Pictures

9.3K 145 39
                                    

Hello pasensya kung hindi ko to agad na-update.. Medyo ayos na pakiramdam ko.. Ayaw ko talagang nagkakasakit.. ERRR.. =____= hahaha anyway.. Let's start..

_______________________________________________________________________________

A picture paints a thousand words.

Excited akong naglakad kasama si Keito papunta sa bahay ni Rhianne. Dala dala ko ang isang malaking stuff toy na “Domo-Kun” ayunn kasi ang favorite na character ni Rhian. Hindi ko na pinabalot o nilagay sa paper bag ang regalo ko, sa tingin ko kasi mas sweet kung makikita niya na hawak hawak ko iyon.

Nai-imagine ko na ang reaksyon niya. Makikita niya ako at magi-sparkle ang buong paligid. Ngingiti siya na parang anghel tapos yayakap siya sa akin na parang mahigpit tapos magpapasalamat siya sa regalo niyang matatanggap tapos sasagutin niya na ako. Kaso hanggang imagination ko lang iyon. Asa naman ako na gawin ni Rhianne sa akin iyon. Isang bagay na napaka-labong mangyari. Hindi naman kasi ganoon ka showy si Rhianne.

Nandito na kami sa tapat ng gate nila Rhianne . Sarado ang gate at walang butas, kaya hindi mo makikita ang nasa loob. Pinindot ni Keito ang doorbell. Narinig namin na may tao na papalabas. Inihanda ko na ang matamis kong ngiti na ipapakita ko kay Rhiane.

Narinig na namin na may nagbubukas ng gate at nawala ang ngiti ko ng nakita ko kung sino ang nagbukas nito. Si Jessie.

Sinalubong niya kami ng isang masayang ngiti. Ako naman ay simangot ang naibigay ko sa kanya.

“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya.

“Birthday ng BFF ko, alangan namang mawala ako diba?” sagot niya. Pakiramdam ko ay may binabalak siyang gawin na masama.

“Ineteresting. Let’s just hope na wala kang gawing masama ngayong araw,” sabi ko at pumasok na kami ni Keito.

Pagpasok ko sa bahay ay sumalubong agad sa amin ang mga kaklase namin. Yung iba sa kanila ay yung mga nakasama ko rin sa birthday ko. Lahat naman ng nandito ay malalapit sa akin saka kay Keito, maliban nalang kay Jessie. Si Rhianne lang ata ang kaibigan niya sa mga nandito.

Hinanap ko agad si Rhianne at nakita ko siya sa kusina na kumukuha ng ice cream sa ref. “Happy birthday!” bati ko sa kanya habang itinaas ko si “Domo-Kun” para makita niya. Nakita ko ang ekspresyon ng mukha niya. Nagulat at tuwang-tuwa.

“Nico!” lumapit siya sa akin at niyakap si Domo-Kun. Bwiset na stuff toy dapat sa akin yung yakap na iyon eh. “Salamat ng marami!” niyakap niya rin ako. Para naman akong nagyelo na hindi makagalaw sa sobrang saya dahil niyakap niya ako.

Naputol ang pagyakap niya sa akin ng biglang may nagsalita, si Keito. Panira ng moment! “Ayieee! Sila na!” sabi ni Keito. Dali dali namang nagsulputan ang mga kaklase at kaibigan namin sa kusina dahil sa narinig nilang balita. Lahat ata ay pumunta maliban kay Jessie.

Napakamot nalang ako ng ulo. “Ikaw talaga Keito!” sabi ko.

Umakbay sa akin si Keito, “Insan bakit ba kasi hindi mo pa sagutin itong si Nico? Alam mo namang mahal na mahal ka niyan.” Naghihiyawan pa yung mga kaklase namin.

“Bukas ko nalang siya sasagutin, hapon na eh,” namumulang sabi ni Rhianne habang nakangiti.

“Oh tandaan mo na Nico, bukas ang monthsary ninyo ni Rhianne,” sabi niya akin.

Ngumiti lang si Rhianne at naghiyawan ang mga tropa namin. Ako naman ay nahihiya, na natutuwa na hindi ko maipaliwanag.

***

Sinindihan na na ni Keito ang kandila sa cake. Tapos kumanta na kami ng ‘Happy Birthday’ after noon ay nag wish na si Rhianne at hinipan niya na ang mga kandila. After noon ay kumain na kami.

Ako nga pala si Tanga [Edited] [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt