Tumango ako. "He's back. Bigla niya akong pinuntahan sa bahay at binlackmail. Wala talaga akong nagawa kung 'di makipagkita. Nalaman ni Allen kaya nagalit na naman siya."

"Kaya ka niya sinaktan ng ganyan?" Tinuro niya ang balikat ko. "Vannie, kahit pa may kasalanan ka, wala pa rin siyang karapatang pagbuhatan ka ng kamay. Para siyang hindi lalaki!"

"Ako naman ang nagti-trigger sa kanya e. Galit na galit talaga siya sa 'kin, Lei. I could see it in his eyes last night. If only he has the heart to listen. Kayang-kaya ko namang magpaliwanag sa kanya. Alam kong mali ang ginawa ko, hindi dapat ulit ako naglihim. Pero kaya kong ipaintindi sa kanya ang pagkikita namin ni Zian. Naipit lang naman talaga ako."

"Naku Vannie, kahit na anong paliwanag ang gawin mo diyan sa asawa mo, hindi 'yan makikinig. Sarado ang isip niyan. Ikaw naman kasi, ang kulit mo rin. Matagal ko nang sinasabing hiwalayan mo na 'yang si Allen. Hindi ka mananalo ng award sa pagiging martir mo."

Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Ayan na naman siya. Parati na lang niya 'yang sinasabi sa 'kin. Actually, parati na lang ito ang topic namin sa tuwing nagkikita kami.

"Don't tell me hindi mo pa rin talaga siya kayang hiwalayan?" tanong niya.

"You know I can't. Hindi naman ako kasing tapang mo."

"Hindi mo kaya kasi mahal mo?"

Tumango ako.

"Mahal mo nga, e hindi naman kayo masaya. 'Di ba sayang lang? 'Yan ang drawback ng arranged marriage at ng pag-aasawa nang maaga e. Kung ako talaga sa 'yo, makipaghiwalay na ako. Bata ka pa, Vannie. Sobrang dami pang pwedeng mangyari sa 'yo.

Pumikit ako. "Okay naman si Allen. Mahirap lang talaga siyang kapain tsaka mabilis uminit ang ulo niya. Pero okay naman siya basta sumunod lang ako sa lahat ng gusto niya."

"Pwede ba, wag mo na nga siyang ipagtanggol. We both know he's not okay. All these aren't okay. 'Yang mga pananakit niya sa'yo, normal ba 'yan? Tsk, ewan ko na talaga sa'yo. Bakit kailangan niyong pahirapan ang mga sarili niyo nang ganyan. Maghiwalay na lang kasi kayo. If you really want it, kayang-kaya niyo namang ipawalang bisa ang kasal niyo in just a snap. Para saan pa ang pera niyo?"

"I don't think annulment is the right solution. Alam kong darating ang araw at magiging maayos din kami. One day, he will learn to completely forgive me."

"Kailan naman kaya 'yan? Baka mas mauna pang pumuti ang uwak." Bumuntong-hininga siya sabay ikot ng mga mata. "Ang kitid din kasi niyang pag-uutak ng asawa mo e. Oo nga, nandoon na tayo, you were wrong because you had an affair with his friend. Pero my God, Vannie, hindi niya ba man lang talaga kayang magpatawad? Kung magtanim siya ng galit, akala mo perpekto siya. He makes mistakes too, right?"

"You know the entire story, Lei, and that's not easy to forgive and forget. At least for his part. Kung nakita mo lang sana ang reaksyon niya noon. Akala ko talaga papatayin niya na kami ni Zian."

Umiling-iling siya na para bang hindi niya na alam kung ano pang dapat sabihin. "I don't know. I don't think I could ever understand your husband. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niyang asawa mo. Umpisa pa lang alam ko na talagang may attitude problem 'yan e. He's a sick man! Buti na lang talaga hindi ako pumayag na magpakasal sa kanya."

I closed my eyes again and gave my mind a rest.

The way she said the last few lines, it made me realize how complicated my life is.

Si Leila talaga ang dapat ipakakasal kay Allen at hindi ako.

One of us had to marry the heir of Fajardo's businesses para lang mabuhay ang mga hotels na pagmamay-ari ng pamilya namin. At dahil siya ang pinakamatanda sa aming magpi-pinsan, siya ang napili para gawin 'yon. But Leila's tough in nature. Nag-rebelde ito at tumakas papuntang Paris para hindi siya tuluyang maipakasal kay Allen.

A Wife's CryWhere stories live. Discover now