Maliban sa ayaw niya kay Allen ay ayaw niyang magpatali. Leila was an eager lady. Marami siyang gustong gawin at maabot sa buhay. At pakiramdam niya, ang pagpapakasal ang maglalayo sa kanya sa mga bagay na gusto niya. Kaya pinaubaya na niya sa 'kin ang lahat. Nakiusap siya na ako na lang ang magpakasal dahil alam niya namang gustong-gusto ko na si Allen simula pa noon.

Hindi ko pinagsisihan ang pagpapakasal ko. Halos magpasalamat pa nga ako kay Leila noon dahil lumayas siya, at ako ang sumalo sa responsibilidad na dapat sana ay kanya.

Nagdadalawang-isip pa sila Mama noon kung itutuloy nila ang fixed marriage. They thought I was too young back then to enter a married life. I was just 22 when I married Allen. Kaka-graduate ko pa lang sa college. But they had no choice.

"Nagugutom ka ba?" bigla naman nang tanong ni Leila sa 'kin. Nakatayo na siya rito sa tabi ng kama.

"Hindi pa naman," sagot ko.

"Kumain ka nitong prutas kahit kaunti lang."

Tumango ako at pinagmasdan na lang siya habang naghihiwa siya ng mansanas.

Minsan, hindi ko maiwasang hindi mainggit dito sa pinsan ko. She was free to do anything she wanted, while me, I'm stuck in a broken marriage na hindi ko alam kung maayos pa.

Kung kasing tapang niya lang sana ako, aalis din ako at iiwanan ko si Allen. Pero hindi e. I can't bear to lose my husband. Ni hindi ko nga kayang makita siya na may kasamang ibang babae.

"O, kain ka na." Bigla na akong inabutan ni Leila ng isang hiwa ng mansanas.

Tinanggap ko at kinain.

"Dapat magpagaling ka agad," sabi niya. "Malapit pa naman na ang birthday mo. Ngayon ka pa na-ospital."

Huminga ako nang malalim. "Oo nga e."

"Ano pa lang plano mo? Saan ka magsi-celebrate?"

"Hindi ko pa alam. Pero gusto ko sanang umuwi kina Mama."

"Papayagan ka naman kaya ng asawa mo?"

"'Yon nga e. Baka hindi. Hindi pa rin ako nakakapagsabi sa kanya." Sinandal ko ang ulo ko at tumuloy sa pagkain ng mansanas.

Habang ngumunguya, bigla naman akong may naalala. "Leila, ano palang sabi ng doktor. Bakit bigla akong nawalan ng malay kagabi? Ano raw sakit ko?"

"Katangahan." Sabay tawa niya.

Tiningnan ko lang siya.

"Joke!" bawi niya naman agad. "Joke lang. Over fatigue raw. Alam mo, parang gusto ko ngang kwestyonin 'yong doktora nang sinabi niya 'yon eh. Over fatigue? Nasa bahay ka lang naman, papaano ka na-over fatigue? Masyado ka talagang pinapagod niyang asawa mo, 'no?" Umiling-iling pa siya na halatang dismayadong-dismayado talaga siya sa diagnosis ng doktor.

Bumaba naman ang tingin ko sa tiyan ko at hinaplos ito. "Akala ko buntis ako."

Bigla ulit siyang natawa, kaya binalik ko agad sa kanya ang tingin ko. "Bakit mo ko tinatawanan?"

"Gaga ka kasi! Paano ka naman mabubuntis? E 'di ba sabi mo, may hormonal problems ka?"

"Magaling na ako. Regular na ang period ko ngayon at alam kong posible na akong mabuntis."

"So gusto mong mabuntis? Bakit, tingin mo kapag nabuntis ka, magiging mabait na sa'yo ang asawa mo?"

"Bakit naman hindi?"

"Sus! Ano 'yon, kailangan mo pang mabuntis para lang maging mabait siya? Sorry for the word ha, but that's bullshit. He is your husband. Hindi ba obligasyon niyang maging mabait sa'yo?"

A Wife's CryWhere stories live. Discover now