Chapter 5

473 33 19
                                    

Grade 6 (March 2010)

"Once again, congratulations to this year's graduates!" 

Anu ba yan. Nag-iiyakan na yung mga babae sa tabi ko. Nakakainis naman. Feeling naman nila hindi na sila magkikita next school year. For sure, lahat yan halos dun sa high school building magkakamustahan sa pasukan. Ang drama ng mga buhay.

Dapat nga ako ang umiiyak. Sila Angel kasi lilipat na sa Dubai. Nagbonding na kami halos araw-araw. Nilubos na namin kasi baka ilang years pa bago kami magkita ulit. Umiyak na ko kahapon habang nagsabi siya ng goodbye niya. Mismong araw ng graduation namin yung pag-alis nila kaya hindi na ako nakasama sa paghatid sa airport. Ako dapat yung umiiyak.

Kung pwede lang kasi, lilipat narin ako ng school para high-school na 'ko magbabagong buhay. Wala nang haters, wala nang echoserang past na gugulo sakin. Pero hindi pwede. Nag-offer ang school ng scholarship para sa valedictorian, which was me, thank you very much, kaya hindi ako lilipat ng school. Sayang yung scholarship saka kailangan talaga namin ng financial support. Wala akong choice kundi magstay.

Nagcongratulate ako ng mga close friends ko bago ako umalis. I made sure na hindi sila lilipat ng school. So far, sure ako na makikita ko pa ang pagmumuka ni Jane, Stephen, Jacob, Lee, at Carly. Si Kenneth di ko naka-usap ng personal pero nagtext ako pagkauwi. Dun parin siya mag-aaral kaya may inspiration parin ako. Salamat naman.

Corny pero aminado akong malungkot ako sa end ng isang chapter ng buhay ko. Tapos na elementary. Nakasurvive ako! Alam kong maraming magbabago sa high school kaya ako malungkot. Mami-miss ko ang buhay na iniwan ko pero excited naman ako sa buhay na nag-aantay para sakin. Sana lang maganda yun.  

So, yeah, graduate na ako. YAY! Valedictorian ako ng batch namin at proud ako dun.

High school na!

CupcakeWhere stories live. Discover now