Chapter 13: Contis Talk (Part 2)

11.8K 138 26
                                    

CHAPTER 13: Contis Talk (Part 2)

XAVE'S POV

"Kuya Xave! Gosh!" I was silently sitting here sa table ng isang coffee shop ng bigla na lang dumating si Xionnen. Nakasilip pa lang sya sa entrance ng tawagin niya ako, parang hindi naman sya gaanong excited na makita ako ah?

"Hey, Nenen! Musta na ka na? Llok at you! Ang laki na talaga ng pinagbago mo! Mas gumanda ka na talaga ngayon! Wala na si bunso!" I greeted her bago pa naman sya makaupo sa upuan niya at ginulo pa yung buhok niya.

My sister is now a lady, ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang, pinapaiyak ko sya tapos papagalitan ako ni Mommy at magsusumbong sya kay Daddy. Tapos, nagbago ang ikot ng mundo, pinapatahan ko na sya sa tuwing iiyak sya sa gabi dahil miss na miss na niya yung mga magulang namin... but the real thing doesn't change though, si Xionnen lang ang meron ako simula ng mawala yung mga magulang namin. She'll always be my precious Xionnen...

"Kuya! What are you doing? Ginugulo mo yung buhok ko!" saway niya sa akin habang tumatawa. Tinigilan ko yung paggulo sa buhok niya at hinila yung upuan para makaupo sya. Nilapag niya yung mga gamit niya sa katabi niyang upuan.

"Ang dami mo naman yatang dala, maglilipat bahay ka ba?" pabiro kong tanong sa kanya. She looked at me with serious face.

"Yeah. Babalik na ako sa dati nating bahay. Dun na tayo titira ulit na dalawa. I don't want to stay in my unit anymore, gusto ko kasama na ulit kita, Kuya!" nagulat ako sa sinabi niya. What?! Hindi pwede! Kina Kylie ako ngayon nakatira, hindi pwedeng umalis ako dun, walang kasama yung dalawa, at si Tribal—

"Just kidding! Hahaha! Your face was so epic! Eto namang si Kuya, di na mabiro! Madami akong dala dahil meron dapat akong photo shoot ngayon, but I cancelled it because of you! And, ayos lang naman ako sa unit ko, it's nice to be independent, yung hindi ako lagi na lang nakaasa sayo, Kuya." She smiled. Nakahinga din ng maluwag, akala ko kailangan kong iwan sina Kylie at Tribal para mapagbigyan pa itong si Xionnen eh. Mabuti na lang hindi.

"See? That's my good girl, Xionnen." then, nag signal ako dun sa waitress para maka-order na kami, naglakad na naman sya papunta sa table namin.

"So, Kuya Xave, hanggang kelan ka dito? Hindi ka na babalik dun, diba?" she asked me, nag isip ako, hindi pa kasi sigurado ang lahat. Depende pa rin iyon sa mga mangyayari at magiging desisyon ni Kylie. Speaking of, hindi ko nga sinabi kay Kylie na magmi-meet kami ni Xionnen ngayon eh.

"I don't really know, but one thing is for sure, medyo matagal kami dito ngayon." I answered then took a sip on my coffee. Nag slice naman ng cake si Xionnen at nilagyan yung plate ko, then yung kanya.

"Nice. Ah! By the way, Kuya, I'd like you to meet her!" then, parang may kinuha si Xionnen sa malaki niyang bag at viola! May nilabas syang pusa, malagong malago yung balahibo nito na mixed colors of black and yellowish brown. Kaya naman pala ang dami niyang dala.

"Her name is Ice! She's our baby!" inabot niya sa akin yung pusa. The cat keeps on sounding 'meow' at nilapit ko yung pusa sa mukha ko. Seriously, Bench? Gago ka talaga! Dun sa kapatid ko, pusa lang! Pero kay Kylie, totoong baby ang binigay mo?

"Isn't she cute, Kuya Xave?" tanong sa akin ni Xionnen, inabot ko na ulit sa kanya yung pusa, pinatong naman niya ito sa lap niya. I just nodded at her question.

"Xionnen, have you heard anything about us?" I asked her, nakain pa sya ng cake niya at ako naman, abala lang paglaruan yung kapeng inorder ko. wala pa talaga sa plano ko na makipag kita kay Xionnen kaya lang, nung isang araw, she called me, at tinanong ako kung totoo nga ba na dumating na ako. I don't know what to say to her, ako pa yung na-surprise niya.

SBMBG 2: The Skater and Ballerina's Twisted Fate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon