Chapter 26: Sorry, korny much lang :"D

9.7K 155 54
                                    

A/N: Hahaha. Okay guys, pahinga naman tayo sa mga tensyonadong eksena, okay? Light- hearted lang muna. Sa mga following updates, baka intense na ulit. Depende kung ano maisip ko. LOL

This chapter is dedicated to 'FacelessChic'. Thanks much girl for supporting this story! God Bless~ ^^ [EDIT: Hindi ko mai-dedic sayo itong chapter na 'toh, di ka yata naka-fan sa akin eh? Hehe. pero basta, dedicated ta sayo. LOL gulo lang XD :">]

-euzaku35^^

*****

Chapter 26: Sorry, korny much lang :”D

IANNE’S POV

Isang linggo na mula nung umalis si Xionnen dito sa bansa. I haven’t heard much from her. She’s calling Xave every once in a while but that’s all. Wala namang gaanong bago sa daily living ko bukod lang sa si Bench ay hindi na nagsawang mangulit sa akin. Actually, hindi naman talaga ako nakukulitan, kinikilig nga ako eh. Yun kahit simpleng bagay lang? tapos sasabay pa si Xave! Haynako, walang araw na hindi ako kinilig sa dalawa. God, why do you have to make me so habulin ng boys ba kasi? (>/////<)7

 

“WAAAAAAA!!! Ang hirap naman nito!! Parang tinatamad na talaga akong mag-aral eh! (T^T)” sabi ko sabay bagsak sa ibabaw ng lamesa.

“You can do it, Kylie. Here’s your coffee.” Xave tapped my back then handed me a cup of coffee. Medyo mainit pa kaya hinipan ko muna ito. Naglakad na sya papunta sa kanyang upuan at humarap na rin sa laptop niya.

“Wala ka pa rin talagang pinagbago, PB ko.” comment naman ni Bench na nakaupo rin sa isang upuan, at nakaharap sa laptop niya. Sumimangot ako. Nakakatamad naman talaga ang mag-aral eh. Si Tribal lang yata ang ganadong-ganado mag-aral habang ginagawa yung assignment niya.

Kaya naman itong table na ‘toh, super kalat. Kalat ng notebooks at libro ko. Kalat ng paper works ni Xave. Kalat ng mga music sheets ni Bench at pati na rin coloring books ni Tribal. Halos lahat kami, busy sa kanya- kanyang ginagawa.

“But really, Bench… Why do you keep on browsing the internet about yourself?” tanong ni Tribal kay Bench na may ginagawa sa laptop niya. Pansamantalang inalis ni Tri yung tingin sa kinukulayan niya at nakadungaw sa screen ng laptop ni Bench.

“Ha? Ah, kasi tinitingnan ko lang yung mga balita about sa akin.” Sagot ni Bench sa tanong ni Tribal. Tuloy pa din sa kanyang ginagawa doon sa laptop.

“Oh, is that so? I cannot read it clearly, Bench but that article has something to do with Tita Xionnen. Where is she?” inosenteng tanong nung bata kay Bench.

“Tri, Tita Xionnen is having a vacation somewhere. You will not see her for a long time.” Si Xave na yung sumagot sa tanong ni Tribal habang may tina-type ito dun din sa laptop niya, isa yatang business proposal yung ginagawa ni Xave dun.

SBMBG 2: The Skater and Ballerina's Twisted Fate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon