MPML Book 2 (8)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Grabe pre, ako nga natatandaan kong kinuha sayo ni Ria yung binder mo eh. Wala ka talagang pakialam sakanya ano?" Tanong ni Steven.

"Bakit naman ako magkakaroon ng pake sakanya e taga-gawa ko lang naman sya ng schoolworks ko. She's nobody, dude. Tara sa cafeteria nagugutom ako." Sabi ko habang nauuna akong bumaba sakanila.

----

Medusa's POV

"Sha, mamaya na yan kumain ka muna makakapagantay naman yang lesson plan na yan."

Nasa cafeteria kami nila Jess, sila lang yung kumakain pero ako tutok sa laptop ko at nagoorganize ng lessons for next month.

"Oh, sumubo ka muna kahit isa lang. Nagddiet kaba Cha? Kasi pumapayat ka." Sabi naman ni Jess.

Napatigil ako sa kakatype at tiningnan yung sarili ko.

"Di nga, seryoso?" Tanong ko.

"Oo nga Sha, pumapayat ka. Kumain ka nga, puro ka trabaho. Nasaan na yung matakaw na Shashang kilala ko noon?" --Travis

"Wala na, kinain ko narin." Sabi ko ng hindi tumatawa.

"HAHAHAHAHA!" Napatingin kami kay Jess na wagas tumawa.

"Bakit? Joke yun diba?" Tanong nya pa.

"Oo joke yun pero hindi yun nakakatawa ng sobra para tumawa kanang wagas dyan." Sabay irap ko sakanya.

"Grabe kana talaga Cha. Dati ang dali mong patawanin, ngayon kahit kilitiin ata kita walang epek eh? Ganyan ba talaga?" Tanong ulit ni Jess.

"Anong ganyan ba talaga?" Ang sama ng tingin ko sakanya. He keeps making that face, I know that face.

"Pag...tumatanda?"

*PAK!*

"CHAAA!!"

"HAHAHAHA! Gunggong ka kase hahaha!" Tawa naman ng tawa si Travis habang kumakain ng burger nya. Yes, mahilig parin sya sa burger.

Tinuloy ko yung pagtatype ko sa laptop ng may nagpop-up na email sa screen ko. Clinick ko yun agad at nakitang message from one of my readers.

***
Hi, I really admire your work. I wish you loved the chocolate I have sent for you. 🐼
***

"What the."

"Why?" --Travis

"It's Mr. Panda Guy."

"Mr. Panda Guy??" --Jess

"Yung nagpadala ng chocolates nung isang araw."

"Oh? Patingin! Ano gwapo ba? Patingin! Patingin!" Nagmadaling kunin sakin ni Travis yung laptop ko at tiningnan yung picture ng sender.

"You've got to be kidding me. E panda din yung profile picture nya eh!"

"Like I said, he's Mr. Panda Guy." Sabi ko.

"Tanungin mo kung sino sya hindi yung nagtatago sya sa mukha ng panda." --Jess

"Ba't aalamin ko pa? He's just one of my readers, it's not a big deal."

"Sha, he sent the chocolates where you work. Meaning, alam nyang dito ka nagtatrabaho. E diba wala naman sa info ng email mo na dito ka nagtatrabaho?"

Napatigil ako bigla. Travis's right. Paano nga nya nalamang dito ako nagtatrabaho?

"I hate sweets, especially chocolates. Who the hell are you?" Reply ko sakanya, mayamaya naman nagreply na sya.

"✌🐼" -- Mr. Panda Guy

"Jerk." Bulong ko.

"Ano sabi?" --Jess & Travis

"Emoticons lang sinend nya at yung mukha na naman ng panda. You know what, this is non-sense wala lang siguro magawa to."

"Wag mo ng replyan, baka isa lang yan sa mga klase ng fans na nangsstalk." --Jess

"So, what now? I have a stalker?"

"Parang ganun na nga." -- Travis

Napatitig ako sa email ni Mr. Panda Guy. Pati profile nya tiningnan ko but no use. Dummy account kasi gamit nya, mga damuhong nilalang.

Pinatay ko nalang yung laptop ko at kinuha yung kinakain ni Travis.

"Waah! Akin yan!!"

"Kanina pinapakain mo ko, ngayong kumakain na ko pipigilan mo ko." Wala syang nagawa dahil kinagatan ko na.

"Akin yun eh pfft." He pouted.

Natawa nalang ako sakanya. Habang kumakain at nakikipagkwentuhan kila Jess napatingin ako sa kabilang table at nahuling nakatitig sakin si Marcus.

"Ugh, oh sayo na nawalan na ko ng gana." Sabay balik ko sa plato ng burger ni Travis.

"Oooh!!" Kinain naman agad ni Travis yung kinakagatan ko na.

"Minsan iniisip ko kung nangangasar si Yuji e, we broke up years ago and he planned to enrolled his son here. HERE, where I work. Nakakaasar diba? Imbes na nakakalimutan ko na yung pangalan nya e hindi e, palaging kong binabanggit yang apelyido ng anak nya dahil lagi akong nilalandi sa klase ko."

"Well, too bad dahil mas mapapalapit kapa sa anak nya." Sabi ni Jess.

"No, I'm not. As much as possible, ayokong nakikipagusap o lapitan yang anak nya. I keep my distance from him, dahil kahit saang anggulo ko sya tingnan naaalala ko sakanya yung tatay nya."

Natawa bigla si Jess.

"Nope. Not that, Cha. Remember ako nakaassign sa grades ng mga students sa office last time?"

"And?"

"Well, Marcus Salvatore YOUR student has really bad grades since first sem, especially in your subject. He needs a tutor."

Napakagat labi ako, anak ng pitumpu't pitongpung tupa oh.

"No." Sagot ko.

"No?" -- Travis

"No!"

"What do you mean no, Cha? He's your student, meaning he's your responsibility." -- Jess

"That kid keeps flirting with me and it irritates me everytime I get to call his name. He's a Salvatore Jess, a Salvatore!"

"I know, it sucks." Sabay inom ni Jess ng red tea nya.

"Ok lang yan Sha, basta turuan mo lang wag mong alalahanin na tatay nya si Yuji. San mo ngapala sya tututor'an?" --Travis

"Sa office ko kung san dating office ni Yuji na dati ring lugar kung san kami nagrereview ni Yuji for Mathletes."

"Ow. It really is sucks." Pangangasar pa ni Travis.

*Facepalm*

----

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon