Teaser

97.1K 1.7K 46
                                    

Credit to the rightful owner of the pic. that I've used as the book cover.

This is the ORIGINAL version. Wala po akong binago.

Note: This is not a perfect story. Madami ang errors at wrong grammars.

Sa mga mambabasa na mahilig mag-mura (o mag-salita ng nakakabastos) sa comment section, go ahead po. I won't mute you. Hindi ang akda o mismong nag-sulat ang apektado. Dahil sariling image mo lang po ang sinisira mo. Kahit hindi ka kakilala ng mga taong makakabasa ng kinomento mo, sa sarili mo pa lang, alam mo na po kung anong klase kang tao. Imbis na murahin po ang karakter o mismong kwento, sulat ka na lang po ng iyo. :))

***

Temptation Series #3

Teaser

Patuloy sa ginagawang pagtakbo si Eleyna dahil sa takot na maabutan siya ng kaniyang asawa. Nang makarating sa kalsada ay agad siyang pumara ng taxi upang makalayo sa lugar ng demonyo niyang asawa na wala ng ginawa kundi ang angkinin ang katawan niya hanggang sa mapagod ito.

Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay nakasakay siya ng taxi at nilandas ang lugar ng taong makakatulong sakanya.

Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin siya sa mga katagang binitiwan nito. "I will give you five minutes to run away from me Eleyna. At sa oras na maabutan kita wala ka ng takas," tumawa ito ng malakas at binaling ang nanlilisik na paningin sakanya.

Dali dali niyang kinuha ang iilang gamit na nailagay niya sa kanyang bag.

"Run while still you can..." halakhak nito na animo'y baliw.

Umiling si Eleyna dahil sa ala-alang iyon. Madaling araw na siyang nakarating sa lugar kung saan malaya siya. Kung saan hindi limitado ang oras niya at kung saan hindi siya isang preso na palalabasin lang kapag may kaylangan.

"Marco," niyakap niya ang binata.

"Eleyna what are you doing here?" tanong nito habang kinukusot ang mata.

"Kaylangan ko ng matutuluyan, pwede ba dito?" luminga siya sa takot na baka nasundan siya ng asawa.

"Walang problema," agad siya nitong pinapasok. "Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Marco nang maupo sila sa sofa.

Hindi alam ni Marco na may asawa na ang kanyang kababata, bagaman ay madalas silang mag kita at mag usap. Masyadong malihim si Eleyna sa kaniyang buhay.

"Pinalayas kasi ako sa apartment na tintirahan ko." pagsisinungaling nito.

"What?! Sa ganitong oras?!" dahan dahang tumango ang huli.

Matapos ng kanilang pag+uusap ay hinatid siya ni Marco sa pansamantalang tutuluyan niya. Pagod niyang binagsak ang katawan sa malambot na kama at taimtim na nagpasalamat dahil nakawala na siya sa hayop na asawa. Marahil sa sobrang pagod ay nakatulog na siya.

Nagising si Eleyna nang bandang hapon na. Dali dali siyang nag ayos ng sarili, naligo at sumuot ng presentableng damit.

Pababa na siya sa hagdan nang marinig ang maingay na halakhakan sa sala. Agad niyang isinawalang bahala ang kabang nararamdaman nang marinig niya ang pamilyar na boses. "Hindi naman sana," saad niya sa sarili at nagpatuloy sa baba.

Agad naman siyang nakita ni Marco kaya tinawag siya nito. "Eleyna come here, may ipapakilala ako sayo..." sigaw nito.

Unti-unti na siyang kinain ng kaba nang magsalita ang lalaking kasama ni Marco. "She must be Eleyna?" ngumisi ito sa kanya at umiling.

Gusto niya muling tumakas, sabihin kay Marco na ang lalaking kaharap nila ngayon ay ang may kagagawan kung bakit siya napunta sa lugar nito. Ngunit, paano? Paano pa siya nito papaniwalaan kung gayon ay nagsinungaling na siya?

"Eleyna meet Trevor, my bestfriend. And Trevor meet Eleyna my childhood friend,"

Nanginginig man ay nagawa niya pa rin'g batiin ang kanyang asawa.

Puno ng katanungan ang isip niya, paanong nakapunta dito si Trevor? Paano sila nagkakilala ni Marco?

"She's beautiful, right, Trev?"

Walang kaalam-alam si Marco sa tensyong namamagitan sa dalawa, ang tanging nasa isip niya lamang ngayon ay magkamabutihan ang dalawa.

"Yes, she's beautiful..." Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya at nilapit ang bibig sa puno ng kaniyang tenga.

Dinig pa nila ang panunundyo ng kaibigan ngunit balewala lamang iyon, imbis ay napalitan ng takot ang kaniyang nararamdaman ngayon.

"...to be imprisoned," pagpapatuloy nito sa sinabi.

Lumayo kaagad si Eleyna, gusto niyang maiyak. Alam niyang wala na siyang takas. Alam niyang kahit anong oras ay makukuha na naman siya ni Trevor, babalik siyang muli sa kamay nito at 'yun ang kinakatakot niya. "Welcome back to hell, my dear Eleyna." pahabol pa nitong bulong sa kaniyang tenga.

To be continued...

DPosted:04-04-16

The PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon