Chapter Seventy One

Começar do início
                                    

Ang ganda mo Musika, sayang...
Talo na ba 'ko?

Patay na patay ka naman sakin dati diba? Di ko na ba maibabalik yun? Di ka na ba nabibighani sa kagwapuhan ko? T*ngina lang, kung kelan nandun na eh saka naman mawawala! Badtrip! Pumunta pa 'ko sa party na 'to.

P*ta, makapaghanap na nga lang ng bagong chix!

Umalis ako at naglibot hanggang sa may nahanap akong babaeng nag-iisa. Foreigner, nice!

"Hey..."
Napatingin siya sakin. Mukhang badtrip rin siya ah. Teka, mapapasabak ako sa English neto!

"What's your name?"
Gusto ko lang ng kausap talaga, tsaka ang ganda niya. Artistahin.

"Why do you mind asking?"

Dumugo yata ilong ko!
BRETESH EKSENT!

"Uhm, you know... To get to know you?"

"Whatever." Inirapan niya lang ako, amp!
"Are you drunk?"
"That's not my name."

Okay. Nag joke siya. Ha ha ha?

"I'm Russel."
"Rain."

"Rain go away?"

"What the f---?!"

"Just joking!"
"Well it's not funny! And you're pissing me off."

"I was just trying to be friendly--"
"Go away. There's lots of people out here so don't bother talking to me."

"Sungit."

"Ikaw masungit."

Nanlaki mga mata ko nang magtagalog siya.

"Pucha! Marunong ka naman palang megtsegeleg tapos pinapahirapan mo pa ke!"

Bigla naman siyang natawa.
"You're pretty funny!"

"No, I'm Russel."
"Whatever."

Well, napatawa ko naman!

"So, are you friends with that guy up there?"

Nilingon niya si Trystan na kumakanta kasama ang banda niya.

"Yep. We're friends. Why?"
"Just asking."
"So... Where 'ya from?"

"UK."

"Ukay-ukay?"

"Bugger off."

Aray ko po. Ang hirap kausapin ng babaeng 'to. Makasibat na nga!

"Sorry naman. So you're half Filipino?"

"Nope. I'm pure British and if you are going to ask why I can understand tagalog it's because we, I mean my family used to live here years ago and we're friends with Trystan's Step Dad. My parents and his are business partners."

P*tang ina, dumudugo ilong ko!

"And what's with that face?"

Nagtaka siya sakin. Tae, di ko namalayan expression ko.
"So... yeah. Trystan and I became good friends, I guess."

"Ohhh I see..."

"Yeah and it pisses me off when I get to see his face, again." Nakasimangot siyang uminom sa alak na hawak niya.
"Why's that?" Tumawa lang siya. "Are you even allowed to drink?" Asar ko naman. "Nope."

Mukha akong dagang nagpupumilit mag-ingles dito habang kausap ko naman ay isang pure british na parang prinsesa.

Yun bang nandito ka, nakikipag-usap sa isang napakagandang babae tapos biglang pumasok yung mukha niyang nakangiti sa utak mo?

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Onde histórias criam vida. Descubra agora