HCMSB 27: Hermusing

781 12 1
                                    

 Skyler's P.O.V.

 "Tama na yan! Oy!", awat ko. Tama na yung nalaman ko sa araw na to. Tama na yung suntukan at sampalan at bangayan sa araw na to. Magkakaibigan kami. Hindi pwedeng masira na lang ng ganun- ganun ang mga to. Tumigil naman sa pagsuntok si Athrun kay Vyen na kasalukuyang nakahiga na sa damuhan, nagtampisaw sa ulaann-- AISH! Basta yun, huminto nga si Ath pero hawak hawak nya padin yung kwelyo ni Vyen na duguan na. Hindi sya gumaganti.

 "She even believed your promise! She waited. And gained NOTHING! Umamin ka nga Vyen, trip-trip lang ba talaga to ha? Pati tong ginagawa mong pagsira sa pagkakaibigan nating lahat.. OR  your up to something?!"  

 He isn't staring at Athrun, nakatingin sya sa ibang direction. He's up to something.. 

 "Ano?! Sumagot kaa! Don't play with others' feelings! Make up your mind NOW!"

 "YES!",Yun lang ang sagot ni Vyen.

 "What does that mean?", I asked. Eh sa di ko gets eh. 

 "I don't know, either.", sagot ni Vyen.. this time.. sya na ulit yung Vyen na tropa ko. With that, binitiwan na sya ni Athrun at tumayo na sila pareho. Lumapit agad si Felice kay Vyen at si Undrea, sakin.. dejoke, kay Athrun. It only means na.. kahit may ganitong pangyayari.. buo padin kami at handang magdamayan.. may nagawa kamang kasalanan o wala. True friends ang peg. Tapos nagsalita si Athrun, 

 "Pwes, mag-isip-isip ka na agad. Kung ayaw mong mawala yung totoong taong gusto mo." Isa pa to eh. Di ko magets ang pinagsasasabi, I mean.. Seriously?! Ang bobo ko naman ata sa storyang ito. Nagsiuwian na din kami pagkatapos ibigay ni AThrun yung.. CLOCK RECORDER ba yun?! Huma-high class! Tapos sabi nya..

 "Pakinggan  mo ang lahat ng nandyan.. Gusto kong marealize mo.. Pakuin mo na lahat ng pangako mo sa kanya, wag lang ang UNANG PANGAKO. " Teka.. SA A MIRACLE YUN AHH! Wattpadboy ang peg!? Si Athrun talaga.. tsk.. tsk.. 

 Vyen Aric's P.O.V. 

 "b-but I assure you.. I'll comeback.. I'll come back.. just for you.. and when that time come.. hinding-hindi na kita iiwanan.. I promise.. I'll be back. I'll be back, for  you, Renka Lisveth." 

"I'll wait, Vyen Aric.. I'll wait." 

"Anong pinapakinggan mo?", agad kong itinago yung clock recorder at nilingon si Nerine.

"A-ahh. Wala, bigay lang ni Mommy. Sige kain na tayo."

"Hmm sige na nga! Sabi mo yan ha, sasamahan mo ako ngayon. ^__^" 

Haaayy! Unti-unti na talagang nagbabago si Nerine. Hindi ko din maipaliwanag pero.. parang sakin na lang maayus-ayos yung pakikitungo nya. Sa totoo lang, gusto ko na ding lumayo sa kanya pero.. hindi ko magawa kasi.. AYOKONG IWAN SYANG NAG-IISA. Kahit na alam kong madami na kong nasasaktan dahil sa ginagawa ko, ok lang, ginagawa ko to para sa babaeng minsan kong minahal, na ngayo'y nagbukas ng puso ko para marealize kung sino nga ba talaga ang mahal ko. Now you know. 

Tahimik lang kaming kumakain, nung natapos ako, tumayo ako para kumuha ng tubig tapos, bigla nya na lang akong niyakap mula sa likod. Whaddahell?! 

"Aric, don't go." 

"I won't" diretso kong sagot.

"Thanks, Aric.. and sorry.."

"For?"

"For giving you so much hardships.."

"Ginagawa ko to para maging in good terms kayo ni Renka." Pagkasabi ko nun, biglang nagblangko yung expression niya. Problema nun? Ako naman, tumuloy lang sa paglagok ng tubig pero napahinto ako nung may sinabi siya.

"Please stay. I don't want you to be with Renka." sinabi niya yan sa sobrang lungkot na tono. Psh. 

"Bakit ang selfish mo?" nasabi ko yan sa kanya nang hindi ko alam kaya halatang gulat na gulat siya nung narinig yun.

"So..sorry ka.. kasi.." pinipigilan niyang umiyak. 

"Ano? Iiyak ka na naman? Dahil mag-isa ka? Eh di sana kasama mo ngayon Mama mo diba?!" Tama naman di ba? Mas masarap kasama ang family mo. Kahit ako, gusto ko ding makasama sina Mommy at Daddy. Bakit siya, parang ayaw niya? Pagtingin ko sa kanya, umiiyak na siya. Tapos tumingin siya sa akin.

"Gustuhin ko mang kasama sila, hindi na mangyayari yun!" umiiyak na talaga siya. Oo na, Si tito (papsy ni Renka) na naman ang sisisihin nya.. 

"Aric.. di ko na sila makakasama! Alam mo ba yun, ha?!?! Kaya nga ikaw nalang ang inaasahan ko eh! Please wag mo akong iwan. Please? T___T"

Ano bang nangyayari sa kanya? Napa-paranoid na sya.

"Ano bang sinasabi mo" naguguluhan na talaga ako sa kanya.

"Aric..Mama's gone.."

Tapos tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako.

"Wala na sila Aric *huk*.. Una si Papa, mas pinili nya ang ibang pamilya kesa sakin! *huk*  Tapos si Mama.. Iniwan nila ako! Sabi niya.. susunod siya dito sa Pilipinas eh! Pero bakit ganun?? Bakit pinagkakait sa akin na maging masaya? Ha?! Bakit siya naaksidente?? Sya na lang ang meron akoooo!"

"H-ha??? K-kailan pa?"

"Si.. simula nang bumalik ako ditto *huk* kabuburol lang nya sa Korea *huk* That's why I came back.. *huk* to have revenge *huk* dahil ang sakit.. ang sakit maiwan at mapagkaitan *huk*" Kaya pala. Kaya pala parang kakaiba siya. Ang laki na nga ng problema nya, mas lumaki pa. Ngayon, wala na talagang gagabay sa kanya.. dapat maging maayos na sila nina Tito.. 

I can feel her pain.

I can feel her sorrow.

"Ma! Pa! Bakit nyo ba ko iniwaaan?! *huk* Ang gusto ko lang naman makapiling kayo *Huk* Gusto kong makumpleto tayo *huk*  Gusto kong maging masaya sa piling nyooo *huk* "

Hindi ko alam kung paano siya icocomfort. Nahihirapan ako sa sitwasyon niya. Nalulungkot ako para sa kanya. Bakit ba ganun? Bakit ba lagi siyang pinapahirapan at pinapaiyak?

"Please.. *huk* wag mo muna akong iwan.. *huk* Wag mo akong iwan tulad ng mga magulang ko... *huk* ayoko nang mag-isa.. T___T"

"Shh.. Di kita iiwan.. matulog ka na.. babantayan kita..."

Kumalma naman siya kahit papano at nakatulog sa sobrang iyak. Binuhat ko siya papuntang kwarto niya at binantayan ko lang siya. Di ko namalayan na umiiyak na rin pala ako. Nasasaktan ako para sa kanya. Paano kaya kung sa akin mangyari yun? makakaya ko kaya?

Hay. Pero sana di mangyari yun.

Ayoko.

Ang bigat pala ng dinadala niya, pero nakukuha niya pang ngumiti sa akin. Ang g*go ko talaga. Bakit ba hindi ko siya magawang pasayahin?

Sorry Renka. But your sister needs me even more. 

Promise, I'll be back. Not now. But I will be back. 

Babawi ako.

Pangako.

Here Comes My Sadist Bride! [COMPLETED.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon