HCMSB 25: Bogoshipo..

814 13 0
                                    

After nung show namin, pumasok na kami. Ang hirap lang kasi.. katabi ko sila. =____=

"Renks, ano nangyari? Balita ko may liveshow daw WWE kanina", bulong ni Athrun. Chismoso talaga to. 

"Pag di ka tumahimik, kikitilin ko yang buhay mo." 

"Sungit." wala ko sa mood magkwento, tama na ang away please? T^T

Ilang sandali pa, dumating na si Ma'am First subject. Magg-good morning pa sana kami kaso pinutol nya agad, medyo badgilr ang peg? HAHAHAhmm

"Oh, class! This coming Wednesday na ang retreat nyo.", at napuno ng sari-saring bulungan sa room "Oh, oh. Nasabi ko na sa inyo yan last last week pa! Kayo talaga, ang hihina ng receptions nyo, ang babagal nyo pumick up, lagi kayong nattulog sa pansitan!" hala! naghysterical pa si Ma'am, ang haba ng litanya. haha! Di naman tumigil sa pag-iingay tong mga kaklase kong parang bano. "Lend me your ears, guys!", nagsitahimikan naman sila, "Bale, 3 days lang ang retreat nyo. Wednesday ang first day nyo, bale, sa myerkules din ang alis natin hanggang Friday. May one day pa kayo para mag READY, ditto naman ang meeting place at exactly 5'oclock. Don't worry, you'll have fun there.", fun daw? Sana nga.. t-teka, bakit di sinabi ni Athrun sakin ang tungkol ditto, since anak sya ng may-ari ng school, malamang alam nya yun diba?

"Huy! You know bout this no?", tanong ko key Ath. 

"Pag di ka tumahimik, kikitilin ko yang buhay mo."  aba! I-imitate daw ba yung sinabi ko kanina?!

"Gusto mong yung sayo ang kitilin ko?!?!"

"Aish! Di po boss, yah. alam ko to!" haha! takot >:P "..but I'm sure, di ka naman interested diba? So, why bother?" tama.. di naman ako interesadong pumunta lalo na ngayon.. HAYYYY! Pwede kayang di suma-- "Kung nagbabalak kayong wag sumama, WAG NYO NG BALAKIN PA! Requirements ko ito para makapasa kayo sa finals nyo. Obliged kayong sumama since cream of the crop  kayo, maliwanag?!" "Yes, Teacher!" PAYN! Wala na nga akong lusot! Sabi ko nga, sasama ako eh! Sabi ko nga! Tss. >_<

===

Breaktime! Ibinili ako nina Undie ng foods, coz you know, pa-special muna ko :P Kami-kami lang magkakasamang kumakain, hay! Kaunti na nga circle of friends ko, lalo pang nabawasan.. namimiss ko din naman yung samahan namin ni Nerine.. I even thought of marrying her if I was a man.. :( Buti na lang talaga, anditto padin tong mga lukaret kong kaibigan.. hindi nila ko iniiwanan.  Nung nagbell na, wala pa yung magaling naming teacher so I decided to go out muna. Gusto kong mapag-isa muna, emo-emohan lang XP 

Gumora ako sa rooftop garden, haaaayyy! Feel the fresh air *'U'* Ngayon.. naaalala ko na naman yung happy memories ng barkada.. anube? Naiiyak na naman ako :< Bago pa ko tuluyang umiyak, humakbang na ko palabas, kaso biglang MAY HUMAWAK SA BRASO KO!!! Di pala ko nag-iisa !? Yaaaahhh! Baka kung sinung manyak na itoooo! Agad kong binawi ang kamay ko pero mahigpit ang hawak nyaaa! Huhuhu. No choice na ko sa, using my free hand, sinikmuraan ko kung sino to. nagpagulong-gulong sya sa sakit dahil sa ginawa ko. bleeeehh! serves yah right :P tinakot mo ko eh. Sino ba to? Di ko kasi mamukhaan kasi.. you know  TANGA MOMENT, nung nafeel kong may nakahawak sakin, pumikit ako. Unti-unting tumayo yung tao, nakarecover na ata sa sakit. ako naman, humanda sa pag-atake, baka gantihan ako nuh. Unti-unti nyang inangta yung ulo nya, pasuspense pa, mukha syang zombie sa ginagawa nya. Sino ba--- 

"VYEN?!?!?!"

 "Ang sadista mo padin.."

 O_________O

 T__________T

  Gusto kong... gusto ko syang yakapin.. miss na miss ko na syaaa.. kahit sinaktan nya ko.. sya padin talaga.. hindi nabawasan yung pagtingin ko sa kanyaaa-- Aww! Pinitik nya ang noo kooo! T__T Pero atleast.. naglapit ang katawan namin.. 

  

  

  "Tss. Hanggang kailan mo ko tititigan?"

  

  ang lapit-lapit nya sakin, pero, di ko padin sya maabot.. so close.. yet.. so far..

  

  "Hey! I'm asking you?" Vyen.. I want to ask you, too TT^TT

Umilig-iling ako para di ko na sya titigan, ayaw nya.. OKEY!

"Wala bang klase?"

"Uhh.. W-wala pa si Teacher nung umalis ako.. kaya.. ewan ko.." napatawa sya.. NAPATAWA KO SYA! *Q* Ghad, I really did miss his laugh.. 

"Baiw ka talaga, bakit ka naman umalis, huh? Time na diba?" kung makapag-ano naman to, like HELLO! Pareho lang klase namin, kung time na, edi pareho kaming absent if ever nadun yung teacher!

"Nagpapahangin laang! Five minutes late na si Ma'am eh."

"Hmm. So.. kung babalk tayo ngayon, na-absent-an na tayo nun.. di na ko babalik." O.O parang pagkasabi nya nung di na sya babalik, tagos sa laman.. di ka na ba talaga babalik? Umupo sya dun malapit sa may pinto at tinanaw ang kalangitan.. kahit may harang na meshwire.. umupo ako sa tabi nya kahit medyo ilang.. this is it.. maaari na kong magtanong sa kanya.. kahit yung mga tanong na kinatatakutan kong sagutin nya..  eto na.. game! Renka, tatagan mo sarili mo.. magsasalita na sana ko kaso.. naunahan nyo ko.. and those words.. filled my eyes with tears.. 

"Bogoshipda.."

+++

Maikli laang. Hehe. Bawi-bawi next time :** 

Here Comes My Sadist Bride! [COMPLETED.]Where stories live. Discover now