World Balance; World Imbalance

11.6K 184 63
                                    

Tuwang tuwa akong binabasa yung mga comments ahahahaha ^_____^

_____________________________________________________________________________

And say we're heading for a heart heart heart break!! I'm gonna gonna turn around and walk away..

Don't say you love me don't even..

Don't say you love me your leaving..

Napakanta ako bago mag type.. ahahahah

_____________________________________________________________________________
Balance is equality... pantay-pantay.
Imbalance is inequality... parang si panget at si maganda.

Sabi nila balanse raw ang mundo at ang mga buhay rito. Pag malungkot ka ngyon, magiging masaya ka mamaya. Pag masaya ka ngayon, asahan mo... IIYAK KA MAMAYA.

Hindi pupwedeng masaya ka lang lagi. Hindi na balanse iyon.

Hindi rin pwedeng lagi kang malungkot. Malas ka na pag ganoon.

Naglalakad ako papunta sa room ko at masayang masaya ako dahil nakabili na ako ng album ng Boys Like Girls na Love Drunk sa iTunes kagabi. Hanggang ngayon ay pinapakinggan ko siya, naglalakad ako na may nakasalpak na earphones sa tenga ko.

Dear God, sana maging maayos ang araw na ito. Sana ay walang drama, walang sampalan, suntukan at kagutuman. Gusto ko na ng katahimikan.

Pagdating ko sa room ay nadatnan ko itong walang tao. Ako kasi madalas ang unang pumapasok. Ayaw na ayaw ko kasing nale-late. Ang awkward kasi ng pakiramdam pag late. Yung tipong papasok ka na nagkaklase na tapos mapapatingin sa iyo ang lahat habang naglalakad ka pupunta sa upuan mo.
Umupo ako sa kadulu-duluhan at kasuluk-sulukan na upuan. Doon kasi ako madalas umupo para nakakapaglaro ako ng games habang nagka-klase. Pwera nalang pag alphabetical ang arrangement.

Napapa-headbang pa ako sa pinapakinggan kong kanta pamagat ay “She’s Got a Boyfriend.”
Natigilan ako sa paghe-headbang ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok na isang babae. Isang babae na never ko pang nakita. Umupo siya sa upuan na pinakamalapit sa pintuan. Pinagmasdan ko siya, wavy ang buhok, at mukhang hindi katangkaran. Hindi ko masyadong natanaw ang mukha niya dahil umupo siya agad.

Bago kaya siya naming classmate?
“Uhm miss?” tinanggal ko ang headset ko. Mahina lang ang pagkakasabi ko pero rinig na rinig sa buong classroom.

Lumingon siya sa akin at doon ko napagtanto na napaka ganda niya. Singkit ang mata niya, at matangos ang ilong sabay may pink lips na bumabagay sa kulay ng kutis niya na maputi. Naalala ko si Keito sa itsura niya. Pero napakaganda niya.

“Bakit?” sa tono ng boses niya ay alam ko na na napakahinhin niya.

“Ah, wala naman. Ngayon lang kasi kita nakita dito? Kaklase ka ba namin?” tanong ko sa kanya.

“Oo, transferee ako,” lumapit ako sa kanya. Dapat kasi maging friendly sa bagong mga kaklase lalo na at kasing ganda niya.

Medyo napahiya pa siya ng lumapit ako sa kanya at napayuko siya. Ang cute niya lang tignan. Iniabot ko sa kanya ang kamay ko para makipagkilala. “I’m Nico,” hinawakan niya naman at nagshake hands kami.

“Ako si Rhianne,” ang ganda naman pala ng pangalan niya, Rhianne. Lahat maganda sa kanya.

Umupo ako sa tabi niya at bigla siyang nagtanong sa akin. “Uhm mababait ba ang mga estudyante dito?” tanong niya sa akin. Laking pagtataka ko naman kung bakit ganoon ang tanong niya.

“Mababait kaso malalakas ang trip sa buhay. Typical na estudyante.” Napangiti ako sa kanya. At nag-blush nanaman siya tapos napayuko.

After noon ay binalot na kami ng katahimikan at medyo naging awkward na. Gusto ko na nga sanang bumalik sa upuan ko kaso nahihiya naman akong tumayo. Wala naman akong mai-open na topic dahil hind naman talaga kami magkakilala. Saka baka pagnagtanong ako ng nagtanong isipin niya ay kalalaki kong tao ang daldal ko. Baka ma turn off sa akin.
For the first time nagkaroon ako ng bago ng prospect at masaya ako.

Ako nga pala si Tanga [Edited] [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora