MPML Book 2 (15)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yey! Thanks, Charlotte. You really are an angel! But try to act a little more like an angel, okay? Look at your forehead! You're starting to have lines on your forehead and that's bad. Smile more! And less pagsusungit alright? Bye!" Nagwave sya kay Medusa at napatayo naman ako bigla ng hindi nagsasapatos at pinagbuksan ng pinto si Ms. Lina.

"Oooh, thanks dear." Pinisil na naman nya yung pisngi ko at sinarado ko na yung pinto paglabas nya.

"Marcus, wear your shoes. And you're finished answering right? You can go back to your class now."

Tamo yung babaeng yun, matapos nya kong gawing tagabukas at tagasarado ng pinto, paaalisin nya lang ako.

"Nah, ayoko sa room mainit. Dito nalang ako malakas ang aircon." Sabi ko habang humihiga ulit sa sofa.

Hindi nalang nya ko pinansin at nagsimula na naman syang magtype sa laptop nya. Kung pwede ko lang hablutin yun para makita ko kung anong ginagawa nya o kung may kachat ba sya, gagawin ko talaga e.

"Ma'am?"

"Mm.." She's still typing.

"Does anyone have given you a necklace?"

Yung mabilis at sunod sunod nyang pagtatype biglang tumigil.

"What kind of necklace?"

"Um...necklace. Yung normal na necklace, may nagbigay na ba nun sainyo?" Tinitigan nya ko na parang alam nyang may tinatago ako.

Bigla nyang binuksan yung top drawer nya at tiningnan ako ng masama.

"Where is it, Marcus. Give it to me."

"Nope. That's not gonna happen, Ms. Briones." Nagsimula syang tumayo kaya napatayo narin ako.

"Give it or I will break every bones in your body just to have it back." Panakot pa niya.

"Oooh, I'm scared." Asar ko pa.

"Marcus, that necklace is important to me. Give it back."

"Bakit muna? Sino bang nagbigay nito?" Sabay kuha ko nung kwintas sa bulsa ko.

Nanlaki yung mata nya ng makita nyang hawak hawak ko yung necklace kaya nagmadali syang lumapit sakin kaya tumakbo ako sa desk nya at para na kaming naghahabulan at nagiikutan sa desk nya.

"Isa. Hindi mo ibibigay yan?"

"Sagutin nyo muna kasi ako. Sino nagbigay nito?" Iniikot ikot ko pa sa daliri ko yung kwintas na lalong nakapagpainis sakanya.

"Please, wag mong ganyanin baka maputol." Yung matapang nyang mata kanina naging maalalahanin.

This necklace is really important to her, huh?

"Did my father gave this to you?"

Napayuko sya.

"Yes. He gave that to me as an early present. That was the first gift he have ever given to me and that necklace is last...l-last..."

Hindi nya matuloy tuloy yung sinasabi nyang ng bigla syang huminga ng malalim at nakapamewang pang sumagot sakin.

"You know what? Fine. It's all yours. Hindi ko na naman na sinusuot yan so go, take it. It's yours now."

Sya naman ang tinitigan ko ng marealize kong ako na pala ang nasa tapat ng laptop nya kaya tiningnan ko naman agad kung anong pinagkakabusyhan nya dito.

"AHA! Sino si Mr. Panda Guy?"

Nanlaki naman agad yung mata nya at sinarado yung laptop nya.

"That's um..just a friend." Sabi nya habang nakacrossed arms pa sya.

"Friend? Just a friend e parang close na close kayo. Boyfriend mo Ma'am?"

Nagblush naman sya sa sinabi ko. Hala sya, binibiro ko lang kinilig naman sya agad. Tss.

"Hindi no! I said he's just a friend that's all. Bumalik kana nga sa klase mo, shoo! shoo!"

Para naman nya kong ginawang pusang binubugaw.

"Ayiee si Ma'am talande." Sabi ko habang nagmamadali akong magsuot ng sapatos dahil alam kong mamamato sya sa sasabihin ko.

"Hoy!" Bato nya ng notebook pero nakatakbo agad ako palabas ng office nya habang tumatawa tawa.

-----

Pasaway na batang yun. Simula ng pagtututor ko sakanya at nasanay kaming dalawa lang palagi dito sa office, I'd say medyo naging komportable kami sa isa't isa. At pag sinabi kong komportable, palagi ko syang binabato ng kung ano ano. Ang kulit eh, kung hindi mo babatuhin hindi ka titigilan.

Hinahayaan ko narin syang humiga higa sa sofa ko kahit na nakamedyas o ano pa sya dyan, masarap naman kasi talagang humiga dun. Ginawa na nyang tambayan 'tong office ko.

Pagbalik ko sa upuan ko, nakita ko yung necklace na iniwan nya pala sa desk ko. Kinuha ko yun at parang nagflashback na naman sakin yung mga nangyari dati.

"Kawawa ka naman hindi na kita sinusuot, sa tuwing nahahawakan kasi kita pinapaalala mo sakin yung taong nagpagawa sayo."

I'm still the old Karlota, I'm still talking to the things that might have feelings.

Pinunasan ko yung crown gamit yung panyo ko dahil nagkasmudge sya ng konti at binalik ko yun sa drawer ko. Dito sa loob ng office nato sinuot sakin ni Yuji ang kwintas nato kaya dito ko lang din sya iniiwan dahil lahat ng memories namin ni Yuji, kinukulong ko sa loob ng office nato.

Binuksan ko yung laptop ko at nireplyan si Mr. Panda Guy.

Speaking of Mr. Panda Guy, nagsimula kaming magkachat nung isang gabing nachempuhan nya kong online and he kept sending messages so he can caught my attention. Luckily for him, he did and honestly, he made me smile that night.

Habang kachat sya, napansin ko yung folder na binigay ni Ms. Lina kanina. Kinuha ko yun habang sumusubo ako ng cookie sa bibig ko at halos ibuga ko rin yun agad ng makita ko yung resume na nasa folder.

"Y-yuji's applying as a Math Professor?!"

----

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon