Newton's Law

12.4K 204 28
                                    

Hello ^___^

Masyado ko daw pinapanindigan na short story to, kasi pati daw yung update ko short.. hahaah

______________________________________________________________________________

In every action there is an equal and opposite reaction. (Newton’s Third Law of Motion)

Iyan ang kaisa-isa kong natutunan na bagay sa  General Science na nai-aapply ko sa buhay ko.

Ang intindi ko diyan ay pag may sinuntok ka, may susuntok sa iyo. Kapag may kinain ka may lalabas sa iyo.

Maihahalintulad mo rin iyan sa karma. At pinaintindi sa akin niyan na pag nagmahal ka may dalawang reaction. Ang maging masaya ka o masaktan ka. Sa kaso ko, nasasaktan ako sa pagmamahal na binibigay ko.

Nakaupo kami sa park Bench ng kaibigan ko si Keito. Si Keito ang bestfriend kong isa pa maliban kay Jessie. Isa siyang baliw na chinito na isip bata na ayaw pa atang tumanda. Tinuturuan ko kasi siya sa wuadratic equation na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makuha.

Nauubos ang vacant period namin sa pagtuturo ko sa kanya sa isang simpleng math lesson. May exam kasi kami sa math pagkatapos ng vacant namin.

Habang busy na nagsasagot si Keito sa math problems ay nakatulala naman ako sa kawalan. Pinagmamasdan ko ang mga estudyante na naglalaro ng badminton nang biglang may yumanig na sampal sa pisngi ko.

Napalingon sa akin ang mga tao. At ako naman ay tumingin ng masama sa sumampal sa akin, isang babae na hindi pamilyar. Kung pwede lang manakit ng babae kaso, hindi maka-tao iyon.

“Hoy Nico mahiya ka nga! Kalalaki mong tao pinapaiyak mo si Jessie,” nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Parang gusto kong manuntok. Si Jessie nanaman! Lagi nalang si Jessie!

Sasagutin ko sana yung babae kaso biglang sumabat si Keito. “Hoy mamaya ka na manampal! Nagpapaturo ako sa algebra!” Nang narinig ko ang mga kataga ni Keito ay hindi ko naiwasang tumawa.

Nang nakita akong tumatawa ng babae na nasa harap ko ay lalong nag-init ang ulo niya. “Tumatawa ka pa!”

Ibinalik ko na sa pagiging seryoso ang mukha ko. “Napakawarfreak mo naman. Kung galit na galit ka sa pagpapaiyak ko sa kaibigan mo, sabihin mo muna sa akin ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Ano raw ba ang ginawa ko sa kanya.”

Natahimik siya sa sinabi ko. Ngumisi lang ako dahil hindi siya makasagot. “Mananampal ka ng hindi mo alam ang dahilan kung bakit mo ako kailangang sampalin.”

“Wala akong pake! Basta ang alam ko sinaktan mo ang kaibigan ko!” sigaw niya. Mga babae nga naman!

Biglang itinaas ni Keito ang kamay niya na parang sinasabi sa babae na tumigil muna siya. “Nico tama ba itong nakuha ko? Negative two?” sabi niya. Ayos rin itong si Keito, all this time na nakikipag argue ako dito sa babae ay algebra pa rin ang nasa isip niya. Natawa tuloy ako.

“Miss sandali lang ah mas importante kasi ito kaysa sa kadramahan niyo ng kaibigan mo,” tinitigan ko yung solution ni Keito na surprisingly ay tama. Ngumiti ako at sinabi ko kay Keito na tama ang sagot niya.

“Yes!” sigaw ni Keito. “Sa number two naman turuan mo ako.” Hindi ko na pinansin ang babae at tinuruan ko si Keito.

Napasigaw ang babae sa inis. “Mahiya ka sana sa mga pinaggagagawa mo Nico! Ilang araw ng umiiyak si Jessie ng dahil sa iyo.” Sa narinig ko ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tapos feeling ko ay masakit sa dibdib pero hindi siya ganun kasakit. Para bang mabigat sa pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Umalis na iyong babae at ako naman ay nagfocus na sa pagtuturo kay Keito. Nang natapos na kami ni Keito ay nagtanong siya sa akin.

“Ano ba kasi ang ginawa mo kay Jessie, Nico?” tanong niya sa akin.

“Sinabi ko ang totoo saka lumayo ako sa kanya,” sabi niya.

“Ahh, oo nga pala no. Hayaan mo na iyon. Turuan mo nalang ako sa graphing.” Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

Mas malaga ang pag-aaral kaysa sa problema na iyon.

***

Natapos na kami sa exam namin sa algebra at laking gulat ng buong klase na naka-perfect si Keito. Tinignan pa muli ni Miss Dizon ang papel ni Keito, pero wala siyang nakitang anomalya. Tinanggap nalang nila na perfect si Keito. Ako naman nagluluksa dahil may mali akong isa, namali ako ng nilagay na sign.

Mas gugustuhin ko ng makakuha ng kalahating score kaysa one mistake, masakit na torture sa puso at utak. Para kasing perpekto na dapat kaso pumalya pa.

Pagkatapos ng Math subject namin ay napagdesiyunan ko na puntahan si Jessie para kausapin. Alam ko kasi na break niya sa mga oras na ito.

Sabihin niyo nang tanga ako. Ayun naman ang title ng kwento na ito.

Sinilip ko siya sa room nila at nakita ko siya doon na mag-isa, nakayuko na akala mo ay si Sadako. Pakiramdam ko tuloy ay na set-up ako.

“Uy,” sabi ko. Napatingin lang siya sa akin.

“Umiyak ka raw?” tanong ko. Kahit hindi ko naman tanungin ay halatang halata na umiyak siya. Namamaga kasi ang mga mata niya.

“Sino ang nagsabi?” mahina niyang tanong sa akin.

“Yung kaklase mo na nanampal sa akin sa quadrangle kanina,” sabi ko.

“Sinampal ka? Sino?” tanong niya. Ang mukha niya ay parang nagtataka.

“Hindi ko alam,” sabi ko sa kanya.

Biglang may pumasok na grupo ng mga babae at nakita ko sa mgapumasok ang nanampal sa akin. “Hoy lumayas ka nga sa room namin!” Nag-init ang ulo ko ng narinig ko ang nakakairita niyang boses.

“Pwede ba wag kang epal! Kanina ka pa eh! Pakeelaman mo nga sarili mong buhay at baka sakaling maging honor student ka pa!” sigaw ko sa kanya. Natahimik siya at umupo nalang sa isang sulok kasama ang mga kaibigan niya.

Ibinalik ko na ang tingin ko kay Jessie na gulat na gulat sa ugali na pinapakita ko. Nakilala niya kasi ako na tahimik lang at hindi naninigaw ng babae. I was the mere description of a gentleman, I WAS.

“Ano ba ang ginagawa mo rito?” tanong niya.

Hindi ko rin alam, gusto ko lang naman siyang makita. Kaso that would make her assume na handa na akong makipag-ayos sa kanya. Which is handa na dapat ako kaso mayroong sumingit.

“Wala naman,” tumalikod na ako sa kanya at waring aalis. “Sige aalis na ako.”

“Teka lang,” sabi niya at parang naiiyak nanaman siya, base sa tono ng boses niya.

Napahinto ako sa paglakad.

“Pwede bang ibalik na natin yung dati Nico?” umiling lang ako.

“Mahirap ang hinihiling mo lalo na at wala na tayong babalikan.”

Pag anng isang bagay ay nasira na mahirap ng ayusin pang muli.

Pag ang baso nabasag at piulot mo ang mga bubog masusugatan ka lang. Pagnapulot mo naman na lahat at napagdikit dikit mong muli, may lamat pa rin.

[end chapter]

Ako nga pala si Tanga [Edited] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon