Waves

10.3K 147 45
                                    

Muntik muntikan na akong ma-writer's block.. Buti nabasa ko yung journal ko.. ^____^

Pakiabasa yung author's note sa pinaka baba..

Super fast forward nga pala to.. Nag jump ba yung interval.. Wala talaga akong balak maglagay ng POV ng ibang characters.. Parang styl nito eh journal ni Nico.. At ang lahat eh puro sa point of view niya lang..

________________________________________________________________________________

Pag nawala ang alon sa dagat, may paparating na tsunami.

Simula noong birthday ko ay wala hindi ko na masyadong napagkikita si Jessie. Naging matahimik na ang paglipas ng mga araw ng school year ko.

Nagtanong rin ako kay Rhiann kung pu-pwede ba akong manligaw sa kanya pero hindi niya ako pinayagan. Ayaw niya pa kasi raw magpaligaw, wala pa sa isip niya iyon. Pero sweet-sweet-an kami palagi. Kahit basted ako ay ayos lang. Saka dagdag pa doon ay hindi niya ako pinaasa.

Gaya nga ng sabi ko lumipas lang ang mga ataw ko ng sobrang dalisay at tahimik. May mga pagkakataon na nakakasalubong ko si Jessie sa school pero hindi na rin kami nagpapansinan at masaya ako dahil doon.

Dumating ang bakasyon at masaya rin itong lumipas dahil lagi kaming naggagala ni Keito at lagi niyang sinasama si Rhianne. May mga araw rin na kami lanng ni Rhiane ang magkasama.

Pumasok na ang bagong school year.

Sabay kaming naglalakad ni Keito papasok ng school/

“Akalain mo iyon? Katatapos lang ng school year ay panibago nanamana agad? Hindi pa ako nakakapagpahinga papalayo mula sa nakakasawa mong mukha makikita nanaman kita.” Sabi sa akin ni Keito habang kami ay naglalakad papunta sa bago naming room.

Sinimangutan ko siya at sumagot ako, “The feeling is mutual pre.”

Nakarating na kami sa room namin. Ang isa sa pinakamalas na room dito sa campus dahil katabi lang ng faculty. Ibig sabihin ay bawal masyadong magulo.

Pumasok na kami.

Pagpasok ko ay bumungad agad sa akin ang taong pinaka-ayaw kong makita. Si Jessie. Tapos ang malala pa ay katabi niya ang tao na pinakagusto kong makita, si Rhiane. Nandilat ang mata ko nang nakita ko siya. “Ano ang ginagawa mo rito?!” tanong ko sa kanya.

“Hi Nico,” sabi niya sa akin. Lumabas pa ako ng pinto para masigurado kunng tama ang room na pinasukan namin at tama nga ako.

Hinatak nalang ako ni Keito papalayo sa kanila.

“Ano ang nangyayari Keito? Bakit nandito siya? Bakit kausap niya si Rhianne? Bakit close sila?” tanong ko sa kanya habang iniupo niya ako sa dulong upuan.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Isang bangungot ang taon na ito. Ibig sabihin ay kaklase na namin si Jessie! Hindi pwede!

Nagsimula na ang klase at iniayos ang upuan naminn ng teacher. Ang kinalabasan ay magkatabi si Keito at Rhianne dahil magka-apelyido sila, Guzman. Pero ang ginawa ng teacher ay pinagitna sa kanila si Jessie dahil baka raw magkophayan raw sila dahil sila ay magpinsan. Sumimangot ako dahil inaakusahan niya na baka mangopya si Rhianne.

Ako naman ay sa kasamang palad ay naupo sa harapan nila.

Dumating ang lunch beak nagkatinginan kami ni Rhianne at aayain ko sana si Rhianne na sabay kami maglunch kaso bigla akong inunahan ni Jessie. “BFF tarav sabay tayo maglunch!” sabay hinatak niya si Rhiane papalayo sa akin.Si Rhianne naman napalingon sa akin habang hinahatak siya ni Jessie papalayo.

Ako nga pala si Tanga [Edited] [Completed]Where stories live. Discover now