Prologue

870 49 36
                                    

Grade 4 (March 2008)

Recognition day namin nung Grade 4 at hinding-hindi ko yun makakalimutan. Wow! Grabe, ang dami kong award! Napaka humble ko kaya hindi ko na ipagyayabang na FIRST HONOR ako noon at halos sa akin na lahat ng award. Sorry pero ako na talaga eh. Hindi ko kasalanan na pinanganak akong ganito. Kung may angal kayo, wag niyo na ituloy ang pagbasa pero let me tell you, sayang talaga kasi napakagandang opportunity ito.

Proud na proud sakin ang parents ko, syempre. Sino ba namang magulang ang hindi matutuwa na bongga ang anak niya? Baliw yun, for sure.

By the way, ako nga pala si Jinky. Jinky "Gorgeous" Dela Cruz. Para sa akin, hindi ako ganung kagandahan pero proud akong sabihin na hindi ako ang pinakapangit sa lahat. May mas pangit pa sakin, noh! Isipin niyo nalang ang mukha ni Angel Locsin nung bata pa siya. Kahawig ko daw kasi yun eh.

Siguro sawang-sawa na kayo sa ganito pero, mabait ako sa mabait sakin. Sabi ng nanay ko wala na raw mas babait pa sa'kin. Bitch lang ako kapag kailangan na talaga. Wala kang magagawa.

Kakababa ko lang ng stage noon at umupo ako sa assigned kong seat. May payat, pero cute na lalaking nakatingin sa akin. Siguro inggit siya kasi ang konti ng award niya. Hindi ko siya kilala pero schoolmate ko na ata yun nung Grade 1 pa. Hindi kasi ako masyadong friendly noon sa mga guys eh. Alam nyo na, cooties.

Nakatingin lang siya. Hindi man lang naka smile. Cute pa naman sana. Grabe! Inggit nga ata!

Lumapit siya sa inuupuan ko. 

"Hello," sabi niya.

"Hi," sabi ko.

Ang awkward naman. Bigla-bigla babati. Bakit hindi ginawa noon? Pasalamat siya mabait ako, kundi pinagtripan ko na siguro.

Nakatingin lang siya na parang may something ako sa mukha. Hala, ang weird niya!

"Uhhm, ano kailangan mo, " tanong ko sa kanya. I really had no idea why he was looking at me like that. Hindi ako kumportable. Ang seryoso kasi nung mukha niya.

Tumingin siya sa sahig. "May CR sa taas. Hindi mo na ba talaga natiis," tanong niyang nandidiri.

"Alam ko kung nasaan ang CR."

"Eh bakit dyan ka umihi?"

HALA NAMAN! Anong pinagsasasabi ng taong 'to? Naisip ko noon na talagang ang lakas lang ng tama niya.

Nakita niya yung pagkagulat-slash-pagtataka ko kaya tinuro niya yung ibaba ng inuupuan ko.

Oh My GOD! Parang umihi nga talaga ako. May nakatapon ata ng juice o kung ano man sa ilalim ng upuan ko. Grabe, nakakahiya! Kung sineswerte ka nga naman, ang lakas pa ng pagkakasabi niya kaya halos lahat ng tao sa paligid nakatingin na sakin. Akala nilang lahat naihi ako doon!

"H-hindi po ako umihi, p-promise," utal na sinabi ko sa kanya saka sa mga taong nakatingin.

"Bahala ka. Kawawa naman maglilinis niyan," sabi nung lalaki at lumakad siya papalayo.

Alam niyo yung nakakahiya? Halos lahat ng nandoon nakita yon! Nako naman. Hindi ko alam kung paano ko i-eexplain sa kanila na hindi talaga ako yun. ARGHH! Nakakainis!

Pinagtatawanan na ako ng mga tao sa paligid. Hindi pa tapos yung Recognition pero maingay na dahil sakin. May mga high school pa na pumunta sa pwesto namin para lang tingnan kung ano yung nakakatawa. 

Hindi ko na kinaya yung kahihiyan. Tumakbo ako papalabas ng auditiorium. Nagtago lang ako sa CR.

Nga pala, hindi man lang ako nakapag "thank you" dun sa lalaking halos pinagsigawan na umihi ako. Grabe siya! Hindi man lang hininaan yung boses. Hindi niya ata alam yung word na NAKAKAHIYA!

Nakita ko yung bwisit na lalaki noon nung pauwi na kami ng Mama ko. Tiningnan ko siya ng masama pero hindi niya ko nakita. If looks could kill, nangisay na sana siya doon at bumula na ang bibig. 

Naaalala ko yun na parang kahapon lang. Hindi talaga maganda sa reputation ko!

CupcakeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt