I: Welcome Home (Aaron)

3.9K 91 81
                                    




Dedicated sa lahat ng friends namin ni ate YoursEverlasting .

***


"Sir, the plane has landed. We are now in the Philippines. Welcome and Mabuhay!"

I stirred a bit and opened my eyes to the Flight attendant who lightly patted by shoulder. Napatingin ako sa paligid. Ako na lang pala ang naiwan dito sa loob ng eroplano. Everyone has left at heto ako antok na antok pa.

"Thank you, Miss. Napahimbing pala ang tulog ko. I'm sorry."

"It's okay, Sir. Filipino po pala kayo. Akala ko foreigner kayo kanina eh. Sige po, Sir. Welcome home po sa Pilipinas! Enjoy your stay po."

"Thanks." Nakangiti kong sinabi sa kanya. Nang tumalikod na siya ay tumayo na ako at kinuha ang hand carry luggage ko sa overhead compartment. Hindi na maalis ang ngiti sa labi ko...

Im home! After seven long years, finally, my skin will feel again the warmth of the sun coming from a tropical country like the Philippines. Pero, will I ever feel the warmth of her embrace again? I brushed of the idea of the love I once had.

Madali ko namang nakuha ang lahat ng mga nai-check in kong mga maleta at smooth naman ang pagdaan ko sa immigration. Paglabas ko sa arrival area, nakita ko agad si Tita Rhea. Youngest sister ni Mama. Siya ang nag-asikaso sa akin nung umuwi ako dito seven years ago. Naging sobrang close kami ni tita Rhea kahit 6 months lang ako namalagi sa Pilipinas that time.

"Tita Rhea!!!" Napasigaw ako sa kanya at patakbo ko siyang nilapitan at niyakap.

"Hahaha! Aaron! Welcome home! Binatang-binata ka na. Ang laki ng pagbabago sayo, ang gwapo mo na! Pwede ka na mag-artista!"

"Tita? Was I ugly before? Ganun ba kapangit ang 19 year old na Aaron?" Pagbibiro kong sabi.

Biglang nagbago ang aura ni tita, nawala ang masayang mga ngiti sa kanyang labi at maging ang mga mata niya ay biglang nalungkot.

"Aaron, hindi naman sa gano'n. Kahit naman dati pa gwapo ka na. At inaasahan ko naman na sa pagbabalik mo sa Australia after your six months stay here ay magiging mas maayos ka na. I'm just so overwhelmed to see you again. And as expected, you've grown up to be a fine young man. I'm so proud of you, Aaron." Tita told me with her eyes beaming with joy.

"Tita talaga, wag ka na mag-drama pag naaalala mo yun. Okay sa akin lahat ng memories ko. Dahil natuto ako. Nagbago ako. Ang look at me now. Sabi mo nga, sobrang gwapo ko na! Hahaha! At tita, ang galing ko ng magtagalog. Di ba? You're a big part who I am now. I love you, tita! Pa-hug nga ulit! Na-miss kita, sobra." At bigla ko siyang kinabig at niyakap ng mahigpit.

"Hahaha! Ikaw talagang bata ka!"

"Ehemmmm!!! Nagseselos na ako sa inyo ha." Nagulat ako sa boses na biglang nagsalita sa bandang likuran ni tita Rhea.

"Hahaha, sorry po tito Andy. Sa sobrang excitement ko di ko po kayo napansin." At niyakap ko rin si tito. Napakabait nilang mag-asawa.

Napakagandang pagtanggap at pagkalinga ang ibinigay nilang dalawa sa akin kahit nung bago pa kami mag-migrate sa Australia ng mga parents ko nung 10 years old ako at nung mag-isa akong bumalik nung 19 years old ako.

"O tama na muna yan! Halika na at umuwi na muna tayo sa bahay nang makapagpahinga ka at makakain." Masayang paanyaya naman sa akin ni Tito Andy.

"Tito, thank you nga po pala sa inyo ni tita sa pagpayag nyo na tumira ako sa inyo pansamantala. Sandali lang naman po iyon. Promise pag na-establish ko na yung business na itatayo namin ng friend ko, hahanap agad ako ng malilipatan ko. Medyo nadelay lang yung flight niya pero he is coming too."

"Sus, ano ka bang bata ka. Kahit humiwalay ka na lang sa amin pag mag-aasawa ka na. Hahaha!" Pabirong sagot ni tito Andy sa akin.

"Tito, hahanapin ko pa nga lang po ulit yung mapapangasawa ko eh. Matagal pa po siguro yun. Di ko pa sure kong makikita ko pa sya." Ako naman ang biglang nalungkot ng maalala ko yung totoong dahilan ng

pagbabalik Pilipinas ko. I mean, I agreed with my friend William to start a business here but more than that, I want to pursue the love I had to let go before.

"Ulit? Ibig mong sabihin, may prospect ka na? At mapapangasawa na agad! Aba iho, ikaw na! Hahaha!" Si tita Rhea naman kinikilig agad.

"Kunin mo kong ninang ha! Tutulungan kita sa catering." Dagdag ni Tita Rhea.

"Tita sana nga, makita ko sya. At sana wala pa syang asawa hanggang ngayon."

"Sus! Napaka-nega mo naman Aaron. Ano ka ba? Aja! Fighting!"

"Po? Ano po yung Aja? Ano pong fighting? Talaga pong ipaglalaban ko ang love life ko. Im not getting any younger at gusto ko na ring magsettle down."

"Hahaha! My loves wag mo ngang isali yung mga koreanovela mo sa usapan. Nalilito tuloy si Aaron. Tara na nga, sa bahay na natin ipagpatuloy yang usapan." At inakbayan na ni Tito si Tita at sabay-sabay na kaming lumabas ng airport.

Nakakatuwa silang tingnan. Napaka-sweet parin nila sa isa't isa. Parang hindi ako 7 years na nawala. Wala silang pinagbago. They are just overly in love with each other. Parang kami noon. Kahit na mga bata pa kami, I know then na siya na ang para sa akin. Naging duwag lang ako at hindi ko siya napanindigan. I mean what could I offer her? I had to go back to Australia and finish my studies. Mabait naman ang mga magulang niya pero gusto ko makatapos ako ng pag-aaral para magkaroon ng magandang trabaho for our future. Ang mali ko lang, I didn't tell her the truth. I made her believe that I fell out of love. Sira lang talaga ang ulo ko.

Sana mahanap ko sya. Sana pwede pang maging kami ulit. Sana handa niya pa ring buksan ang puso niya sa akin.

"Haaaay..."

"Ano yun Aaron? Ang lalim na buntong hininga yan ah." Nasa loob na kami ngayon ng kotse ni tito at hindi ko alam na narinig pala nila. It was supposed to just let go of the pain that I have temporarily.

"Ahmmm. Wala po tito. Naalala ko lang yung kaibigan kong si William. Baka next week pa kasi siya makauwi dito sa Pilipinas sayang ang panahon."

"Akala ko naman kung ano na! Ikaw talaga pinag-aalala mo ko." Umirap si Tita Rhea at natawa ng malakas.

"Hindi po. Antok pa ko tita. Matutulog po muna ko ha."

Pag-iiba ko ng usapan. I closed my eyes and tried to reminisce the good times I had with her. Wala akong pakielam kung mahihirapan akong hanapin siya pero gagawin ko ang lahat to find her at kapag nakita ko siya, sisiguraduhin kong I wont let go of her ever again.

Your Love (Eh Kasi Mahal Pa Rin Kita)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon