Ikalima

4.7K 167 23
                                    

Lyka/Luis's POV



" Teka saglit lang ate! Oy marivic! " Sumisigaw na sabi ko habang hinahabol ang unang unang babaeng nasa listahan ko.


Bat ba kase ako tinatakbuhan nito? wala naman akong balak na masama sa kanya hays di naman ako mukhang siraulo ah, nakauniform nga ko eh.


Tapos nakaayos pa ako kase kanina pa natapos yung shift ko.


" Ano bang kailangan mo kase sakin!" sigaw niya na hindi man lang lumilingon sa akin, teka allergic ata sa lalaki ah kase itsurang lalaki ako ngayon hindi ba?


" May itatanong lang ako sayo miss importante lang!" Sagot ko, para kaming tangang naghahabulan dito.


" Hindi nga sabe ako nagpapaligaw eh! "


Napanganga ako sa sinabe niya, manliligaw daw? tama ba ang pagkakarinig ko?


Huminto ako sa pagtakbo, huminto din siya na mukhang nakaramdam, nagpapahabol ata to eh ang landi lang ah. Ikaw ate ah, harot much.


" Nakapaglinis ka ba ng tenga mo? sinong my sabing manliligaw ako?" Kunot noong tanong ko.


Natigilan siya at biglang tumingin sa akin.


" Ay hindi ba? sorry. " sabay kamot sa ulo niya.



Nagsayang ako ng energy kakatakbo dahil sa pqgiging assuming netong babaeng to, purket may itatanong lang manliligaw agad?



Asan ang hustisya don? ganon ba siya kaganda? well magansa naman talaga siya kaso dapat humble lang.



" Tsk, pinagod mo lang ako kakatakbo, so pwede maupo muna don? " Sabay turo ko sa malapit na bench sa amin.


Nahihiyang tumango naman siya at umupo nga don, umupo din ako pero may pagitan sa aming dalawa.


" Ano ba itatanong mo? " Tanong niya habang nakatingin sa langit.


Tumikhim muna ako bago sumagot.


" May kilala ka bang Isabel ang pangalan? perhaps nanay mo? "


kunot noong napalingon siya sa akin at humalumbaba.


" Linda pangalan ni Mama eh, bat mo ba natanong? "


" Wala may hinahanap lang ako, sige salamat sa pagsagot " Nakangiti kong sabi at sumaludo sa kanya.


Pinagpag ko muna ang pantalon ko pagkatayo saka humarap ulit sa kanya na tulalang nakatingin sa akin.

My Dirty Little Secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon