Chapter Seventy Five

99K 1.9K 531
                                    

Trystan's POV

"Pre, tingnan mo 'tong chic, o. Nag-add sakin."

Nasa internet shop kami ngayon at naglalaro ng DOTA. Paglingon na paglingon ko, nagulat ako nang makita ko ang picture nung bagong kaibigan ni Musika.

"G*go. Kakilala ko 'yan."

"Talaga, tol? Di mo naman sinabi!"
"Ang ganda niya, bro!"

"Mas maganda parin girlfriend ko. Heh."
"Swerte lang ng pucha!"

"O, tamo nag-upload ng pic kasama girlfriend mo."

Sinilip ko sa monitor ng tropa ko at nakita ko ang litrato nilang nag picnic.

"Close ba sila?"
"Siguro. Kaklase niya 'yan eh."
"Pakisabi tol, ireto niya naman ako!"

"Uy, p*ta nag-message!"
"Ulol. Inunahan mo kasi ng chat."
"Manahimik ka nga. At least nagreply!"
"Ano raw? Ano raw?"
"Teka! Parang ikaw tong mas nae-excite eh!"
"Sunggaban mo na tol, bilis!"

Natatawa nalang ako habang pinapakinggan sila.

Nakita kong may bago akong friend request at oo, si Bianca din.

"Puta tol, in-add rin si Trystan, o!"
"Ah wala na, GG! Hahahahaha!"
"Si Trystan na naman yung panalo!"

"Mga ulol! Nagkakilala na rin kami neto, classmate nga ni Musika, diba."
"Basta tol, reto mo 'ko ha?"
"Oo nga, ang kulit."

In-accept ko siya tapos bigla-biglang nagmessage.

Bianca:
Thank you sa pag accept tantan! ^_^

"P*ta pre, alam na alam niya palayaw mo ah. Wala na, kay Trystan na naman 'yan may gusto mga bro."

"Nagtataka nga ako eh. Mga baliw."
"Wala, talo ka na talaga, Jay! Hahaha!"
"Inyo nalang. May Musika na ako noh."

Nireplyan ko si Bianca.

Me: NP :))
Bianca: Hihi! Okay lang bang tawagin rin kitang Tantan?
Me: Ikaw bahala?
Bianca: Hihihi! Okay tantan! ^_^
Me: Hehe :)

Inalis ko na ang chat box tapos nag log out.

"Tara na tol, klase na."
"Tara, tara."

***

Pagkatapos na pagkatapos ng klase, agad kong tinext si Musika kung nasaan siya para sunduin ko nalang. Di pa raw kasi siya uuwi kasi sabay nalang daw kami. Gabi na nga eh. Nakita ko naman agad siyang may kausap na lalaki nung dumating ako sa harap ng school niya.

Medyo uminit ang ulo ko at pinark ang motor pagkatapos ay naglakad papalapit sa kanila. Sino na naman kaya 'to?

"Trystan!"
Ngumiti siya nang sobrang lapad at lumapit sakin.

"Sorry, kin natagalan ako."
"Okay lang. Ah nga pala si Drake, kaklase ko. Nag-uusap lang kami tungkol sa recital bukas eh."
"Ganun ba. Trystan nga pala pre, boyfriend ni Mika."
"Ikaw pala boyfriend niya. Drake, pare. Ah, sige Musika. Mauna na 'ko sa inyo."
"Sige, sige."

Niyakap niya naman ako bigla mula sa tagiliran at saka inamoy-amoy ako.

"Nililigo mo siguro yung pabango niyo sa bahay, noh. Ang bango-bango mo parin o!" Ginulo ko ang buhok niya at bumaba na kami patungog parking lot.
"Nasan na kaya yun si Bianca? Biglang nawala eh."

"Sa bahay nalang tayo mag meryenda, kin. Tinext ako ni Mama eh, nagluto daw siya para sayo."
"Yehey! Matitikman ko ulit mga masasarap niyang luto!" Ang cute-cute ng baby ko. Nakakagigil, tae.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now