Epilogue

189 23 22
                                    

Dear Jinky,

Warning: Mahaba po ito. Maghanda ka na rin ng panyo kasi iyakin ka pa naman. Emotional 'to.

Hi, ako nga pala si Kenneth. Kenneth Rosario, 17 years old. I'm introducing myself kasi alam kong hindi ko nagawa yun dati. Pinahiya kita nun, diba? Naalala ko lahat lalo kasi nakita ko yung story na ginawa ng baliw mong bestfriend sa Wattpad. Sabihan mo nga! Nakakahiya kasi.

Ayun, unang reason ko kaya ako gumawa ng ganitong letter (or nobela) kasi gusto kong magsorry sa lahat ng ginawa kong katarantaduhan. Hindi talaga ako nag-iisip. Sorry dahil nasaktan ka dahil sakin. Sorry dahil hindi kita pinahalagahan. Sorry dahil hindi kita pinapansin sa walang kwentang dahilan. Sorry dahil hindi ako pumunta nung birthday mo. Sorry dahil palagi nalang kitang pinagmumukhang tanga.

I'm not asking na kalimutan mo lahat yun agad-agad kasi alam ko namang hindi pwede na ganun lang. Pero sana mapatawad mo 'ko. Sabihin mo lang kung ano dapat kong gawin, except sa pagsabi ng reason kung bakit absent ako nung birthday mo, para mapatawad mo ko. Hindi mo man sabihin, alam kong nasasaktan ka parin kapag naaalala mo yung alam mo na. I'M SORRY.

Sorry dahil hate na hate kita dati.

Naalala mo nung elementary tayo, humiram ka kay Carly ng pencil tapos hindi mo alam sakin nya rin pala hiniram yun? Kinagat mo yung dulo ng lapis kasi hindi nakabaon na yung pambura. Hahaha! Inis na inis ako sa'yo nun. Ang babaw ko..

Eh yung hindi kita pinapansin kasi nataasan mo ko sa quiz sa Math? Naalala mo ba yun? Hindi kita kinausap kasi favorite ko nga yung Math tapos nataasan ako ng pinakakinaiinisan ko sa lahat. Naiinis din ako sa sarili ko. Sabi sa'yo eh, hindi ako nag-iisip nun. Ang tingin ko sa'yo nun kaibigan ko na pwede ko away-awayin. Sorry. Sorry talaga.

The more you hate, the more you love.

Yang quote na yan. Ngayon ko lang nalaman na hindi yan joke. Ayaw ko talaga nun sa'yo. Pero nung akala kong mawawala ka, nagbago ang lahat. Biruin mo, yun lang pala yung kailangan ko para ma-realize na hindi pala hate yung nararamdaman ko para sa'yo. Parang binuhusan ako ng nagyeyelong tubig. "HOY G*GO KA ANONG GINAWA MO?" yan yung gusto kong sabihin sa sarili ko nun. Hindi ko agad tinanggap na gusto na kita nun kasi akala ko mali yun. Mali kasi yun ang sabi ng pride ko. 

Importante ka sakin. Please, sana maniwala ka.

Ang pangalawang reason kung bakit kita sinulatan, alam kong hindi ko kayang sabihin 'to sa harap mo. Nahihiya kasi ako. Baka kasi punitin mo pa sa harapan ko 'to. Saka baka makalimutan ko yung sasabihin ko. Hindi ko alam kung bakit pero nahihiya ako sa'yo ngayon. Basta, parang ganun.

Graduating na tayo so kahit magkahiwalay tayo, wag mo ko kakalimutan. Alam ko naman na di mo ko makakalimutan, sa lahat ba naman ng pinag gagawa kong kalokohan sayo. Hindi rin kita makakalimutan. Ikaw yung babaeng hindi ako sinukuan. Saka ikaw yung nagsuka sa harap ng classroom nung first year tayo. WAHAHAHA! Joke lang Cupcake, I love you!

Thank you sa lahat lahat. :)

PS: Baka isipin mo na ngayon ang bading ko. Please wag naman. Mga tunay na lalaki lang ang marunong magsulat. Tandaan mo yan.

PPS: Layuan mo yang si Tom.

Love, Kenneth, your Cupcake

Buti may panyo ako sa bulsa. Na-touch ako. Bwisit naman kasi yan si Kenneth. May ganito pang nalalaman.

May nagpadala ng sulat kanina, para daw kay Jinky Dela Cruz. First time na may nagdeliver sa bahay na para sakin. Kadalasan kasi para kay Mama. Ayun, sa sobrang excited ko, napasandal nalang ako sa gate at dun ko binasa. Mukha tuloy akong tanga dito, naluluha habang yung aso ng kapit-bahay namin, panay ang tahol dahil siguro sakin. Sana walang nakakakita sakin.

CupcakeWhere stories live. Discover now