Siya nga Pala si Manhid

14.9K 197 23
                                    

“Nico!” sigaw niya sa akin habang pababa ako ng hagdan sa main building.
“Uy Nico mag-usap naman tayo!” hindi ko pinapansin ang pagsigaw niya. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong makalayo sa kanya.
"Nico!!" Halata sa tono niya na nauubusan na siya ng pasensya.
"Leche naman oh!! Nico!!" Ginamit niya na ang salitang “leche” ibig sabihin galit na siya. Kabisang kabisa ko na ang ugali ni Jessie. Simula ng nagkakilala kami ay walang pagbabago.
"Hoy Nico!!!" Tiisin mo lang Nico! Kayanin mo!
"Nico!!! Ano ba?!" Sa totoo lang ay ang bilis na ng tibok ng puso ko.
"Pagkatapos mo akong halikan iiwasan mo ako!!" Nakuha na naming dalawa ang atensyon ng tao sa hallway.
Natigilan ako sa paglalakad dahil sa ibinulgar niya na sigurado ako ay narinig ng mga tao sa hallway. Buti nalang at kakaunti lang sila dahil uwian na.
“Ano ba ang gusto mo?” tanong ko sa kanya. Hinarap ko siya at nakairap siya sa akin.
“Gusto kong malaman kung bakit mo ako hinalikan.” She was demanding an answer.
Alam naman namin pareho ang sagot sa tanong niya. Kahit sabihin ko ngayon ang tunay na dahilan ay hindi niya rin iyon tatanggapin. Sasabihin niya lang ang famous line niya na minsan na niyang sinabi sa akin nung unang beses na nagkalakas ng loob akong magtapat sa kanya. Ang linya na: “Masyado kong pinapahalagahan ang pagkakaibigan natin kaya natatakot akong maging tayo. Baka magbreak lang tayo bandang huli at masira ang pagkakaibigan natin.” Gasgas na gasgas pero ang epekto, wagas!
“Hinalikan kita dahil gusto kong tikman ang flavor ng lip gloss mo,” sabi ko sa kanya. Seryoso ang tono ko pati ang mukha ko pero halata naman na nagloloko lang ako.
“Ah ganun ba? Bagong bili ang lip gloss ko sa eh,” sabi niya. Alam kong nagtatanga-tangahan lang siya. Ayaw niya lang tanggapin na ginawa ko iyon dahil gusto ko siya.
Tinalikuran ko na siya, “Sige aalis na ako,” sabi ko at lumayo na ako sa kanya.
Hindi niya na rin naman na ako sinundan.
Ang bestfriend ko na si Jessie. Isang dakilang manhid. Papaniwalaan niya ang pinakawalang kwenta kong rason kaysa ang totoo na mahal ko siya hindi lang bilang isang bestfriend.
Isa rin siyang babae na madaling paniwalain at madaling magtiwala, kaya pag naloko at nasaktan ay kulang nalang eh magpakamatay.
Simula ng araw na iyon ay hindi na kami nagpansinang dalawa. Ang awkward kasi ng sitwasyon namin. Pagnagkakasalubong kami sa school ay ngitian nalang ang ginagawa namin. Tapos di naglaon ay hindi na kami nagpapansinan.
Naisip ko na mas ayos na rin ang ganito. Atleast hindi ko na maririnig ang mga kwento niya tungkol kay Ken, ang dakila niyang boyfriend. Hindi na ako masasaktan at magmumukhang tanga. Magkakaroon na ako ng pagkakataon na makalimutan siya.
Pero sa totoo lang ay namimiss ko na siya. Gusto ko na uli siyang makasama. Gusto ko nang makipagtawanan at makipagkulusan sa kanya. Gusto ko na siyang makasabay sa pag-uwi.
Kaso ayaw ko ng masaktan.
Bakit ba kasi si Ken pa ang pinili niya? Bakit ba kasi ang bagal ko kumilos? Bakit ba kasi hanggang bestfriend lang ang tingin niya sa akin ni Jessie? Bakit ba ang manhid niya? Bakit ba mahal na mahal ko siya?

[End Chapter]

Ako nga pala si Tanga [Edited] [Completed]Where stories live. Discover now