Chapter 38: Problem

Start from the beginning
                                    

"Kaya nga dude, iisipin ni Serah na si Mara nga talaga ang gusto mo at hindi siya. Tapos nag I love you ka pa doon sa tao. Gunggong mo pre!" -Alex

"Hayss, oo na. Tama na nga kayo.."

"Itigil na nga natin ito" biglang nagsalita si Mara. Kaya napatingin kami sa kanya. Sino kausap nito? "-wag nyong isisi kay Zac ang lahat. Ako naman talaga ang may kagagawan nito. Ako ang nag suggest na pagselosin si Serah."

"Tsk, tsk" -Bethina

"Wow! May girl palang knight in shining armor!" sigaw ni Gian

"GIAN!" sigaw ko.

"Oh yan, ayos na. Uwian na. " nagtayuan na kami at nag simulang maglakad sa labas. Nilapitan ko agad si Mara.

"Best, okay ka lang?" tanong ko

"Oo naman. Na guilty lang ako sa ginawa natin kay Serah. Siguro kung ako yung pagseselosin, masakit iyon dito" tapos tinuro nya ang puso niya. Hmm, may pinanghuhugutan ito ah. Ginulo ko na lang ang buhok niya.

"Kaw talaga. Hatid na kita?"

"Wag na, may dadaanan pa ako."

"Baka mapaano ka?" tanong ko

"Oka--"

"Hayss, ang sweet naman! Mabuti pa siya nagyayayang ihatid yung girl, Hindi tulad nung isa dyan. Mabuti pa ang bestfriend maiigi compared sa boyfriend!" parinig ni Bethina. Napatawa na lang kami nandito sa labas.

"Ihahatid naman kita ah! Kailangan ko pa bang sabihin sayo yun?" tumakbo na si Travis palapit kay Bethina na naglalakad na palayo.

Hay, yung dalawang iyon talaga.

"Sige, alis na ako ingat sa pag-uwi" paalam sa akin ni Mara. Iba kasi yung way niya sa way ko. Sumakay na lang ulit ako sa tricycle pauwi sa amin.

Pagkarating ko sa bahay. Nakaupo si Mommy at Dria habang si Mishka naglalaro doon sa may rubber. Mukhang may ginagawa sila, ang dami kasing papel ang nakakalat sa lamesa. Ano ba yan?

"Nandito na ako" sabi ko, kasi nga busy sila. Hindi nila ako napansin na dumating. Lumapit ako sa tabi ni Mommy.

"Ano yan mi?" tanong ko. Tapos may inabot siya sa akin.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Dapat masaya ako pero hindi ko magawa. At naisip ko na lang bigla si Serah.

Serah's Standpoint

Hindi ko iyon iisipin! Tama, hindi! Ang iisipin ko yung report namin. Hanggang ngayon paulit ulit akong gumaganito sa isipan ko. Kung may nakakarinig man sa utak ko, alam ko si Lord yun. Pasensya na Lord, pero hindi pa ako napaparanoid. Hehehe.

Ito na, kinakabahan na ako. Tapos na kasi yung subject namin ang next na dito yung Economics. Kinakabahan ako, eh ang sabi nila kung alam mo naman ang gagawin ko. Dapat hindi ka kabahan pero hindi ko maiwasan eh. Nahihiya pa rin akong humarap sa maraming tao kahit sa church umaawit ako. Iba naman kasi iyon dito. Hayss.

"Reporters.." biglang sinabi ni Ma'am at dumerecho sa likuran. Tumayo na si Zac at sinenyasan ako na tumayo na din. Bigla kong naalala yung kagabi kaya iniwas ko ang tingin ko. Serah, report ang isipin mo! Bulong ng isip ko.

Inayos lang ni Zac yung laptop at projector niya. Nung okay na inabot niya sa akin yung remote.

Tapos nagpakilala siya, akala ko siya lang pero dinamay nya ako. Kaya ngumiti na lang ako sa mga classmate ko pati kay Ma'am. Sinenyasan niya ako na pindutin na yung next slide. Diniscuss niya yung nandoon sa slide at nagbigay siya ng example. Kapag okay na pipindutin ko na lang yung remote.

Cherish YouWhere stories live. Discover now