"Sorry," bulong ko. "Ako 'yung dahilan kung bakit nasira kayo ni Kuya..."

"It's not your fault."

Hindi na ako sumagot dahil alam ko naman na ako.

"It was my fault. I was a douche for standing you up," sabi niya at mapait na napangiti ako. Parang kahapon lang.

"Aksidente naman."

"But still, I'm sorry," sabi niya na para bang mabubura nun lahat nung sakit na naramdaman ko nung araw na 'yun.

"Okay lang talaga. Kasalanan ko naman na pinilit kitang maging escort ko sa prom."

Parang gusto kong bawiin iyong sinabi ko dahil kitang-kita ko 'yung awa sa mukha niya... Awa dahil alam namin pareho na malabo talaga na magustuhan niya ako. Na para lang akong tanga na umaasa sa bahay na hindi ko makukuha kahit ano'ng gawin ko.

Nakatingin lang ako sa paa ko nung magulat ako dahil may tumunog bigla. Napatingin ako sa kanya.

"I know this is nothing compared to your prom but dance with me?" sabi niya habang nakalahad ang kamay.

Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makagalaw.

"Let's dance," sabi niya ng isa pang ulit. Hindi pa rin ako nakagalaw kaya naman lumapit siya at saka hinila ako patayo. Inilagay niya 'yung kamay ko sa ibabaw ng balikat niya habang nasa gilid naman ng bewang ko iyong mga kamay niya.

Masyadong malapit.

"I know I've said this a million times before but I really am sorry," sabi niya. Pero ako? Pinipilit ko lang na hindi mapaupo dahil para talagang inuubos ang lakas ko dahil sa mga ginagawa niya.

Nasaan na ba si Parker na walang ginawa kung hindi saktan ako? Sino ba 'tong nasa harap ko ngayon?

"I didn't mean to ditch you in front of your whole school."

Tahimik lang ako. Ayokong marinig dahil parang bumabalik na naman lahat ng nangyari... Na kahit ilang beses kong pilit kalimutan, nandyan pa rin.

Naririnig ko pa rin 'yung mga tawanan.

Naririnig ko pa rin 'yung mga bulungan.

Naalala ko pa rin kung paano niya ako iniwan.

"Cindy got into an accident and—"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil baka bigla na naman akong maiyak. Dahil baka bigla ko na namang maalala kung paano ako napahiya. Na paanong kahit gaano pa ako magpaganda, hindi pa rin ako. Na kahit ano ang gawin ko, wala lang talaga ako para kay Parker. Na para lang akong basahan na iiwan niya dahil alam niya na pagbalik niya, nandun pa rin ako—parang tanga na naghihintay sa kanya.

"Tapos na. Kalimutan na natin," matalim kong sabi. Ayoko lang talagang pag-usapan dahil masakit pa rin.

"You're still mad."

Bumitiw ako sa pagkakahawak sa kanya pero nakalagay pa rin sa bewang ko iyong mga kamay niya. Kahit magpumiglas ako, ayaw niya akong bitiwan.

"Bitiwan mo ako," bulong ko pero hindi niya ako pinakinggan.

"I'm sorry," paulit-ulit niyang bulong. Paulit-ulit hanggang sa dahan-dahang tumulo ang luha ko.

Naaalala ko pa rin kung paano ko siya inaya para maging escort ko sa prom. Pumayag siya kaya sobrang saya ko. Binalak ko rin na sa gabing iyong sasabihin ko sa kanya kung ano 'yung nararamdaman ko... Alam ko 15 lang ako at 17 siya pero totoo naman na gusto ko siya.

Sobrang excited ako nung araw na 'yun. Sobrang saya ko nung dumating siya. Sobrang natuwa ako dahil buong gabi, kasama ko siya. Medyo nagselos lang ako dahil lahat halos ng babae ay nakatingin sa kanya pero ayos lang dahil ako naman ang kasama niya.

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now