! "Bakla is my friend. In fact he has a boyfriend-"

"Mae!"

Tinaas ko ang magkabila kong kamay habang nagpipigil ng ngiti, "Alright, alright. I didn't know you wanted a surreptitious relationship with your guy."

Napatigil ako sa pangaasar nang binigyan niya ako ng mapag-bantang tingin. Napakagat na lamang ako sa labi ko habang nagsasayaw. Ayaw ko pa sanang magsimula dahil hindi ako kumportable na narito si Sien at si Ravi, ngunit hindi rin naman ako pwedeng mag inarte.

"Hype it up, Mae! Hindi ka ganyan kahapon, mas maganda iyong kahapon," kumento ni Ate Kayla.

Of course yesterday was better! I had no one looking at me every once in a while. Nahuhuli ko ang tingin ni Sien sa akin pag umiikot ako o di kaya'y nagbabago ng position. Ilang na ilang ako! He's never seen me dance like this. This, I mean, uhm, practically giving my best. Ayoko ring mapahiya sa harap niya.

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now