Chapter Seventy Five

Start from the beginning
                                    

"Tataba ka talaga dun sa bahay, kin panigurado."
"Di mo na ba ako love pag tumaba ulit ako?" Hinalikan ko nga siya sa lips nung ngumuso siya.

Sobrang nanggigil ako sa kanya kaya kinurot ko siya sa magkabilang pisngi.

"Aaaray!"
"Dapat magpataba ka nalang ulit, kin para mas makurot kitaaaa!" Kinurot-kurot ko ulit siya sa braso.
"Kiiiin! Ayokooo, maghahanap ka lang ng sexy eh!"

"Kahit nga di ka sexy, naghanap ba 'ko?"
"Eeehh sobra ka naman! Sexy kaya ako!"
"Hahaha! Joke lang po! Oo na, ikaw na ang pinaka-sexy na babaeng nakilala ko. Mas sexy ka pa kay Maria Ozawa."

"Kung maging katulad lang naman pala kay Maria Ozawa, sus wag nalang!"
"Kababayan mo yun kin, dapat mahalin mo." Tumawa siya at sinapak ako sa hita. Nakarating naman kami sa bahay at binati niya si Mommy pagkapasok sa sala.

"Hmmm! Ang sarap ng Lomi!" Natutuwa ako pag nakikita si Mika na kumakain. Ang cute-cute niya kasi talaga.
"Mas masarap siguro ako." Natawa naman siya. "Marinig ka ni Tita, baliw."
Hahaha!

"Kin, tataba nga talaga ako dito. Ang sarap ng buko pie." Nakatitig lang ako sa kanya. Tae, ngayon lang ako na-in love ng ganito. Para akong nababading ngayon, p*ta. Ayaw na ayaw kong mawala ang mga ngiti sa labi niya. Hinding-hindi ko na 'to papakawalan.

Umakyat kami sa kwarto ko, first time niya pa ngang pumasok. Gusto niya daw makita eh kaya pumasok kami dito.

Inaamin ko, ang daming pumapasok sa utak ko ngayon pero off limits pa sa off limits.

"Heto, kin. Gusto kong pakinggan mo 'to." Inabot ko sa kanya ang album ng The Smiths, The Queen Is Dead vinyl record. "Pakinggan mo. May paboritong kanta ako dyan."

"The Smiths? 80's band ba 'to?"
"Yup." "Wow, mahilig ka din pala sa oldies?" "Oo naman. Mas maganda parin ang music nila nuon eh. Di tulad ngayon. Ibang-iba talaga." Umupo siya sa kama ko at pinagmasdan ang paligid.

"Ang linis ng kwarto mo, ah. Kay Kuya kasi, sobrang kalat!" Natawa naman ako. "Babad sa DOTA, noh." "Sinabi mo!"
Tumabi ako sa kanya. Tumahimik bigla, tae ang awkward tuloy! Nate-tense ako, potek

"A-Ano i-play natin 'tong The Smiths?"
Tumayo naman siya at pinatugtog ito, tumabi ulit siya sakin. Nakikinig lang siya tapos sumandal siya sa braso ko.
"Ang ganda..."

"And if a double-decker bus
Crashes into us,
To die by your side is such a heavenly way to die

And if a ten-ton truck
Kills the both of us
To die by your side
Well the pleasure, the privilege is mine"

"To die by your side, is such a heavenly way to die..." Sinabayan niya ito at ngumiti sakin. "Ang ganda ng lyrics, kin. I'm in love." Tumayo siya at hinila ako.

"Sayaw tayo, dali." "H-Ha?" Di na ako nakapagsalita nang yakapin niya ako, slow dancing.

"I love you..." Bulong ko sa kanya. "I love you, Trystan." Inangat niya ang ulo niya at-- hinalikan ako.

F*ck, di sana ako traydurin ng sarili ko ngayon. Para akong inaamats. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng 'to at nirerespeto ko siya.

***
Hinatid ko na siya pauwi sa kanila pagsapit ng 6 PM. Pinahiram ko na muna sa kanya ang record ng The Smiths. Alam ko na kung anong pwede pwedeng iregalo sa kanya sa birthday. Hehe!

Bored ulit ako kaya nag Facebook nalang.

May nag message bigla at- oh, si Bianca lang pala.

Ilang months na nga kayo ni Musika?

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now