Prologue: Welcome to the planet

329K 6.5K 2.4K
                                    

                  

Dare you to move

A novel by xxakanexx

I was feeling a bit giddy today. Ang lakas nga kasi ng tibok ng puso ko. Gusto kong sumigaw sa saya ngayon. Gusto kong magtatalon sa kama. Bakit? Kasi pupunta dito ngayon ang boyfriend ko. Si Ignacio. Ito iyong unang pagkakataon na dadalawin niya ako sa bahay at ipakikilala ko na siya kay Tatay.

Ignacio Roothe – or I fondly call him, Iggy, was a good man. He came from a decent family. Ang sabi niya sa akin ay mayaman daw sila pero hindi naman ako naniniwala kasi hindi naman halata – although may kotse siya at may sarili nang pad, hindi pa rin ako naniniwala. Hindi naman mahalaga sa akin iyon. In love ako kay Ignacio. Siya ang first boyfriend ko.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko ba malaman kung ilaladlad ko ang buhok ko o hahayaan kong nakatirintas ito. Gusto kong maging maganda sa paningin niya.

"Ate! May naghahanap sa'yo! Igorot daw!"

Namula na agad ang mukha ko. Binuksan ko ang pinto at doon nakita ko ang kapatid kong si Toffer na nakangisi sa akin habang hawa ang psp niya.

"Igorot!" Piningot ko siya.

"Iggy Roothe! Tanga!" Matapos niyang umaray ay tumakbo na ako pababa ng hagdanan. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. Nang  makababa ako ay agad kong narinig ang Tatay ko na nagsasalita. Sigurado ako na kausap niya si Iggy.

"Ilang taon ka na kamo?"

Ang tatay ko ay isang retired na pulis. Ang nanay ko naman ay head nurse sa isang government ospital. Dalawa lang kaming magkapatid. Ako ang panganay at si Kristoffer ang bunso – fourteen na si Toffer at nasa Grade 8.

Huminto ako sa gilidng malaking vase ng sala. Inayos ko ang skirt ko pati na rin ang blouse. Hinubad ko ang salamin ko pero nang hindi ako makakita ay pumikit ako at saka sinuot muli iyon.

"Eherm!" Sabi ko. Hindi ako umubo. Sinabi ko talaga. Tumingin sa akin si Tatay.

"Heto na pala si Lalay."

"Tay! Aly nga diba? Dalaga na ako! Eighteen!"

Ngumiti si Ignacio at saka itinulak pabalik ang salamin niya sa kanyang ilong. Ang cute talaga ng boyfriend ko. Nakasuot siya ng kulay pulang Hawaiian Polo Shirt at checkered na pantalon. Nakakakilig siyang tingnan.

"Tatay, si Ignacio po, boyfriend ko."

Ngumiti si Ignacio kahit na mukha siyang kinakabahan. Kinamayan niya ang Tatay ko tapos ay nag-usap sila. Hindi naman sila nagtagal mag-usap dahil kailangan na naming pumasok sa University.

Sumakay kami sa kotse niya. He was telling me about how nervous he was upon meeting my father.

"But you did well. I guessed he likes you."

"Talaga ba? Para kasing hindi."

Tumawa lang ako ngunit natigilan nang bigla akong may maalala.

"Tinatawagan kita kagabi, hindi ka sumasagot hanggang sa namatay na lang iyong phone mo..."

"Huh? Ahhh... ano, nag-swimming kasi ako..." Napabuntong-hininga siya. "Nabasa iyong phone ko... ano... tinulak kasi ako ni Mikee. Alam mo na. Makulit kasi siya."

Ang bait talaga ng boyfriend ko. Napansin ko na iyon noon, na masyado siyang mabait sa kapatid niya. Kung sabagay ay dalawa lang naman kasi sila ni Mikaela.

Dare you to moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon