"O hija, bakit ngayon ka lang? Alasais na ba kayo pinauwi?" bungad ni Papa sa akin nang makita ko siya sa sala may katawagan ngunit kaagad ding pinutol.

"Hindi po. Naggala pa kami ni Denice sa Mall. Bumili lang po ng kailangan sa school."

He nodded in response. "Siya nga pala, may tumawag sa akin. Kailangan daw ako sa meeting sa company. Nagkaroon 'ata ng problema. Huwag kang mag-alala babalik din kaagad ako. Don't go somewhere without my permission or atleast ask Jake to go with you." Jake is one of my father trusted person, may katandaan na iyon at mukhang nasa 30 plus na at siya rin ang palaging nakabuntot kay Papa kahit saan magpunta. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ito kasama ngayon. Hindi rin naman dito nakatira si Jake kaya kung kailangan ko siya ay malamang na tatawag pa ako.

Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na rin ito kaagad. Ano kayang importanteng lakad ang pupuntahan ni Papa, ganito siguro ang pakiramdam ni Denice tuwing lagi siyang walang kasama. Her grandparents are both very busy. Kahit pa sabihin na may edad na ay todo kayod pa rin ang mga ito.

I suddenly felt lonely. Muli ko na namang naisip ang mama ko. If only she's still alive, if only I have a sibling, life wouldn't be boring like this.

Diretso ang lakad ko sa kusina. Tinanggal ko ang contact lense ko at naghilamos ng mukha. May banyo ako sa kuwarto pero gusto ko munang tumambay sa living room. Marami rin akong contact lense na pare-pareho naman ang kulay dahil araw-araw ko iyong isinusuot. Kung saan-saan na nga lang iyon makikita.

Refreshing... Sa wakas ay napahingang muli ang mata ko, wala ng sagabal. I stared at myself in front of the mirror. Tinitigan kong maigi ang mata ko. It's indeed gray, light gray, that when the light hits it it gets even lighter. Mas nagmumukha iyong trasparent. I inherit it to my mother, I guess, dahil hindi ganito ang mata ni Papa. His were dark brown, the common eye color.

This is our secret. Itong matang ito ang gustong itago ni Papa mula sa ibang tao. Aniya ito ang magiging dahilan para matunton ako ng mga gustong pumatay sa akin at gamitin ako laban sa kaniya. I trust Denice much that I let her know about it.

Palipat-lipat ako sa telebisyon at nang walang matipuhan ay napagdesisyunan kong manood nalang ng movie. Pinatay ko ang ilaw at tanging liwanag sa telebisyon ang nagbibigay ng tanglaw sa buong paligid.

Pinanood ko ang barilang nangyayari roon. How funny it is to remember that I'll be part of our own mafia group. Noon ay sinabi kong kahit kailan hindi ako sasali sa ganito kahit pa alam kong ito na ang tinatrabaho ni Papa noon pa man. Ngayon, dito pa rin ako bumagsak dahil sa kagustuhang maghiganti sa mga walang awang pumatay sa mama ko.

Napakurap ako nang kumalabog ang pintuan namin. Agad na naalerto ang katawan ko.

Tumayo ako, iniwang bukas ang telebisyon.

"Anong kaialangan mo?" alam kong may tao sa likod ng pintuang ito. Kung gusto niya talagang sumugod o may gagawin man siyang masama dapat ay sinira niya na kaagad ang pintuan namin o hindi kaya ay patago at tahimik itong kumikilos.

Wala akong narinig na sagot kaya hinanda ko ang sarili para buksan ang pintuan. Kinuha ko muna ang baril na nakalagay sa cabinet.

Hinawakan ko ang seradura ng pintuan at biglaan na lamang iyong binuksan kasabay ng pagtutok ko ng baril sa taong naroon.

"M-Mr. Caviezel," bahagyang nanlaki ang mata ko nang makitang siya ang naroon. Mabilis na itinago ko ang baril sa likuran ng damit nang makitang nakatingin iyon doon.

I know he's dangerous pero hindi pa ngayon ang tamang oras ng pagganti.

"Uhm, sorry for that. Didn't mean too... uh, hindi ko po alam na bibisita kayo rito ng ganitong oras?" I explained hindi ko maapuhap ang tamang sasabihin.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon