Looking Back

9.6K 136 20
                                    

Well hindi ko na mapigilang magsulat.. Baka kasi awala nanaman sa utak ko to..

 

Enter Nico's thoughts

________________________________________________________________________________

Past will remain in the past but the pain will haunt you in the present.

The only way to get over the past is to cut all ties involving it.

“Nico nabu-bwisit na ako diyan kay Jessie ah,” sabi niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa mall.

“Sino ba ang hindi?” sabi ko.

“Nakakabadtrip na eh!” daing niya. “Isipin mo iyon nagkaroon kami ng bagong subject dahil sa kanya.”

“Subject?” tanong ko.

“Oo, ang subject namin ni Rhianne ay ang ‘Buhay ni Nico Delgado’ and I assure you pati oras ng pagligo mo ay alam ko na. Dagdag mo na rin ang way kung paano ka tumae sa inodoro.” Napanganga nalang ako sa sinabi niya.

“This has got to stop,” sabi ko sa kanya.

***

Umuwi na ako sa bahay namin at dumiretso sa kwarto ko.

Iniisip ko pa rin kung paano ko mapapatigil si Jessie. Umupo ako sa table ko at nakita ko doon ang picture frame na nakataob. Tinignan ko iyon, picture namin ni Jessie. Napabuntong hininga ako.

Bakit ba may mga bagay na sadyang hindi mo makalimutan?

When I look back from the past. It hurts me big time.

Back then we were very happy. Eventhough my heart waous breaking.

I don't even know why we ended up in  this place. This painful place.

Bakit ba kami nagkaganito?

Feeling ko ako ang may kasalanan..

Kung di siguro ako nagtapat at lumayo hindi magkakaganito ang sitwasyon namin.

We both look so pathetic.

She's chasing me while I'm trying to get away from her.

Alam mo yung feeling na pagnaalala mo yung mga nangyari dati eh nadidisappoint ka lang dahil nakikita mo yung kalagayan niyo ngayon?

From before we were like a strong tall tree. And now? Daig pa namin ang binagyong puno na tumumba at ginawa nalang na panggatong.

I wish I could enter her thoughts. I want to know what she's thinking. To know why the heck is she doing all of this Puro "bakit?" lang ang nasa utak ko.

Ano ba yan?!

I was looking at our picture. We looked so happy.

Hindi ko na maalala kung gaano kami kasaya dati. Hindi ko na maimagine kung paano kami tumawa dati. Basta ang alam ko mas masaya kami dati.

Ngayon? Wala na. Ang alam ko nalang eh sinasaktan namin ang isa't isa sa mga pinaggagagawa namin. Pagpinipicture ko sa utak ko ang sitwasyon namin. My heart breaks. Hindi ko na maintindihan. Ang sakit sa ulo.

Nakakapagod.

Nakakasawa.

Sawang sawa na ako sa mga ganitong bagay.

I have to end this.

Pero ang tanong... Paano?

Paano ko pipigilan ang isang taong ayaw magpapigil?

Isa nalang ang naisip ko na paraan.

***

Pagpasok ko sa school ay pumunta agad ako sa room namin. Doon ay nakita ko agad si Rhianne. Ngumiti ako nang nakita ko siya. Idagdag mo pa sa kasiyahan ko na wala pa si Jessie.

Tinabihan ko siya. “Nico,” ngumiti siya sa akin. Isang ngiti ngayon ko lang uli nakita ng malapitan. It made me really happy.

“Rhianne, lalayo muna ako sa iyo.” Sabi ko sa kanya at mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Damang dama ko sa kanya ang pagkalungkot niya sa narinig niya.

“Bakit naman Nico?”

Pinaliwanag ko sa kanya na iyon nalang ang naiisip kong paraan para tigilan na kami ni Jessie. Kayalang naman kasi lumalapit si Jessie kay Rhianne ay dahil gusto niya akong makasama. Sinabi ko na gagawin ko iyon para matigil na ang kabaliwan ni Jessie.

Pinangako ko rin sa kanya na hindi pa rin mawawala ang communication naming dalawa. Itetext at tatawagan ko pa rin siya, saka chat sa Facebook. Pero pagdating sa school ay hindi ko muna siya lalapitan.

Masakit man sa akin pero ito nalang ang naiisip kong paraan para tumigil na si Jessie.

Hinawakan niya ang kamay ko. “Naiintindihan ko Nico, pero ipangako mo sa akin na walang kalimutan ah.” Sabi niya sa akin.

“Oo naman mahal na mahal kita, eh” ngumisi ako.

“Sige,” ngumiti lang rin siya sa akin.

Maya-maya narinig ko na ang mga sinumpang kataga, “BFF!” Pumasok si Jessie sa room. Paglapit na paglapit niya naman ay tumayo na ako. Sinadya kong iparinig kay Jessie ang mga sasabihin ko kay Rhianne.

“Rhianne, ayoko na. Pasensya na.” Ayun lang ang sinabi ko at pumunta na ako sa upuan ko na nasa harapn lang ng upuan nila.

Umupo na si Jessie sa tabi ni Rhianne. Narinig ko pang bumubulong siya na tinatanong ang tungkol sa sinabi ko. Pero hindi sumasagot si Rhianne.

Sa pag-ibig ay kailangan mo ring masaktan para matutunan mo kung ano ang tunay na pagmamahal.

End Chapter

Ako nga pala si Tanga [Edited] [Completed]Where stories live. Discover now