Wakas

4.4K 136 8
                                    

Third Person's POV

" Oy! Picture picture na! " Sigaw ni Vier na siyang nagaayos sa DLSR.

Magkahawak kamay namang lumapit si Micheal at Angeline --- Sa wakas nagkaaminan na kasi ang dalawa at tuloy na tuloy na ang kasal. Hindi na dahil sa merging ng Kompanya kundi dahil mahal na mahal na nila ang isa't isa.

" Ang ingay! Di naman kami binge! " Singhal pabalik ni Fern sa manliligaw.

Wala eh, di niya akalaing magugustuhan niya din ang mokong. Balak na nga niyang sagutin eh. Matagal tagal naman na itong nagpapacute sa kanya.

If I know, alam niyang patay na patay ito sa ganda nya.

" Sorry bebe labs! "

" Tse! "

Natawa naman si Lyka na siyang nagiihaw sa barbeque. Agad naman niyang hinango ang mga sinalang saka lumakad na rin sa kumpol ng mga kaibigan na naka pose na.

" Teka! Sama kami! " Sigaw ni Andres na kaakbay ang girlfriend nito. Nagkita na sila ulit ni Lyka, parang magkapatid na talaga ang turingan nila sa isa't isa, hindi na rin ito pinagseselosan ni Kent, ahm well sometimes na lang siguro?

" Pwede ba akong sumama? " Mahinang bulong nang nasa likod nila.

" Bea! " Sigaw ni Lyka saka patakbo itong niyakap.

Simula ng makulong si Helen ay nagkalapit muli ang dalawa. Lalo na ng malaman na si Bea pala ang tumulong para mahanap siya ng mga pulis at mahuli ang ina nito.

Mahal pa rin naman ni Bea ang Mama niya, nauunawaan naman niya na ginawa iyon ng Ina para sa kanila ngunit sa masamang paraan lang ito naipakita.

Brat man siya ngunit hindi ganun kasama na kayang magpapatay. Nagsisisi na ang Mama niya sa mga nagawa nitong kasalanan at umiyak ito ng lubos ng aminin ang pagpapatay niya sa amain na minahal niya, nabulag lang talaga siya sa selos at sulsol ng kanang kamay niyang si Karding.

Payapa na itong pinagbabayaran ang kasalanan sa kulungan.

Nagkaayos si Bea at Lyka, naging magkaibigan na din. Isa nang designer sa isang clothing company si Bea na nagbago na.

Si Lyka naman ngayon ang namamahala sa kumpanyang iniwan ng Lolo niya ngunit may balak siyang hati hatiin ang pagaari nito sa mga taong lubos na tumulong upang umunlad ang kanilang negosyo.

" Oy! Tama na yan picturan na! " Tili ni Angeline, tinakpan pa nga ni Micheal ang bunganga nito saka hinalikan sa pisngi kaya namula ang bruha.

" Where's your boyfriend? " Tanong naman sa kanya ni Fern.

Magkahawak kamay naman sila ni Bea na lumapit sa nakahilerang mga kaibigan maliban kay Vier na nasa tabi pa rin mg camera.

" Ewan ko dun, sabi niya magpapalit lang daw siya eh. " Sagot naman niya.

Kakasagot niya lang kay Kent, hays aarte pa ba siya ganung mahal naman niya. Oo kakasagot lang, sinabi kasi niya na hindi pa rin sila nung natulog sa kanila ni Kent.

Hindi pa din daw kasi niya masyadong dama ang panligaw nito, wala namang nagawa si Kent kahit nagakaaminan na sila.

Nasa likod bahay nila Lyka sila ngayon at nagpool party pero sila sila lang.

Celebration dahil wala ng sigalot sa pamilya at ayos na ang lahat.

" Tagal naman ng pangit na yon! " Nakasimangot na reklamo ni Vier.

" Mas pangit ka kaya! " Kontra ni Lyka sa kanya. Para sa kanya, ang boyfriend niya ang pinakapogi sa lahat.

" Nagsalita ang maganda. " Pambabara naman ni Fern.

" Maganda talaga ang babe ko no. " Ani ni Kent na kadadating lang mula sa loob, may hawak itong bulaklak at chocolate.

" Anong meron? " Takang tanong no Angeline.

" Happy weeksary! " Sigaw ni Kent sabay abot ng dala nito.

Natawa naman ang nasa paligid lalo na si Vier na sinabihan pa siyang korny.

" Seriously? Ano ka teenager? " Di makapaniwalang sagot ni Lyka saka humalakhak, natawa na din si Bea na katabi niya.

Tinaggap niya na ang bigay nito dahil malapit ng sumimangot ang boyfriend niya.

" Syempre, Every day I am with you is worth celebrating. " Seryosong sagot ni Kent sa kanya na kinapula niya.

Unulan nanaman tuloy sila ng tukso.

" Oy tama na yan picturan na! " Saka in-on ni Vier ang timer, agad siyang tumabi kay Fern at umakbay dito.

Nakayakap naman sa likod ni Angeline si Micheal, ganun din si Andres sa nobya niya.

Katabi naman ni Lyka sa kaliwa si Bea at sa kanan si Kent.

" Daya wala akong partner! " Natatawang sabi ni Bea, natawa din tuloy sila dahil tama nga ito.

Nang saktong malapit ng magflash, agad kinabig ni Kent ang pisngi ni Lyka saka hinalikan ito sa labi. Sakto ito sa pagflash ng camera. Nagayiee naman silang lahat pagkatapos at nagtawanan.

Pinaghahampas naman ni Lyka sa braso ang nobyo na tatawa tawa lang saka siya niyakap.

Marami mang naging pagsubok sa buhay niya ay hindi siya sumuko. Hardships are nothing compare sa kung ano man meron siya ngayon.

" I love you babe. " Kent.

" I love you too. " Saka siya naman ang humalik sa nobyo.

Hindi na niya kailangang magpanggap na janitor o magtago because...

Her Dirty Little Secret is not a secret anymore.

--------- WAKAS ---------

AN.

Natapos din! Pasensya na kung minadali ko na ito kaso gusto ko ng umpisahan ang iba ko pang story.

Abangan niyo ang story ng triplets starting with CJ Dela Rosa ang " Devil in Disguise " at ang isa ko pang story na " Beauty with a Gun " Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa! Godbless!

My Dirty Little Secret.Where stories live. Discover now