Boomerang

11.1K 188 37
                                    

Since maraming nagrerequest nito eh sige, ito muna uupdate ko.. ^___^

Maiksi lang to.. Hehehe pasensya na update nalang uli ako tomorrow..

_________________________________________________________________________________

Alam niyo ba iyong boomerang? Alam niyo naman siguro iyon diba?

Pag binato mo ang boomerang papalayo, babalik sa iyo. Pero malamang pag hindi mo nasapo at natamaan ka.. MASAKIT IYON! Ibato mo man ng ibato iyon papalayo ng paulit-ulit, babalik at babalik iyon sa iyo.

Naging close kami ni Rhianne, kahit medyo tahimik siya sa conversations ay gusto ko pa rin siyang kasama. There’s something about her that makes me smile every single day, kaya gusto ko siya laging nakikita. Dahil sa kanya lagi na akong pumapasok sa school. Hindi na ako nagcu-cutting. Naeenganyo pa ako marecite sa klase para lang mapansin niya ako. Ngayon lang ako naging ganito ka-enganyo sa klase.

Uwian.

“Rhianne, sabay tayo umuwi,” magkalapit lang kasi ang bahay namin ni Rhianne. Ang swerte-swerte ko talaga.

“Sige,” ngumiti siya sa akin. “Lakad nalang tayo, maaga pa kasi eh,” dagdag niya. Pabor sa akin iyon mas makakasama ko siya ng matagal, at makakapag-usap kami ng matagal.

Naglalakad na kami, papalabas ng campus at nagkukwentuhan kami about sa argument ko sa teacher ko sa isang math equation kanina. Pinupuri niya ako dahil tama ako at mali ang teacher. Humanga siya sa akin. At ako naman ay masyadong natuwa sa papuri niya pero hindi ko pinahalata. I acted like it was a normal thing na ginagawa ko. “Wala lang iyon,” sabi ko sabay kibit balikat.

Malapit na kami sa school gate nang biglang may sumambit ng pangalan ko at hindi ko na kailangang hulaan kung sino iyon dahil kilalang kilala ko na ang boses na iyon.

Sabay pa kaming lumingon ni Rhianne at nakita namin ang isang Jessie na mukhang kulang sa tulog at sa pagkain at sa kaligayahan. Ang payat niya, ang lalim ng mata at may hindi maitagong lungkot sa kanyang mukha.

Ang nakakatakot lang sa akin ay wala akong nararamdaman na pagkalungkot o pagka-awa. At naiinis pa ako dahil nagkakaganyan siya, naiinis ako dahil nagpapakita siya sa akin ng ganoon ang itsura niya. Para niya akong kinokonsensya. Pero hindi na ulit mangyayari iyon, tama na ang mga katangahan ko dati.

“Tara na Rhianne,” sabi ko kay Rhianne.

Tinalikuran ko si Jessie at waring hahakbang na ako ng biglang hinawakan ako ni Rhianne sa may backpack ko.

“Teka lang Nico may sasabihin ata sa iyo ang kaibigan mo,” sabi niya sa akin. Tinignan niya ako ng may pag-aalala sa mukha niya.

Waring nangungusap ang mga mata namin ni Rhianne. Parang sinasabi niya na kausapin ko si Jessie at sinasabi ko naman na ayaw ko. Pinandilatan niya ako na unang beses niyang ginawa at hindi ko expect na kaya niyang gawin. Dahil doon ay sumuko na ako at napabungtong hininga.

“Hayy, sige na nga,” sabi ko. Hinarap ko si Jessie. “Ano ba ang kailangan mo sa akin?” tanong ko sa kanya.

“Kailangan ko ang bestfriend ko,” maluha-luha pa siya habang sinasabi niya iyon. Napaihip nalang ako sa bangs ko, medyo naiinis na ako.

“Nico I think kailangan niyong mag-usap. Sige mauuna na ako sa iyo,” nagpaalam sa akin si Rhianne. Sinubukan ko siyang pigilan kaso binantaan niya ako na mgagalit raw siya kapag sinundan ko siya. Ang nagawa ko nalang ay ang pagmasdan siyang umalis.

Sumama lang lalo ang loob ko ng nawala na ako ng pag-asa na makasabay si rhianne sa pag-uwi. Kung kailan maayos na kaming nakakapag-usap ay ganito pa ang mangyayari.

Wala na akong choice kung hindi kausapin si Jessie. Lumapit ako sa kanya at hinatak ko siya papunta sa rooftop. Ayon lang kasi ang lugar na alam ko na hindi siya makikita ng mga tao kapag nag-iskandalo siya. Kahit mag-iiyak siya doon ay walang makakakita.

“Ano nanaman ba ang problema mo?” tanong ko sa kanya. Hindi mawala ang pagkakunot ng noo ko.

“Nakipag-break na ako kay Ken,” sabi niya sa akin.

“Ah ganun ba? Ayun lang ba ang gusto mong sabihin? Wala na bang iba?” sabi ko. Cold na kung cold, bitter na kung bitter. Pero wala na talaga akong maramdaman na sinseridad at konting simpatya sa kanya. Oo, minahal ko siya. Pero tapos na iyon. Nakakalimutan ko na nga siya at nakakalimutan ko na ang pangalan niya. Tapos heto nanaman siya bumabalik para maghatid ng mga bagong sakit ng ulo sa akin.

Ano ang inaasahan niya na sasabihin ko sa balita niya? Ano ang inaasahan niyang reaksyon ko? Ano ang inaasahan niya na gagawin ko?

Ang dating Nico, yayakapin agad siya. Pagkayakap na pagkayakap ko sa kanya ay iiyak siya. Ako naman sasabihin ko na “Magiging ayos rin ang lahat. Makakahanap rin siya ng iba. Yung mas karapat dapat. Yung hindi ka sasaktan. Yung papahalagahan ka. Yung mapapansin ang efforts mo.” Hindi niya napapansin pero sa mga sinasabi ko ay dinedescribe ko na ang sarili ko. Tapos sasagot siya sa akin ng “Buti nalang lagi kang nasa tabi ko. Salamat at naging kaibigan kita. Salamat dahil lagi kang nandiyan para sa akin. Salamat at inaalagaan mo ako... I love you...” sasabihin niya. Bibilis ang tibok ng puso ko at magagalak, pero may salita siyang idurugtong na babasag ng mga pangarap at pag-asa ko. “...BESTFRIEND.”

“Gusto kong humingi ng tawad,” sabi niya.

“Para saan?” tanong ko.

“Sorry dahil nasaktan kita, hindi kita pinagalagahan, hindi ko napansin ang mga efforts mo. Sorry dahil naset-aside ko ang feelingsmo... Sorry Nico.” Naiyak na siya.

Nahabag ako sa mga sinabi niya at nangilid ang luha ko. “Tapos ka na ba?” Tanong ko sa kanya ng walang ka emo-emosyon. Tumigil siya sa pagluha at napatitig lang sa mga mata ko. “Sige aalis na ako.” Dagdag ko pa.

I hate confrontations. I hate apologies. Mahina ako sa dalawang bagay na iyan.

Tinalikuran ko na siya.

“Nico wait lang!” Niyakap niya ako. “Nico kailangan kita ngayon. Please samahan mo muna ako.

“Jessie ang kailangan mo ay iyong dating Nico,” tinanggal ko ang mga braso niya na nakayakap sa akin. “Mag-ingat ka na lang.” Hindi ako tumitingin sa kanya habang lumalakad ako papalayo.

“Nico mahal kita!”

Napatigil ako sa paglakad. Napangisi ako sa sinabi niya. Weird ang tagal ko ng gustong marinig na sabihin niya iyon. Pero ngayong narinig ko na ay puro galit lang ang naramdaman ko. Pinaglalaruan niya nanaman ang nararamdaman ko. “Sinasabi mo lang iyan.”

Iniwan ko na siya. Nang nakababa na ako sa building ay napasandal ako sa pader sa may hagdan. Napabuntong hininga ako at nasuntok ko ang pader na walang kamalay malay.

SHIT!

Bakit kailangan niyang sabihin sa akin iyon. Hindi laruan ang puso ko. Porke wala na sila ni Ken ay bigla niya ng sasabihin na mahal na ako. Nasasabi niya lang iyon dahil mag-isa siya. At iyon kaisa-isang kinatatakutan niya.

Hindi na ako maniniwala sa kanya.

Ibato ko man ng paulit ulit ang boomerang ay babalik ito sa akin. Anng tanging paraan lang ay ang sirain ito.

[end chapter]

_____________________________________________________________________________

Pasensya kung bitin.. update ako bukas..

Please vote and comment eheheheh ^___^ thanks

Ako nga pala si Tanga [Edited] [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora