Hindi siya sumagot kaya binalik ko ang tingin ko sa kanya. "Ikaw nga, 'no?"

Napabuntong-hininga rin siya. "E anong magagawa ko? Ang kulit niyang Zian na 'yan. Ilang beses ko rin 'yong tinanggihan no'ng hinihingi niya ang address niyo at ang number mo. Kaso ayaw talagang magpapigil. Did you know that he even threatened me?"

"W-what?"

"Oo! Sisiraan niya raw ako sa mga kliyente ko para hindi na ulit ako makatanggap ng projects. Ganoon ba talaga siya ka-obsessed sa'yo, Vannie? My God!"

Medyo nabingi yata ako ro'n. Threatened?

I couldn't believe Zian did that! Pero imposible rin namang magsinungaling sa 'kin ang pinsan ko. Kahit ako kasi nagawang i-blackmail ni Zian—na siyang pinagtataka ko.

He's not like that before. I don't know what happened to him now. Ganoon rin ba siya nasaktan sa mga nangyari sa amin noon? Sa pangbabaliktad sa kanya ng asawa ko? Nakakaya niya na ngayong gumawa ng mga bagay na hindi niya maatim gawin noon.

Mas lalo tuloy akong nag-alala at kinabahan para kay Allen.

Kung ganoon na pala kalalim at katindi ang galit nila sa isa't isa, mas lalo ko silang dapat pigilan. Tutal, napapa-paranoid na rin naman ako. Ayokong pumirmi lang dito sa kama, habang sila ay nagbabasagan na ng mukha sa labas. I have to do something to stop them.

Walang takot ko nang inalis ang swerong nakatusok sa kamay ko at pinilit na bumangon ng kama.

Nataranta naman si Leila sa ginawa ko. "My God! What do you think you're doing?" Pinigilan niya ako sa pagbangon.

"I can't just lay here," sabi ko. "Pupuntahan ko sila."

"What! Are you crazy? Bawal kang lumabas dito sa kwarto."

"Hindi ako pwedeng manatili lang dito, Leila!" Tuluyan na akong bumangon ng kama at inayos ang suot kong puting hospital gown.

Pero mabilis pa rin akong hinarangan ng pinsan ko. "Woah! Don't you dare leave. May sakit ka. Tsaka hindi ka nila kailangan do'n. Baka madamay ka pa."

Tiningnan ko na siya nang masama. "Akala ko ba kakampi kita? Bakit mo ko pinipigilan? E kung samahan mo na lang kaya ako."

Natigilan siya. Parang ang tagal nag-sink in sa kanya ng inasal ko. Maya-maya lang ay umalis na rin siya sa pagkakaharang sa 'kin. "Fine."

Wala na akong iba pang sinabi at agad na akong lumabas ng kwarto. Nakasunod lang sa 'kin si Leila.

Napansin nga agad kami ng mga nurse dito sa floor at gusto pa nila akong awatin, pero hindi ko sila pinansin at dumiretso lang ako. Halos tumakbo na ako papuntang parking lot, habang hawak-hawak ang balikat ko. Wala na akong pakialam sa itsura ko, sa kung sinong mabangga ko, at sa mga nakatingin sa 'kin. Basta pupuntahan ko ang asawa ko.

• • •

PAGKARATING NAMAN NAMIN ni Leila sa parking lot, tila nanigas na lang ako sa naabutan ko.

Napatulala lang ako at wala akong ibang naririnig kung 'di ang mga pagmumura at tama ng mga suntok ni Zian sa mukha at sikmura ni Allen.

"Zian!" sigaw na ng pinsan ko. "Tama na!"

Doon lang ako nabalik sa sarili.

Nakatakbo na pala si Leila kay Zian at pilit na itong hinihila palayo kay Allen.

Agad na rin akong tumakbo papunta sa asawa ko. Halos malimutan ko nang namamaga at masakit ang balikat ko.

Sumalampak ako sa sementong sahig sabay hinagkan ang mukha niya paharap sa 'kin. "Allen, h-hey, hey."

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko na ang itsura niya. Saglit akong napapikit nang madiin. Hindi ko yata siya kayang tingnan sa ganitong ayos.

Putok ang labi niya at nagdudugo ang mga galos niya sa mukha. Hindi ko alam ang gagawin! Takot ako sa dugo. Ni hindi ko nga alam kung saan ko ipi-pwesto ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung anong una kong hahaplusin—kung yung mukha niya ba na puno ng sugat o 'yung sikmura niya na yakap-yakap niya dahil namimilipit na siya sa sakit.

Napaiyak na lang ako sabay lingon nang pagalit kay Zian. "What did you do? Look at him!"

"Tama lang 'yan sa kanya. Kulang pa nga 'yan sa lahat ng mga pananakit niya sa'yo."

"You don't have to do this to him. He is still my husband! Tigilan mo na lang kasi kami, pwede ba?"

"Husband?" Tila natawa pa siya. "You call him your husband, but he never treated you as his wife."

Pasagot pa lang sana ulit ako, pero hindi ko na nagawa dahil naramdaman ko 'tong si Allen na parang tatayo na.

Inalalayan ko siya. Pero pilit niya naman akong tinutulak palayo.

"Allen, no," sabi ko sa kanya. "Hindi mo na kayang lumaban."

Si Zian naman, hindi pa rin tumigil. Dinuro nito ang asawa ko na hinang-hina na ngayon. "Alam mo ba kung bakit ka pinagpalit ni Vanessa? Kasi wala kang kwentang tao! Alam mo ba kung gaano naging miserable ang buhay niya nang ipakasal siya sa'yo?"

"Zian, please!"

Pero nagpatuloy pa rin ito. "Simple lang naman ang gusto ni Vanessa, pero hindi mo naibigay. You didn't love her, and I did! Wala ka naman talagang ibang alam gawin kung 'di ang saktan siya. Tapos ngayon sasabihin mo sa 'king mahal mo siya. Fuck! You don't destroy the person you love!"

"Zian, tama na kasi, ano ba!"

Naaawa na ako sa asawa ko. Call me a martyr all you want, but my husband doesn't deserve this kind of pain.

Allen's entire body is trembling now, I could feel it. Halos yakapin ko na nga siya para kumalma siya. "Shh. . . tama na," bulong ko sa kanya habang hinahaplos siya sa balikat

"Nagsisisi nga si Vanessa na pinakasalan ka niya," dagdag pa talaga ni Zian. "Alam mo ba, sinabi niya sa 'kin noon na sana ako na lang daw ang pinakasalan niya at hindi ikaw!"

Pinanlakihan ako ng mga mata! I couldn't believe he said that! Hindi ko sinabi sa kanya ang mga bagayo na 'yon para gamitin niya ngayon laban sa asawa ko. Sa ginagawa niya, pati ako sinasaktan niya.

Lumipat ang tingin ko kay Allen nang mapansin kong nakatitig na ito sa 'kin. Bakas ko ang lungkot at galit sa mga mata niya, na para bang ang bigat-bigat ng loob niya.

"Is that true?" seryosong tanong niya sa 'kin.

Nabigla ako at hindi nakasagot. Tumingin muna ako kay Zian, tapos muling binalik ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung papaano ko siya sasagutin.

"Answer me."

Napapikit na ako. "Allen, I-I didn't mean it that way—"

Hindi niya na ako pinatapos sa pagsasalita. Umiwas siya ng tingin at dahan-dahan na lang na tinanggal ang mga kamay ko na nakakapit sa kanya. Ang bigat sa pakiramdam na unti-unting dumudulas ang mga kamay ko palayo sa kanya.

"Allen naman . . ." Halos pumiyok na ako nang sabihin ko 'yon. Kumapit ulit ako sa kanya, pero inilayo niya lang ulit ang mga kamay ko.

"I'm tired, Vanessa. If you want to go with him, then go."

And just like that, he stood up and walked away.

Naiwan akong nakatulala. Matagal bago tuluyang nag sink-in sa utak ko ang sinabi niya.

Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kalungkot. Gusto kong humagulgol. Gusto ko siyang habulin at yakapin. I even tried to call him, but there's no voice coming out of my mouth. Wala na akong ibang magawa kung 'di ang tumitig na lang sa likod niya habang siya naman ay hinang-hinang naglalakad palayo sa 'kin.

Naramdaman kong humaplos na si Leila sa likod ko. May sinasabi siya sa 'kin, pero hindi ko na maintindihan. Parang wala na akong naririnig.

Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko pinamimigay na ako ng asawa ko?

• • •

A Wife's CryWhere stories live. Discover now