Ikalabing walo

3.2K 113 3
                                    

Third Person's POV

" Mendez, may dalaw ka. " Ani ng pulis kay Helen.

Napairap ang ginang saka tumayo, sumunod siya sa pulis saka sila dinala sa lugar kung saan pwede nilang makasama ang mga dumadalaw sa kanila.

Alam niyang ang anak niya ang bibisita sa kanya, sino pa ba? wala naman nang may pake sa kanya ngayong walang wala na siya.

Pero hindi ang anak niya ang nakita niya, naginit agad ang ulo niya. Ang bwisit niyang pamangkin ang nasa harap niya!

" How are you here? still coping? " Mahinahong tanong ni Lyka nang maupo sa tapat niya si Helen.

" Siguro masaya ka dahil naghihirap ako dito. " Pabalang na sagot ng ginang, mas gusto niya na lang mabulok sa loob kesa makita ang kinamumuhian niyang tao.

Kumunot muna ang noo ng dalaga bago sumagot.

" Babahagian ko si Bea sa mana na makukuha ko, hindi ako kasing ganid katulad mo. "

" Dapat lang, dahil may karaatan kami! "

" Tumahimik ka! " Gigil na sigaw ni Lyka, ang kapal ng mukhang pagtaasan siya ng boses gayung siya na nga ang nagpapakumbaba!

Nagulat si Helen ngunit hindi na nagsalita.

" Hindi ko maintindihan kung paano mo nagawa iyon kay Lolo? pagkatapos ka niyang kupkupin ganun pa ang ginawa mo? " Di makapaniwalang ani niya.

Tumawa ng pagak si Helen, wala kasi siyang alam.

" Pero hindi niya ako minahal bilang isang anak, lagi na lang si Kuya Ricardo! nung nawala siya naging ikaw naman! Ni hindi niya kami napapansin ng anak ko! " Himutok ni Helen, nagsisimula ng manubig ang kanyang mata.

Hindi natinag si Lyka, may galit pala ito sa Ama niya at nabunton na sa kanya iyon ng mamatay ito.

" Hindi pa rin sapat na dahilan yun para ipapatay mo si Lolo! "

" Sapat na iyon! Hindi mo alam ang buhay na meron ako bago ako nakuha ni Papa. Gusto ko lang na ibaling niya ang atensyon niya sa amin, ng bigyan niya rin kami ng importansya hindi lahat nasa iyo! tutal mahal na mahal ka naman niya kaya dapat sa amin na ang lahat ng ari arian niya! "

Hindi makapaniwala si lyka sa narinig, bakit naging ganito kakitid magisip ang tita niya?

" Kung gusto mo ang ari arian ni Lolo sana hiningi mo na lang, hindi sapat na kapalit ang buhay ni lolo. Minahal ka ni Lolo na para niyang tunay na anak, sa kabila ng pagrerebelde mo, pagkalulong mo sa sugal at mga alahas mo... ni isang beses ba ay pinabayaan ka niya? tinaggap ka pa rin niya ng paulit ulit. " Lumuluhang sabi niya, naging bulag ito sa mga bagay na ginawa sa kanya ng kaniyang lolo.

Natahimik si Helen, alam niya. Alam na alam niya iyon pero nadala pa rin siya, nadala siya sa tukso ng pera at sulsol ng mga nakapalibot sa kanya.

" Ibalik niyo na ako sa selda. " Mariin na ani ni Helen at tumayo. Lumapit naman sa kanya ang pulis at pinosasan.

" Pagbabayaran ko ang lahat ng kasalanan ko dito, sana ay wag mong isali ang anak ko sa alitan nating dalawa. " dagdag pa ni Helen saka nagumpisa nang maglakad pabalik.

Sinundan nang tingin ni Lyka ang kanyang auntie, hindi pa rin huli para magbago.

-------

" Wala pa ring pinagbago ang lahat. " Utal ni Lyka sa sarili pagkapasok sa lumang kwarto ng kanyang lolo, pinuntahan niya ang vault saka nilagay ang hula niyang password.

Kagaya ng paulit ulit na binubulong sa kanya, ang petsa ng kaarawan niya.

Napabuga siya ng hangin nang marinig ang mahinang pagklik nito, pinihit niya ito at binuksan.

My Dirty Little Secret.Where stories live. Discover now