Chapter 9

583 27 17
                                    

Third Year High School (September 2012)

"Whooooooo!"

Ano ba naman yan? May natutulog bigla-biglang may sisigaw. Napuyat ako kakatapos nung groupwork namin. Leader kasi kaya sakin naipasa lahat ng gagawin. Kaasar.

"Jinky! Dito tayo dali!" sigaw sakin ni Kate galing dun sa grupong naghihiyawan kanina.

Wala akong magagawa dahil gising na 'ko kaya pumunta nalang ako dun. Nandun yung mga friends ko. Si Kana, yung Japanese na new student, si Dorothy na hindi ko akalain na magiging isa sa best of friends ko dahil ayaw ko sa kanya dati, at ang napaka weird na si Kate na bestfriend ko na ngayon. Tadhana nga naman... Nandun din si Aldrin, yung classmate namin na kailangan ng anger management classes, si Bacanto, na sa last name namin tinatawag sa di malamang dahilan, at sina Jane, Barbie at Veron. Nakapabilog yung mga chairs nila kaya kumuha narin ako ng akin at nakisiksik.

"Centrum ka ba?" sabi ni Aldrin kay Dorothy.

"Bakit?" sabi naming lahat kahit kay Dorothy lang siya nakatingin.

"Kasi you make my life complete!"

 Gumaganon si kuya!

"Tae yan, ang corny!" sigaw ko sa kanya.

"Sige, eto pa," sabi niya then tingin ulit siya kay Dorothy, "may heart surgery ako kahapon. Alam mo kung ano nakita nila?"

"Ano?"

"Pangalan mo," sabi niya kay Dorothy with a wink.

Grabe din pala si Aldrin sa kalandian. Kala ko dati tahimik lang 'to, ayun pala kauri din namin. Pero infairness, havey yung huli niyang sinabi. Kung si Kenneth nagsabi sakin nun, baka hinimatay na 'ko sa tuwa.

"Dorothy, sana ikaw nalang ang mga butuin at ako nalang ang buwan," sabi ni Boy Pick-up.

"Bakit?" this time si Dorothy nalang ang nagsalita. Kinikilig kami para sa kanilang dalawa.

"Para magkasama tayo tuwing gabi."

"NAKS! Huma-havey!" 

Sana ganyan din si Cupcake. Ewan ko nga kung ano na ba meron dun. Minsan kasi ang bait niya sakin, minsan parang wala lang, minsan parang galit siya. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar kasi paiba-iba talaga kaya sa mga ka-tropa ko muna ako nagpapakasaya. May nagsabi kasi sakin na ang best year daw ng high school ay Third Year. Mukha namang totoo. Wala na kasing nagchichismisan tungkol sakin nung dumating yung classmate namin na dinaig pa ko sa galing magpapansin. Natabunan tuloy beauty ko pero okay lang kasi nagkaroon ako ng dalawang bagong friend at isang bestfriend.

Nagbell na.

"Uy, kain muna kami ni Jinky. Bye guys!" sabi ni Kate sabay hila sakin sa canteen. Ayaw ko pa talagang umalis kasi nag-eenjoy pa ko pero gutom na rin ako.

"Kikiligin na sana ako eh, kung di lang si Aldrin yung nagsabi," biglang sabi ni Kate.

Wow. Choosy pa! "Asus! Sino ba gusto mo? Ayieee!" ganti ko sa kanya.

"Wala noh! Kasi kung di lang sa medyo bakla nanggaling okay sana yung pick-up lines."

Halata namang may tinatago siya. Defensive. Malalaman at malalaman ko rin yan. Pero may point siya kasi ang alam ng mga tao, bading yung si Aldrin kahit na sinasabi niya na hindi naman. Ganyan talaga kapag di kasali sa popular crowd o walang girlfriend ang mga boys dun. Napagkakamalang bading.

"Bahala ka dyan," sabi ko with a hint na hindi ako naniniwala.

Walang maupuan sa canteen kaya sa court nalang kami kumain. Mga basketball varsity players lang naman yung nandun kaya medyo walang tayo maliban sa mga babaeng nagchi-cheer sa boyfriend at crush nila.

CupcakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon